4

10 1 0
                                    

It's wednesday, two days has passed simula nung umuwi ako sa bahay nagtaka pa nga si tita kasi dati naman monday na ako ng umaga umuwi pero 4 pm pa lang nasa boarding house na ako.

Something came up that time kaya mas pinili ko na lang na umuwi ng maaga sa boarding house and I didn't tell anything to Tita kung bakit maaga ako umuwi because I don't want her to worry about me. I released a deep sighed.

"Lalim naman nun..." hindi na ako nagulat sa presence ni Hakob, maybe I used to feel his presence everyday. "penny for your thoughts" dugtong pa nya.

Huminga na lang ulit ako ng malalim saka tumingin sa mga ulap, nandito ako ngayon sa garden at hindi ko alam kung paano ako nahanap ng Hakob na 'to.

Oh! Don't assume that he is finding you, he is just here because he want to smell a fresh air like you. Assuming Rachel!

Pinikit ko na lang yung mga mata ko dahil wala ako sa mood sa pang-aasar ni hakob, tulad ko ay humiga na lang din sya sa damuhan at tumingin sa mga ulap.

"Your thoughts was like a cloud, kung saan saan napupunta at iba't ibang formation or conclusion rather ang nabubuo."

Maybe he is right that my thoughts are like clouds but I'll just shut up my mouth here.

"Alam mo ba kung bakit maingay yan?" Napatingin ako sa kanya bigla pero sya nakatingin lang sya sa kalangitan.

"Because you can't let go of your thoughts. Nandito ako at willing makinig sayo, Rachel."

Tiningnan nya yung wrist watch nya at saka tumayo. "Malapit na yung time ng third subject."

I just nod at sumunod na lang sa kanya pabalik sa room. Nakatingin lang ako sa likod nya at iniisip ang huling sinabi nya

Nandito ako at willing ako makinig sayo, Rachel

I don't know if I will trust his words pero yun lang ata ang kailangan ko yung may makikinig pero sino ba sya, he's not even my friend--no we are not friends in the first place pero may part sakin na gusto sya pagkatiwalaan kasi bukod sa mapangasar sya alam ko na mabait sya at pwedeng pagkatiwalaan and I even felt the sincerity on him a while ago.

Napailing na lang ako at kinalma ang sarili ko nung nakarating na kami sa room.

⏳⌛⏳

Wala yung teacher namin sa huling subject ngayong araw kaya na isipan ko na lang na pumunta sa library pero nadaanan ko na bukas yung music room at saktong walang tao kaya pumasok na lang ako sa loob.

Nakabukas yung spotlight sa gitna, mukhang ginamit 'to kanina kaya lumapit ako sa mga instruments.

Nagningning ang mga mata ko nung nandito yung piano kaya naupo ako and I start to play the piano.

"I'm jealous of the rain, that falls upon your skin"

Napapikit pa ako nung unang kanta ko sa first line.

"It's closer than my hands had been, I'm jealous of the rain"

Sa bawat pagtugtog ko sa piano tanging mga ngiti nya yung na aalala ko

"I'm jealous of the wind.. that ripples through your clothes... its closer than your shadow. Ohh..I'm jealous of the wind."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Ako dapat yung nasa sitwasyon nya ngayon. Ako dapat yung nawala hindi sya. Mom was still mourning kahit 2 years na ang lumipas.

"Cause I wished you the best of all this world could give.. and I told you when you left me theres nothing to forgive... but I always thought you'd comeback, tell me, all you found was heartbreak and missery."

I took a deep breath before I sing the last part of this song...

"Its hard for you to say that I'm jealous of the way... You're happy without me."

Yes, I'm jealous kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin magawa maging masaya kasi hanggang ngayon nandoon pa din ako sa past na hindi ko makalimutan. My half of me was stuck in the past and I don't know how to get out from it.

Tanging iyak ko lang ang mariring sa music room at buti na lang walang tao dito dahil ayaw ko na may makakakita sakin na umiiyak. I don't want anyone to see me in my vulnerable state and I don't need their sympathy, all I need is her.

I need you Faith.

Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ko sa music room at puro iyak lang ang ginawa ko, nung nahimasmasan ako ay bumalik na ako sa room at pagbalik ko wala ng tao sa room siguro nakauwi na silang lahat.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas dumiretso muna ako sa mini park dito malapit sa boarding house para tuluyan na pakalmahin yung sarili ko, ayaw ko din makita ako ni tita na ganito yung itsura kasi alam ko na mag aalala sya ng sobra.

Naupo na ako sa isa sa mga bench dito sa park at may mga batang nagtatakbuhan, naglalaro at parang walang dinadaing na problema.

I wish na bata na lang ulit ako para kasama ko pa din si Faith.

Huminga muna ako ng malalim saka kinuha yung phone at earphones ko para magpatugtog at mayamaya may batang lumapit sakin na may dalang dalawang ice cream.

"Ate! May nagpapabigay po sayo"

Nakakunot ang noo ko at nagtataka sa sinabi nung bata, sino naman magbibigay nito?

Kinuha ko na yung ice cream at tinanong sya kung sino ang nagpapabigay at tanging iling lang ang sinagot nya.

Dinilaan nya muna yung ice cream bago mag salita "hindi ko pa alam ate basta ang sabi po ni kuya ay ibigay ko daw po sa isang magandang binibini na nakaupo sa malapit sa puno tapos sabihin ko daw po na kumain ka daw po ng ice cream kasi nakakatulong yung ice cream para maibsan yung lungkot na nararamdaman mo po" sabi nya at saka umalis dahil maglalaro pa daw sila ng mga kalaro nya

Teka sinabi nya ba na kuya kanina?

Ibig sabihin lalaki yung nagpapabigay nito?

Wala na ako nagawa kaya kinain ko na lang yung ice cream at tama nga sya kasi kahit papano nawala yung lungkot na nararamdaman ko.

Pagkatapos ko kumain ng ice cream ay umuwi na ako sa tinutuluyan ko.

Kung sino man sya, thank you kasi mas gumaan na yung pakiramdam ko but the question is....

Who is that guy? Do I know him? 

His Last WordsWhere stories live. Discover now