Kabanata 4

82 16 28
                                    

Kabanata 4

Property

"Mama, ayoko diyan. Dito nalang ako maghihintay sa labas." Umatras ako dahil tila nawala ang lahat ng inipon kong lakas ng loob ng makita ang entrada ng department store/grocery ng mga de Alvarez. "Hindi naman tayo bumibili diyan dati e. Dun nalang tayo sa palengke."

"Ano ka bang bata ka?" Pinalo ni Mama ang aking braso, sa kabilang kamay niya ay listahan galing sa school ng dapat namin dalhin sa unang araw ng pasukan. "Dito na tayo bibili dahil ubos na iyong ibang gamit sa palengke."

"Meron pa naman akong mga ballpen sa bahay."

"Wala ngang notebook na malapad sa palengke, tigas ng ulo. Gusto mo bang pumasok ng school na walang notebook?"

"Ayoko talaga diyan, Mama. Please..." Naalala ko ang sinabi ni Papa at Priscilla na nag ta-trabaho ang magkapatid na de Alvarez sa tindahan nila paminsan-minsan. Baka malasin ako at makita ko sila muli. I can't bear to see Silver's face, kahit na si Vale pa. I cried my eyes out that night, covering my mouth so that Mama and Papa wouldn't hear me from the adjacent room.

It felt silly crying for something so shallow. It's childish, I know. Pero hindi ko naman pupwedeng i-discredit ang nararamdaman ko. Mama taught me that all feelings are valid, even though it sounds irrational to others.

Bumuntong-hininga si Mama. "Ano ba talaga ang problema, Zelda? Natatakot ka bang gumastos ng malaki? Mayroon naman tayong ipon para sa gamit mo sa school."

How can I tell Mama about Silver? About Senyor and Senyora de Alvarez? How can I tell her about the way they looked at me? Baka nag kakamali lang ako. Baka madamay ko lang sila sa ka-praning-an ko.

"Na-gui-guilty ka ba sa nabasag mong itlog? Ayos lang iyan, hija. Ang mahalaga ay hindi ka nabalian sa pag kakadapa mo."

Tumango nalang ako. I was also guilty about the eggs, too. But not so much.

"Oh, Mon amour," Mama hugged me and kissed my hair. "My sweet, sweet summer child..."

Uminit ang dibdib ko sa sinabi niya. She always says that when she's trying to comfort me and every time it made me think that Mama is really more than her facade. Kahit gaano niya gustong itago ang sarili sa simpleng pananamit ay lumalabas ang katangiang hindi bumabagay para sa isang asawa ng mangingisda. Someone elegant and regal. It made me think of Senyora Valeria. Palagay ko magkamukha sila kung aayusan sila ng pareho.

"Ganito nalang," Inangat niya ang aking baba para tingnan ang kanyang mata. "Pag sinamahan mo ako sa loob lilibre kita ng Halo-halo diyan sa terminal."

I smiled and nodded. I somehow had the courage to go inside the store with Mama. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. I thanked the universe na wala ang mga de Alvarez sa grocery nila. Nabili namin ang lahat ng nasa listahan at tinupad ni Mama ang pangakong ililibre ako ng Halo-halo.

Papa was weaving another set of fish nets when we arrived. Nasa labas siya ng bahay, malapit sa manukan. Tumayo siya at dinaluhan kami sa may gate. Kinuha niya ang dala-dalang plastic ni Mama at yumakap sa kanya. Mama wrapped her arm around his shoulders and Papa hugged her waist. Napangisi ako.

People around my age thinks that love is something extravagant, that it involves grand romantic gestures everyday for the rest of their lives. Real love looks like this. It's simple and discreet. It's about knowing everything about someone, the unspoken language that only they could understand. It's about finding this dimension that exists just between two people. Their own secret wonderland.

"Bakit ang tagal niyo?" Papa crouched down and buried his nose on the crook of Mama's neck. "Kanina pa ako nag hihintay."

"Lasing ka ba?" Natatawang tanong ni Mama.

Passions of SpringWhere stories live. Discover now