Part 5 - Sealed

1.1K 40 0
                                    

"Natagalan ka ah. Success ba?" Pagbibiro ni Emj pagbalik ko.

"Sira!" Sagot ko nalang at naupo na ulit

"Okay ka lang ba? Pinagpapawisan at namumula ka. Para ka naman sumali sa Running Marathon."

"Yes, okay lang ako. Pwinersa ko kasi. Haha!" Ganting pagbibiro ko nalang.
"So what did I miss?" Tanong ko

"Hmmm... wala naman. Nagsasayawan na sila." Sagot nya

"Oh, okay."

"Wanna dance?"

"Sure!"

Inalalayan nya ko pagtayo at nagpunta na kami sa dancefloor. Napansin kong nagsasayaw na sila Blake at Charlotte. Bigla akong nakadama ng kirot sa dibdib. Nakahawak lang yung kamay ko sa batok ni Emj at siya naman sa bewang ko. Isinandal ko nalang yung ulo ko sa balikat nya. Para na kaming magkayakap. Nakaharap ako ngayon sa dalawang nagsasayaw. Nakaharap din sa akin si Blake nang bigla syang napatingin sa gawi namin. She smiled pero hindi abot sa mata. Hmp! So ano'ng ibig sabihin ng tingin na yan ha, Blake? Nakatingin pa rin sya sa akin nang bigla syang iharap ni Charlotte at halikan sya. Halatang nabigla si Blake pero pumikit pa ang puta at gumanti na rin. Bigla ako nawalan ng gana sumayaw. Hindi ko na siya tiningnan ulit. Niyaya ko nalang na maupo si Emj. Sumang-ayon naman siya.

"So, you're a part of this din pala." Sabi ng kalalapit lang na si Dahryl

"Oh, hi Dar! Or shall I say Dani?" Nakangiting bati ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagsama ng mukha ni Emj.

"Dar nalang. Yun talaga kasi tawag mo sa'kin. Gusto ko ikaw lang ang tumatawag sa'kin nun." Sabay kindat nya pa. Natawa nalang ako.

"Okay, Dar kung Dar."

"So you're with someone?" At bumaling kay Emj

"Ah, si Emj nga pala. She's from Dubai for work pero rito rin sya nakatira."

"I see. Hi Emj..." sabay lahad ng palad nya kay Emj

"Emj here." Casual lang ang ngiti ni Emj at inabot na yung palad ni Dahryl.

"So matagal na kayo magkakilala?" Tanong ni Dahryl

"Magwa one year pa lang." Sagot ko "but we're this close na." dugtong ko na nakangiti

"Okay. Ahm Miaka, can we dance?" Tanong ni Dahryl

"Sure. Ahm Emj, iwan muna kita saglit ha?" Baling ko kay Emj

"S-sure." Parang napipilitan naman ang isang 'to.

Tumayo na kami ni Dahryl at nagpunta sa dancefloor. Hinawakan nya ang mga kamay ko at inihawak sa balikat nya. And she grabbed me closer to her by pulling my waist. Nakatingin lang siya sa akin. Ngumiti na rin ako. Mabait naman si Dahryl sa akin.

"Sino'ng mag-aakala na ang babaeng gumugulo sa mundo ko ngayon ay andito lang pala sa grupong 'to? Akala ko kasi straight ka kaya nga kinabahan pa ako ng sobra when I invited you for a date."

"Hindi ko nga rin iniexpect eh. I woke up one day ito na'ko. Hindi naman ako nagsisisi." Hindi ko nalang pinansin ang unang sinabi niya.

"Ang saya ko talaga ngayon. Nabigla ako pero I'm relieved na kaisa ka namin. Mas maiintindihan mo na ang feelings ko for you."

"Dar..." I don't know what to say.

"Single ka naman, diba?"

"Yes, but I---"

"Can I dance with her also?" Biglang singit ng taong kanina ko pa iniisip. Si Blake.

"Dude?!!" Nagulat na sabi ni Dahryl.

IT'S IN MY BLOOD (GIRLxGIRL - MATURE - COMPLETED)Where stories live. Discover now