Chapter Thirteen

729 34 9
                                    

"Sam....I love you..."

Napatayo ako sa narinig ko. Kung yung nangyari kanina matatanggap ko pa pero yung narinig ko ngayon...

Sht.


Ang bilis lang ng tibok ng puso ko. Pauli-ulit ko naririnig iyong sinabi niya na parang sirang plaka.



Lasing lang si Justin, Sam. Huwag mo na isipin.



Kumuha ako ng kumot sa kwarto nila Kuya at kinumutan siya. Hindi ko na siya madadala sa kwarto kasi tulog na. Hindi parehas kanina na gising siya kaya nakapaglakad pa kahit patumba-tumba.



Inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya, siniguradong hindi siya lalamigin. Umupo muna ako sa sahig at pinagmasdan siya.

Ilang minuto rin akong nakatitig sa kaniya. Lumapit ako lalo at hinawi ko ang buhok niya na tinatakpan ang mata. Ibaba ko na sana ang kamay ko pero hinawakan iyon ni Justin.


"N-nagising ba kita?" I felt nervous when he suddenly stared at me. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng tingin niya. I stared back at him and the next thing he did made me so shocked.


After 13 years, I felt his lips again.


Tumagal ng ilang segundo ang halik bago siya bumitaw. Hawak niya ang likod ng ulo ko at magkadikit na ngayon ang noo namin.

"I love you, Sam. I really do." Pumikit si Justin at unti-unti nang napabitaw sa akin.


Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Ilang minuto akong nakatitig kay Justin na ngayo'y tulog na. Prinoproseso ko ang nangyari hanggang sa di ko na makayanan.

I grabbed my jacket and went out for a walk dahil hindi ko kayang makita si Justin ngayon.

Naglalakad-lakad lang ako sa tabing dagat. May mga poste ng ilaw naman kaya kita ko ang dinadaanan.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi ni Justin.


Hindi pa naman ako nakakalayo nang biglang may humatak sa akin papunta sa loob ng maliit na cottage na bakante.

Napahamas ako sa humila sa akin nang maramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko. Amoy alak din siya kaya mas lalo ako natakot para sa sarili ko.

Tinulak-tulak ko siya at nagsimula na maiyak. Masyado siyang malakas kaya wala rin nagawa ang pagtulak ko.

Napatigil siya sa paghalik at yinakap ako ng mahigpit.



"Sorry..."


"Felip?" Mas lalong hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin.

Napalitan ang takot ko ng galit.

Galit kay Felip.

Galit sa ginawa niya.

Tinulak ko siya ng malakas at sinampal.

"Hayop ka, Felip! Ano ba ang ginagawa mo rito?!" Dumistansya ako kay Felip, takot na baka may gawin siyang masama.

"Hindi na yun importante. Sam please, bumalik ka na sa akin." Lumapit siya at hahawakan sana ang kamay ko pero hinampas ko lang iyon.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Felip tapos na tayo kaya tanggapin mo na!" Lalakad na sana ako paalis pero hindi niya ako hinayaan. Hinawakan din niya ng sobrang higpit ang kamay ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"Felip nasasaktan ako!" Kung galit ako ngayon, mas kita ko ang galit ni Felip. Ramdam ko iyon sa mga titig niya. Bumalik ang takot ko lalo na't lasing siya.

"Bakit, dahil nakahanap ka na kaya ayaw mo na sa akin? Sino nga ulit yun? Justin? Akala mo hindi ko nakita yung ginawa niyo sa may tabing dagat, ha?!" Bumalik ang mga luha ko. Hindi pa rin inaalis ni Felip ang hawak niya sa akin.

"Ano, naikama ka na ba ng gagong 'yon kaya ayaw mo na ako balikan?!" Dahil sa sinabi niya, mas lalo ako nagalit at binuhos ang lahat ng iyon sa isang sampal.

"Walang kinalaman si Justin dito kaya wala kang karapatang husgahan siya. At bakit pa kita babalikan? Linoko mo ako, Felip. Nakita ng dalawang mata ko kung paano mo ako ginago kaya hinding-hindi na ako magpapauto sa'yo." Sa kabila ng galit ko sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasang matakot.

Lalo na't walang tao rito banda sa tabing dagat. Ang tanging nakikita ko ay mga labas-masok na mga tao sa hotel na hindi kalayuan sa amin.


"Hindi ako papayag na mawala ka sa akin, Sam. Hindi ako papayag." Napasigaw ako nang bigla niya naman ako hatakin at hinalikan.

Mas ramdam ko ang diin niya sa labi ko kaysa kanina.

Hinawakan na niya ang dalawang kamay ko kaya wala na akong nagawa at napaupo nalang sa diin ng halik niya. Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong sumigaw.

Paglingon ko doon sa may hotel, laking pasalamat ko ng makita si Kuya at Josh na papunta sa hotel. Nakita ko rin lumabas si Justin at nagkaharap silang tatlo.


"Kuya!" Sobrang lakas ng pagkaka sigaw ko kaya na-alarma si Felip at tinakpan ang bibig ko.

Pilit akong nagpupumiglas, buti nalang nang paglingon ko kila Kuya, tumatakbo na silang tatlo papalapit sa tabing dagat.

Kinagat ko ang kamay ni Felip kaya sumigaw ulit ako kaya natunton ni Kuya kung nasaan kami.


Pero isang malakas na sampal naman ang naabutan ko kay Felip.

"Hayop ka, Felip!" Bungad ni Kuya sabay suntok kay Felip. Agad naman natumba si Felip pero hindi iyon rason para tumigil si Kuya.

Lalapit na sana ako para awatin si Kuya pero hinarangan lang ako ni Justin.

"Sam, okay ka lang?! Fuck!" Napamura si Justin ng makita ang kalagayan ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Nalalasahan ko rin ang sarili kong dugo gawa ng pagkakasampal sa akin ni Felip.

Hinawakan niya ang mukha ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kitang-kita sa kaniya ang pag-alala.

Napa-iwas lang akong tingin nang masuntok si Kuya at natumba. Agad naman ito bumangon at gumanti ng suntok.


"Kuya, tama na!" Pilit kong pinapatigil si Kuya pero mukhang nandilim na ang paningin niya kay Felip kaya walang-awa niyang pinaulanan ng suntok si Felip.

Hindi rin naman ako makalapit dahil hinarangan ako ni Justin.

Lumapit na si Josh para awatin si Kuya at may mga lumapit na rin na mga staff ng hotel para awatin si Felip.


"Demonyo ka, Felip! Hinding-hindi kita mapapatawad!" Susugod na naman sana si Kuya pero mabilis kong tinakasan si Justin para pigilan si Kuya.

I quickly hugged him kaya napahinto naman siya.

"Tama na. Please," Iyak ko. "Tama na.." Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya kaya laking pasalamat ko nang yakapin niya ako pabalik.


Tuluyan na inilayo ng mga staffs si Felip kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.

"Sorry, sorry," Napahagulgol ako lalo dahil pati si Kuya napa-iyak na rin.


Ramdam ko na ang pagod ko kaya nanghina ang mga paa ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now