Chapter 5

2K 77 8
                                    



Ngayon ay naglalakad ako pauwi sa amin. Sigurado akong gigisahin ako ng kuya ko ng buhay pagnalaman niya ito.

May mga tanong pa rin sa utak ko kung bakit parang gano'n na lamang ka gusto ng katawan ko ang makipagbakbakan. Parang bihasa ako sa bakbakan. 'Yun ang nasaisip ko.

Dama ko ang sakit ng braso ko dahil sa hampas ng lalaking iyon. Ngayon na lamang sumakit ang ulo ko ng gano'n ulit.

Pero ngayon ay may nakita ako sa isip ko, katulad ng scenario kanina.

Suntukan, sipaan at laking gulat ko nang makita ko ang isang pangyayaring parang katulad lamang kanina.

Normal naman ang lahat sa akin, maliban na lang talaga sa braso ko na bukod sa masakit ay feeling ko mamaga ito at magpapasa.

Kailangan ko ito itago sa kuya, dahil baka hanapin nito ang mga gumawa
sa akin at sisihin si Hell.

Inabutan na ako ng dilim ngunit ito pa rin ako naglalakad. Ni-hindi ko nga alam kung ano ba 'tong nilalakad ko, kung saan ba ito patungo.

May nakita akong butas na pader kaya roon ako dumaan.

Eh? Mukhang isang village ito.

Dahil kita ko ang mamansyong bahay. Village ba ito ng mga mayayaman? Kami rin naman ay matutulad mo sa mayamang uri ng pamilya, ngunit hindi ganito ka grande ang bahay namin.

Agad akong naglakad, hindi ko na talaga alam kung saan na ako papunta.

Pumagitna ako sa daanan at saka tinignan ang diretsong daanan na tatahakin ko, napakalayo pa.

Sinumulan kong maglakbay, ngunit wala ba itong katapusan? Parang ang haba-haba ng villa na ito!

Nagsisimula na ako mainis.  Feeling ko ay malalagot na talaga ako sa kuya ko nito dahil anong oras na!

Kita ko ang ilaw sa likod ko. Mukhang may dadaan na kotshe kaya naman pagharap ko.


"Jusko! ayoko pa mamatay!" sigaw ko at pumikit, wala akong laban sa kotse.

Narinig ko ang isang malakas na beep at mahaba.

"Hey! What are you? A freak?!" napadilat-dilat ako, saka namalayang buhay pa 'ko! Hindi ko makita ang nagsalita, dahil tanging ilaw ng kotse niyang nakakasilaw ang bumubulag sa akin.

"Yes! Yes! Yes! I'm alive!" saka ko niyakap ang aking sarili.

"Baliw ka ba?!" saka ako nagising sa realidad nang magsalita ito muli. Ngunit 'di ko kita ang mukha niya. Hinarang ko ang kamay ko upang makita ang lalaking sumigaw sa akin, ngunit huli na ako nang makita kong lumabas ito sa kotse niya.

Kung kanina ay wala akong makita kung hindi ilaw lamang na nakakabulag. Ngayon ay unti-unti niyang nahaharangan ang ilaw nito.

Slow motion akong umangat ng tingin nang nandito na ito sa harapan ko.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito.

"Yi..." mahinang sabi ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya at gano'n rin siya sa akin.

Sa mga hindi nakakaalala kay Yi.  Siya si Ying Kai Nian ang pang una sa KAZU. 'Yung kwinekwento ko sa inyong batugan! 'Yung salaula!  Basta siya iyon!

Nanlaki ang mata nito nang makita nito ang mukha ko. Hinila niya ko papuntang gilid.

Halos magulat ako sa sunod na ginawa nito ng sakalin ng isang kamay niya ang baba ko na agad kinaangat ng ulo ko.

Hindi ko magawang labanan ito dahil natatakot ako sa titig nito, para akong kakainin ng buhay.

"M-masakit..." pilit kong sabi.  Ngunit parang hindi niya ako narinig. Agad niyang tinignan ang ID ko at tinignan muli ang mukha ko.

Kita sa mukha niya ang pagkagulat. Tinignan nito ang kabuuan ko. Magkasalubong ang kilay niya.

Ano ba'ng problema nito?

"Ano ginawa mo dito?" tanong nito. "Pinagkamalan kasi akong girl friend ni Hell. Tapos dinala ako sa likod ng villa na 'to." ako naman 'tong akala mo problemado sa buhay kung magkwento. Animo'y  akala mo very close kami.

