FIRST FIGHT

805 201 62
                                    

SIRAYA P.O.V

“Ayanna, gising na! Time to train!”

Malakas akong napaungot. Napahawak ako sa likod ko nang maka-upo ako dahil sumasakit banda doon. As I roam my eyes, napadako ang paningin ko sa wall clock.

2:50 am.

“10 minutes before 3 am!”

“Coming, Dad!”

Alas tres pa lang ng umaga, pero kailangan ko nang kumilos para hindi ako parusahan ni Daddy. That’s the first rule of our training, to never be late.

Pagkatapos ko sa morning routine, dumiretso agad ako sa likod ng bahay kung saan kami nagti-training ni Daddy. Sunday ngayon kaya mas mahaba ang oras para sa training. I’m not even complaining, ever since I secretly love this idea of Dad.

“Time check, 3:01 am,” Dad said in monotone. “You are one minute late, Ayanna,” mariing sambit niya sa pangalan ko.

“But--”

Sumalubong sa akin ang lumilipad na kutsilyo na muntik ko nang hindi nailagan, buti na lang talaga ay maraming ilaw sa paligid. Malakas na pumalahaw ang palakpak ni Daddy atsaka proud akong tiningnan. Napangiti ako.

“Good job! You did great for a beginner like you. Let’s start your training.”

Beginner pa rin after a year of training? But anyway, he complimented me for what I did, so, I don’t mind.

I was just smiling the entire time dahil pakiramdam ko napabilib ko si Daddy sa pag-iwas ko kanina sa kutsilyo, I mean it’s not new to me, honestly this is the 3rd time.

“Faster!”

Maliksi akong kumilos patakbo sa malawak na bakuran, pa-balik-balik. Unti-unting tumatama ang kakaibang pakiramdam sa balat ko. Geez. Mataas na pala ang sikat ng araw, mag-uumaga na rin pala.

Tatlong-ikot pa, kaya pa!

“You are not a loser, little Arquita!”

“I know, Dad!” Hinihingal kong sambit.

Pagkatapos ko sa huling round ng pag-ikot, napainom ako sa tumbler at napahiga sa damuhan, habol ang hininga ko. Tagaktak na rin ang pawis sa buong katawan ko.

This is so tiring, pero hindi ako pwedeng magreklamo. Kailangan kong mas masanay.

“Come on! You still have five more challenge! Get up!” Pagpalakpak ni Daddy, wala pang dalawang minuto ang nakalilipas.

Hindi biro at kadali ang training ko lalo na at retired Army si Daddy. He wanted to focus on us kaya siya nag quit. He was promoted as a Sergeant Major General, but he quit his job. Minsan naririnig ko sila ni Mommy na nagtatalo about do’n, pati ako nasasayangan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan si Daddy kung bakit siya nag quit.

Buhat ang dalawang malalaking timba na may lamang tubig na nakasabit sa matibay na kahoy, marahan kong isinalin ito sa malaking tumbler sa kabilang banda at muling bumalik sa kabilang linya. And the cycle repeat, kailangan ko lang punuin ang malaking tumbler sa kabilang linya.

“Why do I need to do this?”

“To prepare you.”

Moonlight TouchWhere stories live. Discover now