Chapter 6

2K 74 6
                                    



"Uhmm!" halos unat kong ungol nang marinig ang alarm mula sa nakakabwesit na alarm clock. Ito ang laging sumisira sa umaga ko.

Inangat kong muli ang isa kong kamay upang hunting-in ang alarm clock na 'yon para paslangin.

Syempre dahil isa akong henyo ay napatay ko iyon ng panandalian lamang.

Agad kong minulat ang aking mata saka bumangon na. Humikab muna ako ng isang beses, saka tumayo at ihanda ang susuotin ko.

Mabilis akong kumilos at sinumulang pumunta sa cr at hinubad ang lahat ng aking damit saka naligo. Halos karipasin ko ang pagsasabon ng maalala kong...

"Si Yi!" sigaw kong sabi. Naalala ko ang nangyari sa amin kagabi!  Nakisabay nga pala ako sa kanya kagabi at nasigawan ko pa ito! Saan ko ba nakuha ang tibay ng loob ko para magawa ko iyon?

Kailangan ay hindi ako nito makita mamaya.

Para sa mga kababaihan ang pagligo ang pinakamatagal sa kanila at pag-aayos. Malalaman mong nagko-kojic ang mga babae pagmatagal ito maligo, dahil inaantay nila ang fifteen minutes na pag mbababad para mas um-effective ang kojic.

Pagkalabas ko pa lamang ay karipas ako kung magbihis.

Agad akong bumaba ng matapos ako.

"Good morning, Kuya.."  bati ko dito at hinalikan ang pisngi nito.  Agad naman ako nitong tinignan at biglang nagpantay ang kilay nito.

"Ano ba 'yang pisngi mo? Para kang sinampal." agad naman akong nainis sa sinabi nito sa akin, dahil nag-blush on ako.

Umupo ako sa aking upuan, saka sinumulang kumain ng umagahan.

"Baka naman ay gabihin ako umuwi mamaya o kaya naman ay umagahin na ako," ani nito, ngunit bigla nitong binaba ang dyaryo at tumingin sa akin.

"Baka naman ay anong oras ka nanaman umuwi.."

"Hindi ko pa alam, Kuya... kasi nasa kitchen kami mamaya, e."

"Sige, mag-text ka na lang sa akin kung gagabihin ka.. " agad kong kinain ang umagahan ko at nilagay ito sa lababo at hinugasan. "Kuya, papasok na ako, ah!"

Pinindot ko ang isang kanta na kahit kailan ay hindi ko makalimutan.

Safe and sound...

Hindi ko alam bakit lagi ito ang pinipili ko pero mayroon sa kantang 'to ang parte sa nakaraan ko. Parang pagnaririnig ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Halos masiraan ako ng bait ng maalala kong naiwan ko nga pala ang bike ko sa school!

"Waah!" sigaw ko sa labas ng bahay. "Oh? Akala ko ba ay aalis ka na?" tanong ni kuya sa akin na animo'y paalis na rin. "Naiwan ko ang bike ko..."

"Paano mo naiwan?" napalunok ako bahagya kung ano ang sasabihin ko.

"Kasi gumawa kami sa bahay ng classmate ko. Sa gusto nilang sabay-sabay kaming pumunta. Ayon! Nakisakay na lang kami sa kotse ng classmate namin..."

Agad kong tinignan si kuya at mukhang naniniwala ito sa sinasabi ko.

"Kung gano'n sumabay ka na lang sa akin." agad naman akong ngumiti at sumakay sa loob ng kotse nito at saka pinaandar.

"Gusto mo na ba ng sasakyan?"

"Papayagan mo na 'ko?" tanong ko sa kanya , dahil hindi ako nito pinayagan mag-drive, dahil siguro ay naalaala pa rin nito ang  nangyari sa magulang namin noon.

"Pag-iisipan ko..."

"Motor na lang..."

"Sa tingin mo ay papayagan kita?" syempre, hindi! "Please... " saka nag-puppy eyes.

