Part 19 - Buddies

490 16 0
                                    

"Cheerssss!!!!" Sabay-sabay naming itinaas ang mga baso. Kakasimula pa lang namin nang may magdoorbell.

"It must be my cousin, Shie." Dahryl

"Great." Sagot ni Blake

Maya-maya pa kasali na namin si Shiela. Kanya-kanya na kami ng usapan. Sila Blake, Dahryl at Shiela. Ako at si Eva. At ayun, ang dalawang panay na naman ang picture.

"Huwag ninyong iupload yung kasali kami ni Blake ha." Banta ko sa kanila

"Opo." Sabay pa talaga sila

"Are you really sure about this?" Tanong ni Eva

"Yea. It's better this way. Malapit na rin naman ang event."

"Okay. Sabi mo, eh. But hey, again, I am happy for you. Sabi ko naman sa'yo, diba?" Eva

"Thank you again, Eva. Ikaw pa talaga naalala ko nung muntikan ko ng sukuan ang isang 'yan." Tumingin ako kay Blake na tumingin din sa akin. She smiled at me.

Hinawakan naman ni Eva ang mukha ko at pilit iniharap sa kanya.

"Maya ng landian."

Natawa nalang ako sa kanya.

"Guys! Kanta tayo." Sabi ni Emj

"Goo ako jan!" Sabat ni Shiela

Lumapit na ako sa pwesto nilang tatlo ni Blake at napansin ko pa ang wallpaper ni Shiela. Si Karen? Magkakilala sila? At sa naisip ko, may nabuo akong plano.

"Guys, okay lang ba kong papuntahin ko ang kaibigan kong si Karen dito?"

Nag agree naman agad sila Cas, Emj at Eva. Si Dahryl biglang napatingin kay Shiela. Si Blake seryusong nakatingin sa'kin. At si Shiela biglang namula yata ang mukha. I knew it!

Nilapitan ako ni Blake at mahinang pinisil ang ilong ko.

"You're playing London Bridge again, love." Bulong niya

"Alam mo?"

"Nope, nakita ko rin lang kanina yung wallpaper niya. I guess, nakita mo rin. Pareho tayo ng iniisip."

At ang pinag-uusapan namin kanina ay nandito na ngayon sa harapan namin. Medyo nahihiya pa siya.

"Good evening guys!"

Winelcome naman siya ng mga kaibigan ko. Nagfistbump lang sila nina Dahryl, Emj at Blake. Si Shiela nahihiyang tumango lang sa kanya.

"Akala ko ba soft butch si Shiela?" Tanong ko kay Blake

"Love, she's a femme lesbian. At kung soft butch man siya, hindi naman limited lang sa mas feminine sa kanya ang magugustuhan niya."

"Yun kasi ang naiisip ko. I find it more romantic to have a soft or hard butch lover sa status kong 'to."

"In love ka lang talaga sa'kin."

"Yabang mo! Pero totoo naman." Natawa siya sa sinabi ko. I like her laugh. Ang saya ko ngayon. Ayoko magpakanega. Kahit sabihin nating baka may dumating na namang problema after nito, desidido na kami ni Blake na harapin yun ng magkasama whatever it costs us.

"Kai..." yayakapin sana ako ni Karen nung papalapit siya sa akin.

"Hands off, dude." Blake.

"Woooo! Relax Blake, binabati ko lang 'tong si Kai. Wala kasi akong narinig sa kanya after nung sa bar. Buti naman at nagkaayos na kayo."

Tumango lang si Blake. Ang sungit din ng isang 'to.

"Hayaan mo yan. Ganyan din yan noon kina Dahryl at Emj. Masasanay ka rin. In love sa'kin eh."

IT'S IN MY BLOOD (GIRLxGIRL - MATURE - COMPLETED)Where stories live. Discover now