CHAPTER 23: Happy for them

237 25 0
                                    

LEA'S POV

Shit! Ang sakit ng ulo ko. Nahihirapan akong idilat ang mata ko. Teka bat parang tumigas ang katawan ni Zirelle? Oh shit! Si Evan ang kayakapan ko hindi si Zirelle. Potekkk!!! Ano ginawa namin? May nangyari ba samin? Nasaan si Zirelle?

Napasapo ako sa ulo ko ng maalala ko lahat ng kagagahan ko kagabi. Magkayakap kami ngayon at yung kamay ni Evan naka-pulupot sa bewang ko at ang ulo ko ay nakapatong sa dibdib niya.

"Wahhhhhhh!!!!"- sigaw ko, kaya naman nagising si Evan at kinusot ang isang mata at napabalikwas ng higa.

"Wahhhhhhh!" -sigaw niya din. Nagsigawan kaming dalawa sa kwarto ko.

Natigil lang kami ng biglang bumukas ang pinto at nag-aalalang pumasok si Dezirell.

"Ano nangyari?!!"- tanong niya ng makapasok sa kwarto. Itinulak ko si Evan kaya naman nahulog siya sa higaan ko.



"Aray! Tangina balakang ko ang sakit!" -daing naman niya habang hawak ang balakang, nakahiga pa din sa sahig.

"Bat ka kase dito natulog ha?!" -pasigaw kong tanong kay Evan. Bakit kasi dito pa siya natulog dapat si Zirelle dito at siya ang natulog sa sala, kung ayaw naman niya dapat sa sahig na lang.

"Ewan ko bat katabi din kita. Hindi ko din naman ginusto yon!" -inis na sabi ni Evan habang dahan dahan tumayo. Bumubulong pa ng mga mura dahil sa sakit ng ulo at ng likuran niya.

"Hays kayong dalawa" -napasapo sa ulo niya si Zirelle habang tinitignan kaming dalawa na nag-aaway. "Jan na kayong dalawa sa kama inabutan ng antok matapos niyong magharutan kagabi." -hinimas himas niya ang ulo niya na para bang masakit ito.

Napairap lang ako ng tinignan ako ni Evan. "Ginusto mo din eh!" -sabay tayo ko at naglakad na palabas ng kwarto. Narinig ko naman na nagsalita pa si Evan pero di ko na lang pinansin at nagpunta na agad ako sa CR para sumuka.

"Lea okay ka lang ba?" -tanong ni Zirelle sa likod ng pintuan.

"Oo!" -maikling sigaw ko. Hindi ko pa ubos isuka lahat ng kinain at nainom kong alak kagabi. Shit!

Lumabas ako ng banyo bagong ligo. Para mahimasmasan na ako.

"Kain na!" -sabi ni Evan ng makadaan akong kusina para makakuha ng tubig sa ref. inirapan ko lang siya.

Kumain na kaming tatlo ng agahan. Napuno ng asaran at kwentuhan ang kusina ko. Namiss ko silang kasama, ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng ganitong oras.

Nag-liligpit na ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa sala.

"Ako na dito Lea. Tawag ata yun sagutin mo muna." -naka-ngiting sabi ni Evan. Parang wala lang sa kanya yung mga kagagahan na ginawa namin kagabi. Sinakyan niya pa kasi kalokohan ko.

Tumango lang ako at naglakad na papuntang sala. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Jacob ano na naman problema nito.

"Oh sino tumatawag? Bat di mo sagutin?" -tanong ni Dezirelle habang nagpupunas ng muta sa mata.

"Jacob" -malamig kong sabi.

"Kausapin mo, wag ka na kamo guluhin." -sabi ni Dezirelle, nainis ng malaman na si Jacob ang tumatawag.

"Ginugugulo ka padin ba non Lea? Kailan pa?" -sabat naman ni Evan samin habang pinupunasan niya ang basa niyang kamay.

Tumango ako. "Wag ko na lang sagutin, hayaan na lang natin siya."

Nag-pasya kaming tatlo na mag-movie marathon. May dala din na damit si Evan sa kotse niya lagi daw siya may extra don kaya nakapag-palit siya. Ganun din si Zirelle nakapag-palit at nakaligo na din.

Meet my man from other worldWhere stories live. Discover now