5

14 1 0
                                    

Nagmadali na ako pumasok sa school kasi late na ako. Late na kasi ako natulog kagabi dahil tinapos ko pa yung pinapanood ko na movie.

Pagtingin ko sa wristwatch ko ay 7:50 na kaya tumakbo na ako ng napakabilis at wala ako pake sa may makakakita sakin.

Saktong 8am nasa room na ako at pabagsak na naupo sa upuan dahil wala pa palang teacher dahil nasa meeting sila ngayon.

"Late..." nakangising sabi ni hakob sa'kin.

Hindi ko na lang sya pinansin dahil hingal na hingal pa rin ako at kinakalma ko pa yung sarili ko mula sa pagtakbo na ginawa ko kanina.

Nakakairita na nagawa pa nya na tumawa. "mahangin ba sa labas?" Tanong nya pa at na realize ko na sa sobrang pagmamadali ko kanina hindi na ako nakapagsuklay.

Inirapan ko na lang sya ata saka kumuha ng suklay sa bag, nagulat ako sa pag agaw ni hakob sa suklay ko at sa paglapag nya ng bottled water sa table ko. Hindi pa ako nakakapagsalita nung bigla na lang sya nagsalita.

 "just drink that water at ako na magsusuklay ng buhok mo." nakangiting sabi nya and my lips automatically formed into smile na agad ko din binawi.

Why I'm smiling like this? Why I felt something weird here in my heart?

Aangal pa sana ako kaso sinusuklay na nya yung buhok ko at ininom ko na lang yung tubig kaya nahimasmasan na ako.

"Yung buhok mo parang thoughts mo, masyadong magulo." Bulong nya pa habang sinusuklayan ako. Hindi ko na lang pinansin yung binulong nya, hindi ko din naman alam yung sasabihin.

Maingat nya na sinusuklayan yung buhok ko at ako tahimik lang at hinayaan na lang sya sa ginagawa nya. Bakit ang bait nya sakin?

Matapos nya ako suklayan ay bumalik na sya sa kinauupuan nya, may teacher na din na pumasok kaya nagsimula na yung klase.

Break time na at lahat sila lumabas na ng room maliban sakin at kay hakob. Dudukdok na sana ako nung bigla nya ako hatakin palabas ng room. Nung una nagpupumiglas pa ako pero hindi nagtagal hinayaan ko na lang sya dahil alam ko hindi nya ako papakawalan.

Hindi ko inaasahan na sa canteen nya pala ako dadalhin kaya sinamaan ko sya ng tingin at ang hakob na 'to ningitian lang ako. Nakahawak pa rin sya sa kamay ko papunta sa pwesto dito sa canteen na walang masyadong tao.

"Wag kang aalis dito..."pagbabanta nya. 

Sapakin ko kaya 'to?

 "...bibili lang ako ng pagkain kaya wag ka aalis." Dugtong pa nya. Napakunot na lang yung noo ko sa sinabi nya.

Hindi naman kami close pero parang may pake sya sakin? Sino ka ba talaga hakob at ganyan ang trato mo sakin?

Pagbalik nya ang dami nyang dala na pagkain may carbonara, spaghetti, cupcake, kanin at ulam chicken, softdrinks tapos may pizza pa.

"Birthday mo ba?" Wala sa sarili na tanong ko sa kanya

Natawa muna sya bago sagutin yung tanong ko." Hindi ko birthday, hindi ko kasi alam kung anong gusto mo." Nagkamot pa sya sa batok at namumula ang mukha nya ngayon, Teka nahihiya ba sya? Bakit namumula yung mukha nya?

"Uhmm... ok na sakin yung carbonara..saka wag ka na mahiya, pulang pula na yung mukha mo." pinipigilan ko yung sarili ko na matawa sa itsura nya, his face was red as tomato.

"Huh? Ako namumula?" Tanong nya pa saka tumingin sa salamin dito sa canteen kaya natawa na ako ng tuluyan.

Tawa lang ako ng tawa habang sya nakatingin lang sakin. "Pfft..what?" Mukhang nagulat ata sya sa pagtawa na ginawa ko.

Late ko na narealize na ito pa la yung unang beses na nakita nya ako na tumawa.

"I think you should laugh and smile always, you are so beautiful when you do that." Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko dahil sa sinabi nya. Agad ko inayos yung pagkakaupo ko at umiiwas ng  tingin sa kanya.

Bakit pakiramdam ko na hindi nya ako pwede mahuli ng ganto?

