Chapter Ten

773 37 6
                                    

WEEKS passed. Madalas kaming magkita ni Justin dahil palagi ni Kuya inaaya si Josh at Justin sa bahay. At wala ring araw na hindi kami tinutukso ni Kuya at Josh.


Hindi agad ako nagpa-apekto kaya madali ko lang naging ka-close si Justin without being awkward.


Kinalimutan ko na rin yung halik and I'm sure kinalimutan na rin ni Justin 'yon.



Friday evening, nandito sila ngayon sa bahay. Magbi-birthday kasi si Kuya Josh bukas at napag desisyonan ni Kuya na matulog dito ang magpinsan at out of town naman kami bukas hanggang Sunday.


Nalaman ko kay Justin na both of Josh' parents parted ways long time ago at pareho ng nasa ibang bansa. Pinapadalahan nalang si Josh ng pera every month para may panggastos siya.

Si Justin naman, ever since tumungtong ng college, he moved at Josh' house para may kasama rin daw yung pinsan niya.

Kaya siguro ang lalim ng pagkakaibigan ni Kuya at Josh dahil nag-iisa nalang siya at nahanap niya kay Kuya ang pagmamahal ng isang pamilya.




"Hindi pa kayo matutulog?" Tanong ko pagkalabas ko ng kusina, may hawak na isang baso ng gatas.


Umiinom na naman kasi sila ng beer.



"Maya-maya na. Mauna ka na matulog and don't forget to lock the door." Inilipat ni Kuya ang tingin niya kay Justin kaya napa-iwas naman ito ng tingin.


"Okay."




Nakatulog kaagad ako after ko inumin ang gatas na dala ko.



Bandang ala-una, nagising ako dahil sa gutom. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina kasi nga tinutukso kami ni Justin nila Kuya.


Bumaba ako at pumunta sa kusina. I took a box of cereal and a glass of milk.


Hindi ko na binuksan ang ilaw kasi pumapasok naman ang liwanag ng buwan dito sa kusina.


Habang linalagay ko ang gatas sa bowl, biglang may nagsalita kaya naman napatalon ako sa gulat at nabitawan ko ang hawak kong gatas!


Nakaramdam kaagad ako ng hapdi sa mga paa ko at akmang hahawakan ito ngunit may pumigil na kamay sa akin.

Doon ko lang binuksan ang switch ng ilaw na malapit lang saakin, only to see Justin so close to me.


Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang magkatitigan kami ni Justin. We stayed like that for a few minutes, hindi iniintindi ang hapdi ng paa ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko when I caught him staring at my lips.


Hawak pa rin niya ang kamay ko. Napabitaw lang siya at lumayo sa akin ng marinig naming may papalapit.



"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Kuya na mukhang nagising gawa ng tunog nang nabitawan ko kanina. Kasama niya rin si Josh na mukhang nagising lang din.


Napalayo ang tingin ko nang pinalipat-lipat ni Kuya ang tingin niya sa amin ni Justin.

"Sam, yung paa mo." Napatingin ako sa paa kong dumudugo, sanhi ng pagkabagsak ng hawak kong babasagin.


Napalapit din sa akin si Kuya wala sa oras at tinignan ang mga paa ko.


"Tamang ingat naman, Sam! Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" Sermon niya.


"I was hungry!" Inalalayan niya ako maglakad pero napangiwi lang ako sa sakit.


At ito namang si Justin, walang pasabi-sabi at kinarga ako ng bridal style kaya napakapit kaagad ako sa leeg niya.


(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now