"Pag-iisipan ko." ayon nanaman ang sagot niya. Kaya nang makababa ako ng school ay bilis kong napuntahan ang building ng KAZU.

Marami na rin ang nag-aantay sa kanila kaya naman ay agad akong nagtago sa gilid lamang upang hindi ako makita ng pang una rango na si YI.

Nagtago ako gilid, dahil maliliit naman akong babae at matatangkad ang mga gusto ko makita. Halos buong mukha nila ang nakikita ko pagmalayuan.

Naapakan ang sapatos ko mula sa harap kong babae kaya naman hinarap ako nito.

"Sorry... oh, my gosh!"  sigaw nito nang makita ako, kaya naman ng nagsitingin na rin sa akin ang iba pang student na babae.

"P-paano?"

Halos malito akong tumingin sa kanila, dahil hindi naman ako artista para pagtinginan nila ng ganito.

"Narito na ang KAZU!" sigaw ng isang babae kaya naman nawala ang usapan nila at napunta sa KAZU ang atensiyon.

"Roku!"  sigawan na nila. Alam na kapag nand'yan na nga ang KAZU, dahil nagsisimula na silang  magsigawan.

"Yi" nang marinig ko ang pangalan na iyon ay agad akong yumuko upang hindi ako makita nito.

" Hell!" nang may sumigaw no'n ay nag-angat ako agad ng tingin at saka sumigaw rin. "Hell!!" sigaw ko, kaya naman nagsitinginan muli sa akin ang mga babae.

Halos ang laki ng ngiti ko nang makitang papalapit na ito sa gawi namin. 'Di ko rin alam kung paano ako nakasingit at ngayon ay nasa harap na ako.

Halos naghugis ang mga mata ko ng puso nang makita ko ang adams apple nito nang uminom ito.

Nakangiti pa rin akong nakatingin sa kanya nang 'di kinalaunan ay nagtama ang tingin namin habang nainom ito.

Nakalagpas na ito sa akin at sinundan ko ito ng tingin. Bigla itong tumigil sa paglalakad at humarap sa gawi namin.

Agad itong tumingin sa gawi ko. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko upang tignan kung doon ba siya nakatingin. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa akin.

Isang nakakatakot na tingin.

Gumalaw ako ng pagilid upang tignan kung sa akin ba ito nakatingin at laking gulat ko ng sundan ang galaw ko ng kanyang paningin.

"Hi..." bati ko sa kanya at tinaas ang kaliwang kamay ko't kumaway.

Napakapogi mo talaga! Halos lalo akong napangiti ng gawin niya ang tingin na iyon sa akin. Iyong matalim na titig.

"Fuck you," ani nito sa akin saka tumalikod at dumiretso sa paglalakad. "I love you, too!" sigaw ko at bigla itong humarap muli.

Ngunit gano'n  na lang ang gulat ko nang makita ang boteng patama sa akin  ngunit ang tingin ko ay nasakanya pa rin.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang boteng tumama sa mukha ko.

"I love you pa rin!"  habang nakaupo sa sahig at hawak-hawak ang ilong kong nadugo.

Agad ako nitong nginisihan at tuluyang umalis. Halos mabilis ang kilos ko nang makita ang boteng ininuman nito, kaya naman halos mabilis ko itong kinuha dahil mukhang balak ng mga babae ang kunin ang binato sa akin ni Hell.

Sorry na lang kayo, ladies, pero sa akin ang bote niya. May mga nakatingin sa akin na parang naawa ngunit ako itong naka ngiti-ngiti pa.

At saka pumunta ng room ng naka salpak sa ilong ko ang panyo ko dahil nag dugo ito...

Malakas ang pwersa nito sa pagbato, ah! Kung hindi lang ako nakatingin sa kanya, malamang ay bumalik ang boteng iyon sa kanya ngunit masyado niya akong binihag sa mga tingin niya!

Gusto ko sana inumin kaso hindi ko maiwasang kiligin! Direct kiss na ba iyon?

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Where stories live. Discover now