20

11 1 0
                                    

Chapter 20

"Asan na ba ang lalaking iyon?"



Hindi na ako mapakali dito sa condo. Alas-siete na ng umaga at di pa rin dumadating si Jairus. Mga alas-sais kasi nandito na dapat yun eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero naka-off phone niya.


Hinayaan ko nalang yun at kinuha na ang gamit ko pati susi ng kotse ko. Malelate na ako kung hintayin ko pa siya. Kapag di niya naman ako maihahatid tumatawag siya o nagtetext, pero ngayon wala.


Kumatok muna ako sa condo niya paglabas ko at wala ring sumasagot.


Ay! Oo nga pala!


Kinuha ko ang isang pouch ko na naglalaman ng mga susi at kinuha ang susi ng condo ni Jairus. Pinaduplicate niya ito para meron din ako since meron din siya nung akin.


Pagpasok ko ay malinis naman ang condo niya. Pumunta ako sa kwarto niya at wala rin siya doon. Maayos ang higaan niya at hindi nagulo. So hindi pala siya umuwi.


Habang nagdadrive ako papuntang school ay tinawagan ko si Brent para itanong kung alam niya kung nasaan si Jairus.



[Ha? Hindi ko rin siya nakasama kahapon.]


"Ah ganun ba?"


[Triny mo na ba tawagan?]


"Oo pero naka-off phone niya."


[Yatap tayo diyan, Kylie.]


"Ewan sayo, Brent hahaha. Tawagan mo nalang ako kung alam mo kung nasaan siya ha."



Pinatay ko na ang tawag at hinayaan nalang. Baka busy lang o kaya nalowbat. Uuwi naman siguro yun mamaya.



"Di mo muna kasama boylet mo ah!" biro saakin ni Lite, kaklase ko dito sa Med School.



Sumimangot nalang ako at di sumagot.



"Baka LQ! Hahahahaha!" pang-aasar pa ni Selena. Isa pa ito eh.



Di ko nalang sila pinansin hanggang makarating kami sa room. Umupo na ako at isinubsob ang mukha sa mesa.



"Hey, are you okay?" tinignan ko ang katabi kong si Arisse.



Tumango ako.



"You can tell me, Kylie. Ano ka ba, parang others!"



I sighed as a sign of defeat.



"Hindi kasi umuwi si Jairus at hanggang ngayon di ko pa rin macontact." paliwanag ko.


"Maybe he's busy, diba."


"Baka nga."



Sumang-ayon nalang ako dahil ayaw ko na mapahaba ang usapan tungkol dun. Hindi na rin siya nagtanong at hinayaan na ako.





Natapos ang araw na walang Jairus ang nagpaparamdam. I tried to call him kaninang lunch pero naka-off pa rin. Nakakabadtrip na siya ah!



"Mag-chill muna kaya tayo," suggest ni Lite.


"Arat club!" isa pa itong si Selena.


"Well, it's friday naman, G!" sabi naman ni Arisse.


Napailing nalang ako. "Pass." sabi ko at nginitian sila.


"Anong pass?!" nakataas na kilay na sabi ni Lite. "Ngayon nalang ulit tayo mag-club oh!"


"Tama si Lite, Kylie."


Hurricane's PassionWhere stories live. Discover now