Chapter 3

2.5K 77 5
                                    



 

  Halos takbuhin ko ang building namin dahil mali-late ako nito. Ngunit kung sa kabilang building ay KAZU ang pinagkakaguluhan.
  Para sa akin ang gangster ay pangit sa mga kabataan kaso mahal ko talaga si Hell!
  Meet Clarkson Hell Anderson o mas kilala bilang 'Hell' hindi ko rin alam kung bakit ayan naisipan ng magulang niya ipangalan sa kanya. Hindi ka nais-nais ang kanyang pangalan.
  Sino'ng magulang ang ipapangalan sa anak ay Hell! Si Hell ang leader ng KAZU para sa iba siya ang zero sa bilang. Pero bumagay naman ang pangalan na iyon sa kanyang ugali, dahil masyado siyang demonyo pero mahal ko pa rin siya!
  Agad akong naupo sa upuan ko. Sa totoo lang ay wala akong kaibigan sa klase, dahil hindi ko ma-gets ang ugali nila. Kalimitan sa kanila ay plastic kahit ang mismong akala mo ay kasama niya sa lahat ng bagay ay plina-plastic.
  Mahirap makipagkaibigan sa mga taong sa harap mo lamang mabait. Agad akong tumingin sa harap ko saka ko napansin ang classmate kong si Dabbie.
  Meet Dabbie Monton. Avid fan ng KAZU halos support niya lahat ng member simula kay Yi hanggang Seven at kay Hell. Isang maldita na babae galing sa mayamang pamilya pero laging na o over bake ang cake pag nagba-bake kami.
  "Girls! Alam mo ba kawawa 'yung babaeng girlfriend ni Hell kahapon." nagpintig ang tainga ko sa narinig ko. Oo, may girlfriend si Hell ngunit paiba-iba ito. Lahat ng ugali ng KAZU ay nasa kanya rin maliban na lamang sa ugali ni Singko na patay-gutom.
 

  "Omg! Kisses! Oo, narinig ko rin 'yang balita na 'yan. Tsk-tsk... kawawa naman siya," sabi ni Lortie sa kaibigan nitong si Kisses. "Nagagawa nilang bugbugin ang babae! Grabe wala silang awa," sabi ni Kisses ng may halong pagkalungkot.
  Pasimple lamang akong nakikinig.
  "Bagay lang sa kanila 'yan! Masyado kasi silang pabida." rinig kong sabi ni Dabbie. Agad naman akong napatingin sa gawi niya at gulat ko na lamang ng nakatingin ito sa 'kin. "'Di ba, Stacy?" tanong nito sa 'kin saka ngumisi.
  "Babae laban sa babae, lalaki laban sa lalaki..." 'yun na lamang ang nasabi ko sa kanya. "Kung gano'n bakit mo nilabanan si Hell?" tanong nito sa akin. Agad umarko ang kilay ko sa sinabi nito. Kailan ko nilaban si Hell?
  "Kailan?" sagot ko sakanya at agad itong tumawa ng mapait.
  "'Wag kang magmaang-maangan. Kanina ay inipit mo ang kamay niya sa likod niya, Stacy. At buong campus ay alam iyon!" ani nito sa 'kin at na halata sa kanyang mukha ang inis. "Ginawa ko 'yon, dahil itutulak niya ko. Saka hindi ko alam na siya 'yon!"
  Sa totoo lang ay hindi ako palaban na tao pero hindi ko rin alam kung saan ko nakukuha ang ugali kong ganto pag-inaapakan ako ng ibang tao.
  "Talaga? Mabuti kung gano'n."
  Napataray na lamang ako saka tumingin sa bintana. Mas pinili kong katabi ko ang bintana, dahil mas peaceful pa dito.
  "Okay! Guys! Sabi ni Chef Joy ay bukas na lang daw. Nakipagpalit siya ng sched kay Sir. Justy kaya dumiretso na lamang kayo sa kitchen suot ang complete uniform," sabi ni Dabbie sa harap siya ang class president ng Hrm-one.
  Gano'n talaga pagsipsip, nagiging representative.
  "Andyan na si Ma'am..." habol nito saka ito umupo, kaagad naman pumasok si Ma'am Yubili ang english teacher namin. Kalog ito ngunit panay kwento ng buhay niya ang nasisimulan naming matutunan. Ewan ko ba! Ngunit mahusay ito sa pagtuturo.
  Agad kaming tumayo at gumalang sa kanya.
  "Good morning! Ma'am Yubili!" bati naming lahat.
  "Good morning, class! You may take your seat ," sabi nito at agad naman kaming umupo.
  Halos buong klase niya ay para akong tutumba, dahil nakakaantok talaga ang english sa akin. Pigil kong hindi humikab, dahil baka patayuin ako nito. Halos dalawang oras kong pinigilan ang antok ko!
  "That's all for today. Be ready tommorow for your quiz..." 'yun na lamang ang sinabi nito sa amin saka umalis.
 
  Agad akong bumaba papuntang cafeteria, pero wala dito ang KAZU dahil sa ibang building ito.
  Magkaiba ang junior cafeteria sa senior cafeteria. Dahil masyado na itong malayo kung dito pa sila pupunta para kumain. Ang thirty minutes nilang dapat pangkain ay naubos lang kakalakad nila papunta dito. Agad akong bumili ng isang milk at tinapay.
  Dala-dala ko ang tray na hawak ko at saka naghanap ng mauupuan.
  Agad akong napatingin sa gawi nila Dabbie ngunit agad ako nitong tinaasan ng kilay. As if naman na gusto ko tumabi sa inyo.
  "Stacy!" agad akong napalingon sa tumawag sa akin. "Dito ka sa amin umupo!" sabi nito sa akin at kinakawayan na pumunta ako sa kanila. Agad naman akong pumunta sa gawi nila saka umupo.
  "Dito ka na lang kumain sa table namin," sabi sa akin ni Dece.
  Decerly Nonga. Classmate ko kasama sa top sa klase.
  "Thank you..."
  "Alam mo ang ganda mo talaga..." napatingin ako sa katabi ko.
  Nellisa Llever. Classmate ko rin bestfriend ni Dece, dahil lagi silang magkasama.
  "Lagi ka naming tinitignan ni Decerly, E." turo niya sa kaniyang kaibigan. "Totoo 'yon!" sabi ni Decerly. "Binobola niyo lang ako," sagot ko.
  "Hindi, ah!" pagdidipensa ni Nellisa saka ito tumawa. Mabuti na lang ay mababait sila, sabay kaming umakyat papuntang room. Saka sinumulang magsimula ulit ang klase. Sumunod ang Math at Science jusko ho! Sunod-sunod 'yung mga ayaw ko.
  Hanggang dumating na ang inaantay kong subject ! Lunch break! Kasabay kong muli sila Decerly at Nellisa kumain sa cafeteria at gano'n rin.
  Gano'n na lamang ang tuwa ko ng isang oras na lang ay mag-uuwian na! Kailangan ko maabutan ang KAZU!
 
 
  Halos 'di maalis ang ngiti ko at mabilis na inayos ang gamit ko saka nagpaalam kay Dece at Nellisa nang tumunog ang bell matapos ang isang oras na paghihintay ko sa uwian.
  Agad akong tumakbo papuntang building ng KAZU upang maabutan sila.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Where stories live. Discover now