Part 30 - Karen & Shiela

343 10 0
                                    

Kinakanta na namin ngayon ang These Days by Rudimental as finale bago kami matulog. Para ngang panay kantahan lang ang ginawa namin. Nakangiti kaming lahat habang nakikisabay sa beat ng kanta. Magaling din ang paggigitara nila Dahryl at Karz na salitan sa ginagawa.

I hope someday
We'll sit down together
And laugh with each other
About these days, these days
All our troubles
We'll lay to rest
And we'll wish we could come back to these days, these days
We'll wish we could come back to these days, these days (these days, these days, these days)

Final lines na kami... grabe, dalang-dala kami sa kanta. Ang ganda pa ng harmony na aakalain mo talagang nirehearsed namin.

I love this day! Sana nga hindi nalang matapos ang gabing 'to.

Pagkatapos naming kumanta, nagkatinginan pa kami sa bawat isa at sabay napangiti at napatawa. Napansin kong medyo teary-eyed na rin yung iba gaya ko.

"We can call it a day!" Dahryl

"Salamat talaga sa inyo..." Arcel, medyo nahihiya

"Walang anuman yun, Cel. Nandito lang kami; hindi man 24/7 pero handa kaming dumamay sa problema ng barkada in any means we can." Ako

Nagtangoan at nagngitian naman ang iba.

Sabay-sabay na rin kaming naghanda para matulog na. Hindi mo iisiping nanggaling kami sa burol ng napakaimportanteng parte ng buhay ng isa sa amin. Syempre, sobrang mahalaga rin sa akin.

Lumipas ang mga araw... 2 linggo na rin ang nakakalipas simula nang mailibing si Nanay. Balik na rin kami sa normal naming mga buhay.

Sila Cas at Emj ay pabalik-balik lang sa Cebu at Pagadian para dalawin ang mga resorts ni Emj.

Sila Dahryl at Eva naman ay panay lang din ang travel sa mga tourist spots dito sa Pinas. Mga richkids nga naman. Hehe...

Sila Arcel at Imee naman ay sabay na nagresigned sa work at nagtayo ng sarili nilang negosyo. Plano na nilang mag-live in as soon as possible.

Sila Karz at Shie naman ay busy pa rin sa mga iba't-ibang gig nila...

Si Hans napagdesisyonang magstay na sa Pinas for good at magtayo ng sarili niyang salon. Hindi basta-bastang salon yun, bigatin at mamahalin. Kasosyo niya si Ariel na nalaman naming kakilala na rin niya dati pa. Hindi na nila idinetalye kung paano sila naging magkaibigan. Para na silang kambal-katinig na hindi mapaghiwalay sa isa't-isa.

At sila Blake at Faith naman ay nabalitaan kong nagpunta sa Texas. Dun daw kasi nila balak magpakasal since hindi pa yun pede rito sa Pinas. Tuloy na pala talaga ang kasalan. Ayoko pa ring tanggapin ang katotohanang hindi kami ni Blake ang magkakatuluyan pero masaya na rin ako para sa kanilang dalawa. Sino ba naman ako para maging selfish sa kaligayahan nila? Siguro nga makakatagpo rin ako ng version ni Blake na nakalaan lang talaga sa'kin. Hindi na rin namin napag-usapan ang nangyari sa'min ni Blake sa bahay ko dahil ayoko ng gumulo pa ulit. Pa-souveiner nalang talaga siguro niya sa'kin yun. Saklap! Hindi ko na rin magawang magdamdam dahil ginusto ko rin naman. I know na maiintindihan din ni Faith. Sana nga matutunan niya na ring mahalin si Blake.

Malapit na rin pala ang undas. Nakaplano na agad ang gagawin ko sa araw na yun.

"They booked a ticket already for all of us." Sabi ni Cas habang nakasquat sa couch dito sa sala ng bahay ko. Busy lang ako sa laptop ko kasi may hinahabol akong project.

"That's great, Babe. Dapat lang talaga libre, para birthday gift ko na rin." Napangisi ako. May kunting kirot pa sa dibdib ko pero medyo excited na rin ako sa gaganaping kasalan nila Blake at Faith. Birthday ko na rin nun. Plano raw nilang gawing double celebration kaya may pa birthday party din daw pala pagkatapos ng reception para hindi masyadong unfair sa'kin. I just smiled with the idea. Bakit ba kasi sa birthday ko pa sila magpapakasal? Napapailing nalang ako.

IT'S IN MY BLOOD (GIRLxGIRL - MATURE - COMPLETED)Where stories live. Discover now