Camera 2

60 11 2
                                    

Chapter 2
Bohn Revil Corpuz

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. They are right.

"You're indeed cute." im not kidding. He's so short. Kili kili ko lang ata ang isang to. Bukod sa maliit siya,feeling ko malambot din ang balat niya. Para nga siyang babae.

"D-dont say that. Nakakahiya" napangiti nalang ako. Hindi siya manly but he's something else. He's like a girl pero may itsura din ang isang to.

Napailing nalang ako.

"Mauna na ako." Paalam niya at tumayo na. Gusto kong matawa kasi nakita kong namumula ang tenga niya. He's shy.

"Ok" sabi ko naman.

Pagkalabas niya ng pinto ay natawa ako. Nakikita ko na siya sa school at hindi ko ineexpect na siya pala ang makakapartner ko sa project na to. Next is the workshop.

~~•~~•~~•~~•~~

"Don't be a bad ass again! Im telling you!" Galit na sabi ng manager ko. I rolled my eyes.

"Im not" i said.

"Please Bohn! Siguraduhin mong makakasundo mo si Earth." sabi ni Kylie,my manager. Iniwas ko nalang ang tingin ko sakaniya.

"Maganda naman pakikitungo ko ah." Umupo ako at nagbasa ng script.

"Siguraduhin mo!Ang cute ng pics niyo. Kakameet niyo palang. Nagkakagulo na ang media!" sabi niya naman saakin habang patili tili. Tinignan ko siya at tili siya ng tili. Hindi siya galit?. Tsk. Akala ko pamandin,galit siya.

Nag-open ako ng twitter.

Number one trending. BohnEarth? Agad?

Nagbasa ako ng mga ibang inupload nila online. Humakot nga ng fans ang pics namin. Yung nagshake hands kami tapos nagngitian. Ang cute daw ng height difference.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang daliri ko at sinave yung pictures namin.

"Mukhang mag bebest couple kayo ngayong taon" sabi naman ni Kylie. Napairap nalang ako ulit.

"Umpisa palang yan. Marami pang lalabas na couples. Wag kang panigurado" inis na sabi ko sakaniya. Kahit kailan,naririndi talaga ako sa manager ko na to. Hindi gaya nung manager ko nung last,ang tahimik.

Nang matapos ako sa pagscan sa twitter ay agad ko ng pinatay ang cellphone ko. Inayos ko na ang gamit ko.

"Alis na ako" inis na sabi ko sakaniya.

Hindi niya naman ako pinigilan at nakatingin lang sa pictures namin ni Earth sa Computer niya.

Adik.

Nang makalabas ako ng elevator ay agad akong nagsuot ng hat at mask. Ayokong may nakasunod saakin pag nasa labas ako. Im just a normal student din.

Lumabas na ako ng building at agad na pumunta sa parking lot. Sumakay na ako agad sa sasakyan ko at inalis ang mga disguise ko. Napahinga nalang ako ng malalim. Im tired of this.

"Next days will be tiring."

~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~

Love Behind the Movie (BL)Where stories live. Discover now