Chapter Twenty

704 28 2
                                    

GULAT na gulat si Justin. Pero mas nagulat ako sa ginawa ko.




"Ah, uwi ka na, Justin. Gabi na rin kasi." Tumayo na ako at kinuha ang beer na ininuman namin para sana iligpit iyon. But he caught my hand and gave me a serious gaze.



"Just a confirmation, Sam. Nanliligaw na ako sa'yo, 'di ba?" I found his question hilarious kaya tinawanan ko siya.



"Hindi ba dapat ikaw ang nakaka-alam niyan?" I asked. Hindi pa rin nawawala ang seryosong mga mata ni Justin, as if telling me na seryoso siya at huwag kong pagtripan.



"Hindi mo naman kasi ako sinasagot ng matino." Sa totoo lang ang cute niya ngayon. Seryoso nga siya pero hindi nawawala yung tingin na parang nagtatampo.



Hinigit ko ang kamay kong hawak niya and tapped his shoulder.


"Opo, nanliligaw ka." Agad naman napangiti si Justin at syempre hindi mawawala ang pagpula ng mukha niya.




"Teka, paano ka uuwi? Eh 'di ba dala ni Drake sasakyan mo?" Napa-isip naman si Justin and said na magco-commute nalang daw siya. But I resist.



"Dito ka nalang matulog. May guest room naman, hihiram nalang ako kay Kuya ng pampalit mo." Nahihiya siyang tumango. Umakyat na ako para sana humiram kay Kuya ng damit but then I remembered na galit pala si Kuya.


Naisip ko na si Manang nalang ang kumuha but then I quickly changed my mind dahil inisip ko rin na kausapin si siya.



So I knocked at Kuya's door. I got no response kaya pumasok nalang ako.


Busy siya sa binabasa niya sa libro kaya hindi niya ako napansin...o pinapansin.


"Kuya?" Still no response. Lumapit na ako sa kaniya and quickly hugged him kahit nakatalikod siya.


Naramdaman kong tinapik niya ang braso ko kaya inalis ko ang pagkakayakap sa kaniya. Humarap naman siya sa akin and at nakitang namamaga ang mata niya.


"Did you cry?" I asked. He did not nod pero hindi rin naman siya nag-deny.



"Ang gwapo niya pa rin. Sa kaniya talaga ako nagmana." Yinakap ko kaagad si Kuya when a tear fell from his eyes.



Alam ko na kahit galit na galit siya kay Papa, mahal pa rin niya ito.



When Papa left us, hindi nagpakita ng kahinaan si Kuya. He never cried. Palagi siya sa tabi ko, pinapatatag ang loob ko. Bilib na bilib ako noon kay Kuya, not knowing na deep inside, sobrang sakit din para sa kaniya.



Mabuti nalang at nagkita sila ni Papa. Dahil sa wakas, nailabas na niya ang sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim.



"Kuya, I'm just glad na nagkita kayo ni Papa. I know mali yung ginawa mo kanina kasi kahit bali-baliktarin man natin ang mundo, siya pa rin ang Papa natin, but you know what Kuya? This is the first time na nailabas mo ang sama ng loob mo tungkol kay Papa. At least, nakahinga ka na ng maluwag 'di ba?" I felt him nod at nang masiguradong okay na siya, umalis na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya.




"Kuya magkamukha kayo ni Pauline." Tinaasan ako ng kilay ni Kuya pero nang marealize niya kung sino ang tinutukoy ko, he just smiled.



"Sana maranasan din niya magkaroon ng Kuya like you. Sayang lang dahil aalis kaagad sila ni Papa."



"Let's hope for the best. Gusto ko rin siya makita but I guess this is not the right time. Sige na matulog ka na at magrereview pa ako." Nagpaalam na ako kay Kuya and aalis na sana but then I remembered kung ano talaga sadya ko rito.



"Ah, Kuya. Can I borrow some of your clothes?" I asked. Naguluhan naman kaagad si Kuya sa sinabi ko so I explained to him.



"Gabi na kasi kaya hindi ko na pinauwi si Justin..." I said calmly. Pinapakiramdam ko ang bawat ekspresyon sa mukha ni Kuya.




"Pansin kong madalas dito matulog 'yan si Justin, ah? Sam alam mong boto ako kay Justin pero masyado mo namang sinasanay dito sa bahay." He said. Umiba agad yung timpla ko at tinarayan si Kuya.



"Kung hindi mo naman kasi linalasing, edi hindi siya palagi natutulog dito?" Kuya raised his two hands, surrendering. Tumayo na siya at lumapit sa cabinet to get some clothes.



Binigay naman niya sa akin at bumaba na para ibigay kay Justin.




"Sorry, ang tagal ko. Nag-usap pa kasi kami ni Kuya." I gave him the clothes and told him na mag-shower na.




Sinunod naman niya ako kaagad.


Hinanap ko si Manang para magpatulong na ayusin ang guest room.




"Manang help me with the guest room, please. Dito ko muna papatulugin si Justin. Wala kasi siyang sasakyan pauwi kaya dito muna siya." I said nang mahanap si Manang.



"Sige, anak." Umakyat na kami sa taas and went inside the guest room. Pinalitan namin iyong bed sheet pati na rin iyong pillow case. After namin maglinis, Manang asked me.




"Kayo na ba, anak?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.



Marami na ang nagtatanong sa akin niyan pero hagang ngayon, nagugulat pa rin ako.



Ganoon na ba kami kakomportable sa isa't-isa kaya nasasabi nilang kami na?


Sabagay. Apat kabeses ko na nga siya nahalikan eh. May witness pa yung pangatlo.



Instead of denying, I'll answer differently nalang. Pero hindi iyon natuloy dahil pumasok na si Justin sa guest room at siya ang sumagot.



"Nanliligaw palang po, Manang." Hindi na ako kumontra kasi totoo naman.




"Ikaw ba Justin, eh aalagaan itong anak ko?" Tanong ni Manang.



"Hindi lang po aalagaan mamahalin din po." Sagot naman ni Justin which made me look away dahil tinignan ako ni Manang ng nakakaloko.




"O siya sige, matulog na kayo." Bilin ni Manang. "Pero hindi magkatabi, ha." Dugtong pa niya.



"Manang!" Namula si Justin sa sinabi ni Manang habang ako naman ay hindi makatingin sa kaniya sa hiya.




"Sige na, Sam. Doon ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na." He said.



Instead of answering him, naupo lang ako sa kama.



"Gaano katagal mo na akong mahal?" I suddenly asked. Hindi niya inasahan ang tanong ko kaya ang tagal bago niya ako sinagot.



"Hindi ko alam kung kailan ko narealized pero simula noong unang pagkikita natin, gusto na kita." He said.


Napangiti ako sa thought na matagal na pala siya may gusto sa akin. Pero hindi ko naman iyon nahalata kasi hindi naman talaga kami nag-uusap kahit pa block mates kami.



"Buti nalang nga wala na kayo ni Felip."




"Ah so gusto mo na nasaktan ako?" Tanong ko. Umiling naman kaaad si Justin.



"Syempre hindi! Ibig kong sabihin, buti nalang wala na kayo ni Felip kaya nagkaroon ako ng pagkakataong kilalanin at mahalin ka ng malaya. Ikaw kaya pangarap ko." Natawa ako sa sinabi niya. Pero deep inside, sobrang sarap sa pakiramdam na marinig ito mula sa kaniya.



"Ang corny mo, De Dios. Matulog ka na nga." Tumayo na ako and waved a good bye.




Papasok na sana ako ng kwarto when Kuya opened his door and said,




"Don't forget to lock the door."







***

Last 5 chapters :)

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now