Why does my heart beating so fast when I heard those words from him? What are you doing to me?

I clear my throat first before I asked him and I do my best just to look so calm and not look that I'm flattered with those words. "What made you think that I'm beautiful when I'm laughing and smiling, ngayon mo pa lang naman ako nakita na tumawa?" Natatawa ko pa rin na sabi sa kanya.

Hindi na lang sya umimik at nagsimula na lang sya kumain. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Kinuha ko yung isang softdrink pero nahihirapan ako buksan at nung nabuksan ko na bigla itong umapaw at natapunan ako sa mukha at basa na ngayon yung damit ko. Nagulat si hakob sa nakita nya kaya dali dali syang lumapit sakin.

"Ano ba naman yan Rachel, tingnan mo itsura mo." nag aalalang sabi nya at nung pagkakita ko sa itsura ko mukha akong naligo sa softdrinks, No naligo talaga ako.

At isang alaala na naman ang naalala ko......

Nandito kami ngayon ni Faith sa kitchen at naghahanap ng pwedeng makain.

"Rachel.." tawag ni Faith kaya lumapit ako sa kanya at nakita ko sya na may hawak na bote ng wine.

"I wanna try to drink this one." Sabi nya at napailing na lang ako.

"Wala pa tayo sa legal age para uminom nyan."

Dahil likas na makulit si Faith binuksan nya yung wine at bigla itong sumabog sa mukha nya kaya halos naliligo na sya ngayon sa wine.

Hindi ko na pigilan na tumawa sa itsura ngayon ni Faith kasi gulat na gulat sya dahil hindi nya inaasahan na pagbinuksan nya yung wine ay aapaw ito. Sinamaan ako ng tingin ni Faith at saka tumingin sa hawak nya na wine tapos titingin sakin tapos sa wine ulit.

Hindi ko gusto ang naiisip ngayon ni Faith kaya tumakbo na ako palabas ng kitchen kaso masyadong mabilis si Faith kaya nahabol nya ako kaya nagtatakbo na ako papunta sa kwarto ni kuya para magsumbong kaso naabutan na ako ni Faith na kumakatok sa kwarto ni kuya.

"Faith wag mo gawin yan."

Isang malakas na tawa lang ang ginawa nya at bawat hakbang na ginagawa nya ay nagbibigay sakin ng matinding kaba. Kinatok ko na ng malakas yung pinto ni kuya at nung pagbukas nya ay pumasok na ako.

Ngunit saktong pagbukas ng pinto ni kuya at pagpasok ko kasabay nun ang pagsaboy ng wine ni Faith at tuluyan na nabasa si kuya, ang kaninang tatawa tawa na si Faith ay napalitan na ng kaba at takot ang mukha nya.

"Faith! Rachel!!!!" galit na sigaw ni kuya kaya nagmamadali ako lumabas ng kwarto ni kuya at hinatak si Faith papunta sa kwarto ko at saka ni lock yung pinto.

Tawa kami ng tawa ni Faith nung nasa kwarto na kami "nakita mo itsura ni kuya, Hahahahaha mukha syang ewan." Tawang tawa na sabi ko

Binatukan naman ako ni Faith "lagot ako ni kuya bukas, bakit ka ba kasi pumasok sa loob! Dapat kasi ikaw yung mababasa hindi sya!" Natatawa na sabi nya

Tumawa lang ako ng malakas dahil naisahan ko sya kaya naghabulan kami sa kwarto ko ngayon habang sya ang napakalagkit na ng katawan nya.

Natawa na lang ako nung maalala ko yun, her craziness makes the two of us put in danger kasi si kuya lagi ang nabibiktima ng kabaliwan namin dalawa.

Nakatitig lang sakin si hakob. "I know that you are little bit confuse right now, I can't really stop myself from laughing and smiling whenever I remember something about her craziness, her smile, her laugh, her voice, the way she teased me but in the end she was the first who irritate, but you know what makes me unhappy?.." tiningnan ko muna sya bago ako magpatuloy.

"Isa na lang sya na alaala na tanging sa alaala ko na lang sya makikita, makakasama, mayayakap, and her memories will stay here" I pointed finger directed to my heart. "..and here."as I pointing my finger into my mind at hindi ko na mamalayan na unti unti na nakakawala ang luha sa mata ko na matagal ko na tinatago.

I don't know that happy memories can make us cry too. We should be happy when remembering happy times but why I felt so lonely about it? Why I'm crying instead of smiling and laughing?

Hindi ko na alam.

His Last WordsWhere stories live. Discover now