Chapter 4

2.1K 72 10
                                    


Kahit hapon na ay naghihintay pa rin ako sa KAZU, ngunit gano'n na lamang ang pagtataka ko nang wala pa rin ang mga ito.

Baka naman ay umuwi na sila ng maaga? Ano ba 'yan?! Nagmadali pa man din ako! Halos lahat kami ay nanlulumo. Hindi lang naman kasi ako ang naghihintay para sa KAZU.

"Sino dito si Stacy Santiago?" agad akong napalingon sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Hindi ito sa 'kin nakatingin at inimoy hinahanap ang babaeng pangalan ay Stacy.

"Ikaw ba?" turo nito sa babaeng maganda at makikita ang pagiging eligante.

"H-hindi po..." sagot nito. Agad itong lumapit at tinignan ang ID nito at doon lamang siya na satisfied ng hindi nga nito pangalan ang Stacy.

Bakit ba nila ako hinahanap? Ano ba ang mayroon? Gusto ko sanang tumaas ng kamay, pero may kung ano sa akin ang pinipigilan iyon.

Halos nagtuturo na ito ng studyante ngunit panay magaganda ang tinuturo nito.

Tumingin ito sa akin ngunit nilagpasan ako.

Aba! Sinasabi niya bang hindi ako maganda! Nakakainsulto 'yon, ah!

Magsasalita na sana ako nang may mabilis na humila ng ID ko. Sa gulat ko ay hindi na ako nakapagsalita.

"Ikaw pala si Stacy," ani nito saka hinawakan ang buhok ko. "Ano kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Kampante ako at hindi natatakot. Pinag-iisipan ko maigi kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

"Malalaman mo rin mamaya." mariin niya akong hinila papalapit sa kaniya ngunit doon na ako kumilos.

"Ano kailangan niyo sa akin?" tanong kong muli sa kanya at agad itong tumigil sa paglalakad at saka ako nito tinignan.

"Ang kulit mo naman! Sinabi nang malalaman mo rin mamaya!" hindi ko aakalain na sa sandaling iyon ay bubuhatin niya ako na parang sako!

"Hoy! Ibaba mo 'ko! Ibaba mo ako sabi! Tulungan niyo ako!" sigaw kong muli pero pinagtitinginan lamang ako. Pinaghahampas ang likod nito pero wala siyang pakialam.

Saka ako nito sinakay sa van. Agad akong kinabahan na baka mamaya ay may gawing kahalayan sa akin ang mga ito! Ayoko ma-gangb*ng!

Agad kong sinipa sa tyan ng lalaki ngunit agad akong hinawakan ng isang lalaki at saka ako nito nilagyan ng tape sa bunganga.

Siniko ko ito at nakita kong natumba ito sa upuan sa loob ng van.

"Napakalikot mong babae ka! Kanina ka pa, ha!"  hinawakan ang dalawa kong kamay. Ramdam ko ang pag-andar ng kotse kaya naman mas lalo akong kinabahan.

Pinagtulungan nila akong hawakan mula ulo, kamay hanggang paa saka ko naramdaman ang tali sa kamay ko at paa.

"Pinahirapan mo kami. Mukhang marunong ng mamili ang hayop na 'yon ah!"

Naramdaman kong huminto ang sasakyan saka nito binuksan ang pintuan at bumaba ang tatlong lalaki. Wala akong alam sa sinasabi nila. Hindi ako makapagsalita, dahil sa tape na kanilang itinapal sa aking bibig.

Lima ang mga ito...

Agad akong hinila ng lalaki at binuhat na akala mo bigas at saka binagsak sa upuan. Ngayon ay nakita ko kung saan nila ako dinala.

Sa isang lumang building. Nasa harap ko sila.  Hindi maalis ang tingin ko sa kanilang lima. Gusto kong umiyak at humingi ng tulong ngunit may kung ano sa akin ang hindi pumapayag na umiyak ako.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ngunit hindi ko man lang maramdaman ang takot sa dibdib ko.

"Ikaw lang ang babaeng hindi umiiyak ah." saka lumapit sa harap ko at lumuhod ito para magkapantay ang ulo naming dalawa.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Where stories live. Discover now