Kabanata 10

59 13 29
                                    

Kabanata 10

Privileged

"Try to lean back," Utos ni Olympia kay Priscilla habang may hawak ng professional camera. Ako nama'y may hawak-hawak na aluminum foil para mag silbing reflector habang kumukuha ng litrato. Dahil hindi sumama sina Lito at Noel sa lakad namin, natambak tuloy lahat ng gawain sa akin. Ako ang taga-buhat ng mga bag nila, taga-assist kay Olympia sa pag kuha ng litrato, at minsa'y water girl nilang dalawa.

"More, please." Si Olympia.

"Todo na nga e," Angal ni Priscilla habang inaayos ang pustura.

"Look up, hanapin mo yung sikat ng araw." Sabi pa ni Olympia habang inaanguluhan ang kuha.

"Ang init kaya," Si Priscilla.

Kanina pa kami nag hahanap ng magandang tanawin para maging background ni Priscilla para gamitin sa pageant sa darating na intramurals, napadpad kami sa malaking parke sa tapat ng simbahan kung saan abot-tanaw ang daungan ng mga bangka at maliliit na barko na lumalayag papuntang isla ng Kalanggaman. Maraming dumadaan na turista ang napapatingin sa amin dahil sa mga pinag gagawa.

"Try mo umupo sa concrete tapos nakapatong yung paa." Udyok pa ni Olympia. Nanginginig na ang braso ko, nangangalay sa kakabuhat ng reflector at naka-sampay pa ang mga strap ng bag nila sa likod ko.

Sinunod siya ni Priscilla ng nakasimangot. Ngunit hindi pa rin masaya si Olympia sa mga kuha.

"Kailangan natin ng mas magandang background." Sabi niya, mukhang problemado.

"Patingin nga, baka pwede na iyan." Pilit ko sa kanya, hindi ko na rin kaya ang init at bigat ng mga dala-dala.

Pinagsalumpit ni Olympia ang mga braso at malayo ang tingin. Nakaharap siya sa mga bangka naka-daong sa pang-pang.

"Paano kaya kung sa Kalanggaman tayo mag pictorial?" Mahinang sabi nito na parang kinakausap ang sarili. "Pwede ba kayo bukas? Pupunta tayong isla."

"Ano kamo?" Bumaba si Priscilla ng concrete at nagpagpag ng puwetan. "Sa isla ng Linggo? May pasok na tayo kinabukasan nun."

Napakamot ako ng ulo. "Tsaka mag lalako pa ako ng itlog."

"Sige na, ngayon lang naman. Pare-parehas na lang kasi ng pwesto sa ibang contestant, sa park, sa swimming pool, sa resort. Mas maganda kung sa white sand ng isla."Giit ni Olympia. "If you're worried about the boat ride, sagot ko na. Dala na rin tayo ng snacks tsaka panligo and Priscilla, make sure to bring your makeups and bikinis."

"Yes, ma'am!" Pabirong sagot ni Pris, sumaludo.

"Paano sila Lito?" Tanong ko. "Hindi ba natin isasama?"

"Kung gusto nila sumama, kaso kalaban natin section nila baka gayahin nila pag nalaman." Sabi ni Olympia, inaayos na ang kagamitan pabalik sa bag. "Maybe I'll bring kuya Vale, too. Kung gusto niya para mayroon tayong boy's opinion di ba?"

Namula si Priscilla. "T-talaga? Isasama mo si Vale?"

Olympia shrugged. "Sure ako papayag iyon."

Pagkatapos ng photoshoot ay dumirecho ako sa palengke kung nasaan sila Mama nagtitinda ng isda. Naabutan ko siyang nag tatanggal ng laman loob ng isda. Sinubukan kong magpaalam sa kanya.

Excited akong nag kwento ng araw ko sa kanya, tungkol sa photoshoot, sa professional camera ni Olympia, at hinuli ko ang pag-papaalam para pumunta ng isla bukas.

"Hindi pwede. Sinong maglalako ng mga itlog? Ako? Si Tita Conching mo? May kanya-kanya tayong trabaho, Zelda. Responsibilidad mo ang mga manok at itlog."

Passions of SpringWhere stories live. Discover now