Chapter Fourteen

743 33 0
                                    

NAGISING ako sa haplos na nararamdaman ko sa buhok ko. Pagkadilat ko ay si Justin kaagad ang nakita ko.

Napayakap ako sa sarili ko nang maalala ang nangyari.

Isa-isa na namang bumagsak ang mga luha ko kaya na-alarma si Justin at pinatahan ako.

Paulit-ulit niyang sinasabi na nandito lang siya, na hindi niya ako iiwan at hindi niya hahayaang makalapit ulit sa akin si Felip. Napansin ko rin ang luhang pumatak sa mga mata niya.


Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Felip. Sobra.


Pumasok si Kuya na may dalang baso ng tubig. Nang makita niyang gising na ako, dali-dali siyang lumapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

"Kuya si Felip... Natatakot ako kay Felip. Please Kuya ayoko na rito." Ramdam ko rin ang iyak ni Kuya.

Hinawakan ni Kuya ang nanginginig kong kamay at tumango-tango.

"Oo. Uuwi na tayo. Magpahinga ka muna. Alam ko pagod ka. Bukas na bukas paggising mo, uuwi na tayo." Yinakap niya ulit ako. Ganoon lang ang posisyon namin habang umiiyak ako bago nakaramdam ng antok.




"JUSKO, anak anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" Bungad agad sa akin ni Manang Ester. Yinakap niya ako saglit bago ako sinamahan paakyat sa kwarto ko.

Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Justin. Hinayaan ko lang bukas ang pinto ng kwarto ko para pumasok siya.

Nag-alinlangan muna siya bago tuluyang pumasok ng kwarto.


"Kamusta ka na?" Tanong niya.

Tinabihan niya ako sa kama at hinawakan ang isa kong kamay. Pinagmasdan ko yung kamay namin bago sa kaniya napatingin.


"Heto, sinusubukang kalimutan yung nangyari." Naiyak na naman ako. Pinunasan iyon ni Justin at iniangat ang tingin ko sa kaniya.



"Sorry wala akong nagawa kagabi." Siya naman ngayon ang napayuko at naiyak.

"Sorry dahil hinayaan kitang lumabas mag-isa. Hindi sana mangyayari yun sa'yo."

"Wala kang kasalanan, Justin. Huwag mo naman sisihin ang sarili mo. Kung may dapat mang sisihin, si Felip iyon. Kaya please, huwag niyo na sisihin sarili niyo, kayo ni Kuya. Kasi nasasaktan ako kapag nakikitang nahihirapan kayo." It was my turn to wipe his tears. I hugged him para na rin makalma kaming dalawa.


"Mula ngayon, palagi kitang sasamahan. Hindi ko na hahayaang makalapit pa sa'yo si Felip. Pinapangako ko na poprotektahan kita mula sa kaniya." Kita ko kung paano napalitan ng galit ang mga mata ni Justin.

"Hindi naman kailangan, Justin. Nandyan naman si Ku---" He cutted me off at nagulat sa sunod niyang sinabi.

"Kailangan Sam, dahil mahal kita."

Pangatlong beses ko na narinig sa kaniya ang katagang iyon pero ibang-iba sa pakiramdam ngayon dahil hindi siya ngayon lasing. Nasa tamang pag-iisip siya ngayon.

Napakurap ako sa sinabi niya habang siya ay hindi ko maintindihan ang ekspresyon. Umiwas nalang ako ng tingin.


"Jah, alis na tayo." Kumatok si Josh sa pinto at tinawag si Justin. Nagpaalam na rin siya at tumayo.

Pero bago siya umalis, hinalikan niya ako sa noo.

"Pahinga ka na."


Hindi ko na sila naihatid palabas ng bahay. Nalaman ko lang na umalis na sila nang pumasok si Kuya.

Tinabihan niya rin ako at ginulo ang buhok ko.

"Okay ka na?" Tanong niya. Malungkot akong napangiti dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako okay.

Napansin siguro iyon ni Kuya kaya naman inakbayan ako at isinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya.

"Ang sakit, Kuya. Hindi ko aakalaing magagawa sa akin ni Felip 'yon."

"Huwag mo ng alalahanin." Ilang minuto na ganoon ang posisyon namin. Pareho kami kalmado kaya napagdesisyonan ko na sabihin kay Kuya ang sinabi sa akin ni Justin.

"Justin told me he loves me." I started. Naramdaman kong tumawa si Kuya kaya napa-angat ang tingin ko sa kaniya.

"Alam ko. Matagal na." Duon lang ako humiwalay sa pagkaka-akbay niya.


"Kaya pala ang lakas ng loob mong tuksuhin kami ni Justin!" Hinampas ko siya sa dibdib pero tinawanan lang niya ako.


"Sige na magpahinga ka na. Tawagin nalang kita kapag kakain na." Hinalikan din niya ang noo ko at ginulo ang buhok ko bago siya umalis.

Sinunod ko nalang si Kuya at nagpahinga na.






"No. Felip stop! Please! No!" Napabangon ako dahil sa napanaginipan ko. Pumapatak din ang mga pawis ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba.

Naabutan ako ni Kuya na ganoon ang itsura ko kaya naman linapitan niya kaagad ako at tinanong kung ano ang nangyari sa akin.


"Kuya si Felip. Nandito si Felip." Yinakap ko ang sarili ko at linibot ang tingin sa kwarto.

"Felip's here, Kuya!" Pumasok na rin si Manang dahil siguro narinig ang sigaw ko.


Akmang hahawakan ako ni Kuya pero  hinampas ko iyon.

Gulat na gulat si Kuya nang hampasin ko ang kamay niya palayo. Kita rin kung gaano siya nasaktan sa ginawa ko.


"Sam..." Napasabunot nalang ako sa sarili ko at humingi ng tulong dahil hahawakan na naman sana ako ni Kuya.

"Manang! Please, nandito si Felip!" Tumayo na ako at lumapit kay Manang sabay yakap.

"Manang natatakot ako." Iyak ko.

Hinaplos-haplos naman ni Manang ang buhok ko, sinusubukang pakalmahin ako.


"Ako na bahala sa kapatid mo. Bumaba ka muna." Rinig kong sabi ni Manang kay Kuya. Hindi na rin siya nagpatalo at bumaba na.


"Anak, wala rito si Felip. Nananaginip ka lang. Hindi na sa'yo makakalapit si Felip kasi hindi iyon hahayaan ng Kuya mo."

Kuya...


Tumango lang ako at bumaba na. Hawak-hawak lang ako ni Manang sa balikat. Pagkarating namin sa kusina, naka-upo na roon si Kuya pero hindi niya kami liningon.

Binitawan na ako ni Manang at dahan-dahan akong lumapit kay Kuya at yinakap siya.

Napayuko naman si Kuya at umiyak. Yinakap niya rin ako pabalik kaya napaluha na rin ako.



"Sorry, Kuya. Sorry." Umiiling-iling lang si Kuya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak kaya naman pinatahan ko siya.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko at pinunasan din ang luha ko.


"Kain na tayo?" He asked. Tumango ako and he showed me his biggest smile.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now