CHAPTER 31: Palawan

248 29 0
                                    

DEZIRELLE'S POV

Halos dalawang oras na biyahe ng sinasakyan namin na bus. Huminto ito sa tapat ng malaking modern design hotel. Isa-isang bumaba ang mga empleyado. Nasa gitnang parte kami naka-upo ni Ravier, nasa dalawahang upuan kami kahelera ng inuupuan nilang dalawa ni Christopher at Sheena. Ginawa talaga ni Sheena ang sinabi niya sakin kanina ng mag-kita kami sa waiting are airport na sa biyaheng ito ay tatabihan niya si Christopher, akala ko ay nagbibiro lang siya pero nakita ko na umupo siya sa tabi ni Christopher, dahil matangkad siya ay nakikita ko ang madalas na paglingon niya kay sheena. Nakaramdam ako ng konting inis, hindi ko alam kung bakit? ano bang pake ko?

Bumaba na din kami ni Ravier, natanaw ko sa di kalayuan si Sheena at Christopher na sabay tinatahak papasok sa loob ng hotel.

"Wow! Over looking tanaw agad mula dito ang beach at mga nagtatatyugan mga puno." -Namamanghang sabi ni Ravier. Napatingin ako sa gawi kung saan siya naka tingin. Namangha din ako sa ganda. Napawi ang inis ko sa nakita ko kanina. Dapat pala dito ko na lang tinuon ang atention ko.

"Let's get inside." -sabi ng kakilalang empleyado ni Ravier sabay tapik sa balikat niya. Naka ngiting tumango naman siya.

Naglakad kami papasok habang nakahawak siya sa bewang ko. Lumapit naman kami sa front desk para malaman ang suit number ko at ni Ravier.

"Good Afternoon Sir, what's your name?" -tanong ng babae sa front desk.

"Ravier Corpuz and Dezirelle Jaine Sanchez" -he politely said.

"A minute sir." -sagot niya.

"For Ms. Sanchez room 404 with Ms. Sheena Torres... and for Mr. Corpuz room 506" -she explain while looking at the monitor. "Ms Torres already got the room card Ms. Sanchez.." -She said. I nodded. "Here's your room card Mr. Corpuz" -Sabay abot niya ng susi kay Ravier.

Nag-pasalamat kami bago pumunta ng elevator.

Naglalakad siya at nilingon ako. "Check muna natin yung room mo kung nandoon na si Sheena para mailapag ang gamit mo." -sabi niya. Tumango ako. Papasok na kasi kami ng elevator.

"Forth" -naka ngiting sabi ni Ravier sa elevator girl.

"Okay po Sir." -naka ngising sagot din niya kay Ravier.

Tulad nga mg sinabi no Ravier nagtungo muna kami sa floor ko. Nang nasa room 404 na kami ay kumatok ako. Agad naman yun binuksan ni Sheena.

"Oh pasok.." -bungad niya.

"Kanina ka pa?" -tanong ko habang naglalakad papasok.

"Kanina-nina lang. Sinundan ko pa kasi siya para malaman ko kung nasaan ang suit niya." -kinikilig na sabi niya. Nakuha ko naman ang tinutukoy niya. So sinundan niya pa? ka-floor pala namin kung ganon.

Huminto ako at humarap kay Ravier na dala padin ang bag ko. "Dito na lang Ravier, salamat." -naka ngiting sabi ko. Inilapag niya naman ang gamit ko.

"Hindi na ako magtatagal iaakyat ko na sa room ko itong mga dala ko. Mauuna na ako bumaba sa inyo ah? magsstart na din kasi ang event." -sagot niya.

Tumango ako. "Salamat ulit" -sabi ko.

"Wala yun, ikaw pa.." -biro naman niya natawa naman ako at nakitawa na din si Sheena.

Meet my man from other worldحيث تعيش القصص. اكتشف الآن