"Ano ginawa nila sa 'yo?"

"Sinampal, saka hinampas ng tubo pero okay naman na..."

"Bakit 'di ka namatay?" seryosong tanong nito sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong nito sa akin. Dapat ba mamatay ako?

"Bakit ako mamamatay? Siraulo ka ba?!" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko sabihin iyon sa nangunguna sa KAZU.

Agad kong tinikom ang bibig ko ng magulat ito sa sinabi ko at tignan ako ng masama. Inambahan ako nito ng akala mo susuntukin ako kaya naman napapikit ako.

Inaantay ko ang pagtama ng kamao nito sa akin ngunit wala. Unti-unti akong napadilat ng malapit lang ito sa mukha ko, ngunit hindi niya iyon tinuloy.

"Pasalamat ka at babae ka." saka nito tinulak ang braso ko, dahil nahaharangan ko ang pintuan ng kotse niya.

Agad itong sumakay at pinaandar ang kotse ngunit agad ko itong pinigilan.

"B-baka... pwede mo akong ihatid..." pahabol kong sabi sa kanya. Kita ko ang ngisi sa mukha nito.

"Kapal mo naman." kung hindi lang gabing-gabi ay hindi ko gagawin ito!  "Wala kasi talaga akong alam dito sa lugar na ito, please..." pagmamakaawa ko sa kanya. Kita ko ang pagpikit nito.

"Bilis!" sigaw niya, kaya naman agad akong pumasok. "Fuck this!" sigaw nito ng makaupo ako sa passenger seat. Saka niya ito pinaandar.

"Fuck!" halos wala siyang ginawa kung hindi mag-fuck-fuck, habang pinapaandar niya ang sasakyan.

"Fuck!" paulit-ulit na sabi nito. Saka ako nito tinignan ng magkasalubong ang kilay. "Hmm!" napaurong naman ako ng akma niya kong babanatan.

Grabe naman itong lalaking ito! Makikisabay lang naman, e!

Halos sumalpak ang mukha ko sa harap ng kotse nito dahil sa biglaang preno.

"Ano ba 'yan?!" buti na lang ay nasuportahan ng kamay ko. Kung hindi ay baka basag bungo ko nito.

"Labas." napatingin ako sa harap at kita ko ang kalsada. "Fucking now!" sunod na sigaw nito kaya naman kaagad akong napababa ng dis-oras.

Siguro ay sa lahat ng KAZU ay siya ang may saltik. Hindi ko ma-gets ang ugali nito.

Buti pa si Hell ko!

Agad akong sumakay ng taxi at sinabi ang address namin na agad naman nitong pinaandar patungo doon.

Thirty minutes nang makababa ako sa tapat ng bahay namin. Agad akong nagbayad dito saka agad pumasok ng bahay.

"Kuya!" gulat ko ng nakatayo ito sa gilid at may hawak na hanger.

Seryoso ba siya? Papaluin niya ako?

"Bakit ngayon ka lang?" tanong nito, habang nakataas ang kilay nito. Mukhang kanina pa ako nito inaantay.

"Kuya! May ginawa lang kaming project sa bahay ng classmate ko..." pagsisinungaling ko. "Siguraduhin mo lang, Stacy." saka ako tinignan ng kabuuan, mukhang naniwala naman ito.

Nakakatakot talaga ito pagganto. Ayaw nitong naabutan ako ng dilim at kung aabutin man ako ng ganoong oras ay kailangan nakapagpaalam muna ako bago ko gawin 'yon.

"Kumain ka na lang d'yan. Magpalit ka na muna." utos nito. Kaya't naman agad akong pumanik sa taas papuntang kwarto ko, saka ako nagpalit ng damit.

"Yawa!" gulat kong sabi sa harap ng salamin nang makita kong nag papasa na ang hampas sa akin ng tubo ng lalaki kanina. Kailangan ko itago ito, dahil kung hindi ay mahahampas ako ng tsinelas ng kuya ko pagnangyare ito!

Agad akong nagbihis ng may mahabang manggas at saka nag-jacket at bumaba.

Halos nanlaki ang mata ko ng maalala kong nakisabay pala ako kay Yi kanina! Una, inikot ko ang kamay ni Hell, papunta sa likod nito.

Ngayon naman nakisabay ako kay Yi na panay mura ang inabot ko!

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora