Chapter Fifteen

777 28 4
                                    

ISANG linggo na ang nakakalipas simula noong muntik na ako magahasa ni Felip.


Binisita rin ako ni Stell isang beses para kamustahin ako. Hindi na rin ako masyadong nagpapanic kapag may humahawak sa akin with the help of Justin, Kyla and Drake.



Lalo na si Justin. Hindi rin biro yung sinabi niyang sasamahan niya ako palagi. Mawawala lang siya sa tabi ko kapag kasama ko na si Kuya.


At dahil rin kay Justin, muling bumalik yung mga ngiti ko.


Isang linggo na rin ang lumipas matapos sabihin ni Justin na mahal niya ako. Binagabag din ako ng mga katagang iyon. Litong-lito rin ako noon pero dahil palagi ko siyang kasama, nagiging malinaw na rin sa akin ang nararamdaman ko para kay Justin.


Pero hindi pa ako handa. Natatakot ako. Parang masyadong mabilis.



"Gusto niyo sumama? Pupunta kami ni Drake sa mall." Aya ni Kyla. Kakatapos lang ng klase namin at wala naman kaming pasok bukas kaya pumayag kami ni Justin.


Lumabas na kami ng building. Palabas na sana kami ng campus pero napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din silang tatlo.


Nanginginig akong napahawak sa braso ni Justin.



"Felip.." Natatanaw ko mula sa malayo si Felip na tila may hinihintay.



Otomatikong hinanap ni Justin sa Felip at nang makita niya ito, hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at itinago ako sa likod na para bang ayaw niyang magkaharap kami kahit hindi pa naman ako nakikita ni Felip.



Na-alarma rin si Kyla at Drake kaya tumabi si Drake kay Justin habang hawak naman ni Kyla ang isa ko pang kamay.



Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang mapalapit kami kay Felip. Nakatayo kasi siya malapit sa gate kaya kahit anong iwas, makikita at makikita ako ni Felip.


"Sam." Mas hinigitan ni Justin ang hawak niya sa akin.



"Sam, mag-usap tayo please." Lumapit na sa akin si Felip pero tinulak siya palayo ni Justin.


Lahat kami nagulat dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Justin kay Felip. Itinaas ko rin ang tingin ko sa kaniya at tanging galit lang ang nakikita ko sa mga mata niya.



"Hayaan mo na si Sam! Hindi pa ba sapat yung kahayupang ginawa mo, ha?!" Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Justin, na para bang isang salita pa ni Felip at susugod na ito.


"Justin, kumalma ka." Drake tried to make Justin calm by tapping his shoulder. Pero wala iyon epekto.


"Gusto ko lang maka-usap si Sam!" Akmang lalapitan ulit ako ni Felip pero tinulak ulit siya ni Justin.


Duon ko na pinigilan si Justin.



"Justin, tama na." Biglang nawala ang galit sa mga mata niya nang sa akin siya napatingin.



"Kakausapin ko si Felip." Nanlaki naman ang mata niya nang sabihin ko iyon.


"Sam hindi pwede! Baka kung ano na naman ang gawin niya sa'yo!"


"Alam kong nag-aalala ka pero mabilis lang naman. Besides, nandyan ka naman para iligtas ako 'di ba?" Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti.


Tumango naman kaagad siya at hinawakn ang kamay kong nasa pisngi niya. Pinisil muna niya ang kamay ko bago ako binitawan.


Huminga ako ng malalim at hinarap si Felip.


(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now