Pat 38 - We're back

398 14 0
                                    

The bar serves us a bottle of wine. Hindi ko na inalam ang brand pero masarap na medyo mapait siya.

"To our wonderful journey, love." Blake

And we had a toast.

Mabagal lang kaming nag-iinuman nang biglang may kumanta ng 'I want Something just like this'... napalingon kami at nakita namin ang 4 na mga bubwet na pinangungunahan ng anak namin.

"This song is heartily dedicated to my parents; Blake and Miaka as they're celebrating their 20th wedding anniversary, tonight. And to my mom, of course... Happy Birthday! Ang swerte-swerte ko po sa dalawang ito."

At nagkantahan na nga sila.

Blake gave me her handkerchief kasi naiiyak ako sa ginawa ng anak namin. Ang gaganda talaga ng mga boses nila.

Napakamemorable ng kantang yun para sa'min. Sa kantang yun una akong isinayaw ni Blake...

Nang matapos ang kanta, kumanta rin sila ng Happy Birthday. May cake na ibinigay ang bartender sa'kin.

"I love you, folks! Ni minsan hindi ko ikinahiya na kayong dalawa ang mga naging magulang ko. Wishing you both all the best this world can give."

Nagflying kiss ako sa kanya while si Blake ay tumango naman.

Binati rin kami ng tatlong mga inaanak namin.

Natapos ang kasiyahang iyon. Agad kaming inihatid ni Eira sa bahay; babalikan nalang daw niya ang 3.

Lumipas ang 6 na taon. Medyo nararamdaman na namin ni Blake ang katandaan. Pero madalas pa rin naming gawin ang nakagawian. Maglalakad-lakad tuwing umaga, magsisimba kapag Linggo, magkakantahan sa mini singing studio sa bahay na ipinagawa ni Eira, magluluto ng kahit ano, maghaharutan habang nanonood ng kahit anong palabas, mag-iinuman minsan, mamamasyal, magdidate kapag may special events at syempre hindi pa rin nawawala ang kamanyakan.

"I am so lucky na umabot sa ganitong edad, love na ikaw pa rin ang nasa tabi ko." Blake

"Me too, love... me too." Ako

Andito kami ngayon sa garden at umiinom ng tea. Nakikipagvideo call pa rin naman sa amin ang mga kaibigan namin. Tawang-tawa pa kami kasi pareho na kaming may mga kulubot sa mukha.

Busy pa rin kami rito sa garden nang may marinig kaming nagsisigawan sa sala.

"Will you please let me explain first?"

Boses ni Kara yun ah.

"Damn you, Kara!"

Eira? Nagtatalo ba sila?

Sa tagal ng panahon, hindi lingid sa akin ang pagtingin ng anak namin kay Kara.

Nilingon ko si Blake at parang sinasabi niya sa akin na pabayaan lang ang dalawa. Akala siguro nila natutulog pa kami. 2 pm na kasi ngayon. Mahilig kasi kaming mag afternoon nap ni Blake.

"Eir... mali ang iniisip mo." Bakas sa boses ni Kara ang pait.

"I saw you kissing her. Kaya ba ayaw mo akong sagutin?"

Napapailing ako sa usapan nila.

"Let's see how our kid handle this, love." Blake

"Makinig ka muna sabi!" Kara

Natahimik sila bigla.

"Wala kaming relasyon ng babaeng yun. Bigla niya lang akong hinalikan nang dumating ka." Naiiyak na ang boses ni Kara. Kukurutin ko talaga sa singit itong anak ko. Mana sa akin, hindi nakikinig muna.

IT'S IN MY BLOOD (GIRLxGIRL - MATURE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon