Chapter Seventeen

712 33 6
                                    

IT'S been 5 minutes since Justin and I entered the house but it feels like an hour dahil sa sobrang kaba ko.


Alam kong Justin feels the same way dahil hindi siya mapakali sa inuupuan niya.

Nakaupo kami ngayon ni Justin sa stool. Busy si Kuya sa kung ano man ang ginagawa niya kaya nakatalikod siya sa amin.


Nanigas kaming dalawa nang humarap siya sa amin.


Naglagay siya ng bote ng alak sa harap ni Justin samantalang sa akin naman ay...


"What the fuck, chuckie?!" I blurted out so Kuya glared at me.


"Watch your word, Miss." Napalayo naman ang tingin ko and just opened the chuckie.

Nakita kong pinigilan ni Justin ang tawa niya.

Tignan lang natin kung makakapagtawa ka pa.



"So.." Kuya started.

Naibaba ko ang hawak kong chuckie at umiwas ng tingin.


"Kayo na?" He asked.

Agad naman kami napa-iling kasi hinda naman talaga.


Hindi pa.


"Bakit may pahalik na?" Tanong niya ulit. Dun lang ako hindi na naka-imik kaya si Justin ang nagsalita.


"A-aksidente lang yun..." Sagot niya. Hindi ko alam kung bakit pero nainis ako sa pag-deny niya.


"Accident, huh." Bulong ko pero mukhang narinig nila iyon.


"Ano yun?" Sabi ni Kuya. "Hoy ikaw Sam ha, hindi naman pala kayo pero nanghahalik ka na!"

Hindi ko alam kung bakit ako lang ang sinasabihan ni Kuya, kung tutuusin si Justin ang nauna!


"Teka, bakit ako lang pinagsasabihan mo? Si Justin kaya nauna! May pa 'I love you Sam' pang nalalaman, eh." Napairap ako sa kanilang dalawa. Hindi sila umimik kaya parehas ko silang tinignan. Si Justin pulang-pula habang si Kuya nakataas ang kilay. Doon ko lang narealize kung ano ang mga nasabi ko.



"Matutulog na ako, bye." Napatakbo ako ng mabilis papasok ng kwarto. I even heard Kuya calling my name but I chose to ignore him.



Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakaramdam din ako ng init kaya mabilis akong pumasok ng banyo para maligo.


Pagkalabas ko ng banyo, naisipan kong sumilip sa baba.

May ilang bote na ng alak sa counter at lahat ng iyon ubos na. Ang pula na rin ni Justin at mukhang linalabanan ang lasing habang si Kuya, chill pa rin.



Gustong-gusto ko bumaba pero nahihiya ako kaya pumasok nalang din ako sa kwarto at natulog.




Alas dose ng madaling araw nang gisingin ako ni Manang Ester.


"Anak, sorry kung ginising kita pero pwede mo ba ako tulungan?"


"Tulungan saan po?" Instead of answering me, lumabas siya ng kwarto ko at pinasunod ako.

Pagkarating namin sa kusina, napasapo nalang ako sa noo ko nang makitang parehas ng lasing si Kuya at Justin.


"Ikaw na bahala sa kaibigan mo at ako naman dito sa Kuya mo."

Inalalayan ko papunta sa guest room si Justin. Hindi pa kami nakakalahati sa hagdan nang matumba kami pareho.



Hinampas ko kaagad siya sa dibdib. "Bakit ba naman kasi naglasing kayo ni Kuya?!"


Tinapik-tapik ko ang pisngi niya para hindi siya makatulog dahil kapag nakatulog siya, baka iwanan ko lang siya rito sa hagdan.

"Tumayo ka nga!" Sinubukan niyang tumayo kaya naalalayan ko na siya papuntang guest room.


Binagsak ko lang siya duon sa kama. Umalis ako sa guest room at pumasok sa kwarto ni Kuya to get some comfortable clothes.

Bumalik ako sa guest room at napasigaw ng makitang nakahubad na ang pang-itaas niya.


"Magpalit ka na muna ng damit." Sabay alok sa T-shirt na hawak ko.

Pero mukhang masarap na ang tulog niya.


Kung tutuusin pwedeng-pwede ko siyang iwan na ganyan ang itsura pero hindi naman ako ganoon kasama kaya kahit ayaw ko, dinamitan ko siya.


Buti nalang hindi si Justin yung tipong naduduwal kapag naka-inom. Si Kuya kasi ganoon siya kaya naman si Manang ang nag-aasikaso sa kaniya kapag nalalasing.


Kinumutan ko na rin siya matapos kong damitan.

Aalis na sana ako pero bigla kong naramdaman ang hawak niya at hinila ako kaya naman bumagsak ako sa tabi niya.

Tatayo na sana ako pero hinarangan na niya ang bewang ko ng yakap.



"Just for a minute." He said while his eyes are still closed.


Minute became hours dahil paggising ko, umaga na. Nasa ganoong posisyon pa rin kami kaya dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin.


Pumunta ako kaagad sa kwarto ko pero nagtaka ako ng makitang bukas iyon. Nang makalapit na ako ng tuluyan, nakita ko si Kuya sa loob.


"Kuya!"


"Saan ka natulog?" Tanong niya, nakataas na ang isang kilay.



"Umuwi ba kagabi si Justin?"

"Nasa guest room si Justin..." Tumango-tango naman siya.

"Gisingin mo na para makakain na." I quickly nod and he went out of my room.

Inayos ko muna ang sarili ko at nagmumog bago bumalik sa guest room. Pagkarating ko roon, gising na si Justin.

Naka-upo siya at hawak ang ulo.

"Good morning." I greeted.

"Good morning." He greeted back and showed me his small smile.


"Tara, kain na tayo ng breakfast." Aya ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya nauna na akong bumaba.


Manang prepared honey water for their hangover na agad naman nila ininom.

"Ano pinag-usapan niyo kagabi?" I asked but no one answered.


"Hindi mo naman nakalimutan yung mga sinabi ko kagabi, 'di ba?" It was Kuya who asked Justin.


"Of course." Justin answered.


"Anong pinag-usapan?" Ako naman ngayon ang nagtanong but still no response.

Pinabayaan ko nalang kasi alam kong wala naman akong makukuhang sagot.


After namin kumain, nagpaalam na si Justin na uuwi na siya kaya naman hinatid ko na siya palabas.


"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." He suddenly asked.


"Anong tanong?"


"Hindi mo na kaagad maalala?" Napa-isip naman kaagad ako kung anong tanong ang sinasabi niya. Nang marealize ko iyon,



"Ang akala ko kasi nanliligaw ka na." Biro ko ulit sa kaniya.



Nagulat na naman siya sa sinabi ko pero mabilis din napalitan ng tawa.

He then kissed my forehead and went home.



Abot tenga ang ngiti ko nang pumasok sa bahay. Nawala naman kaagad iyon ng mapansing nakatingin sa akin si Kuya sa may kusina, may hawak pang mug.


"What?" I asked.


Umiling-iling lang siya at pinagpatuloy ang pag-iinom niya ng kape.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now