THIRD FIGHT

473 173 52
                                    

“That’s for today. Class dismissed.”

Nauna na akong lumabas ng room. I heard a sudden commotion coming from the campus field while heading to parking lot.

“God!!! Ang pogi niya!!!” paos na sigaw ng babaeng kanina pa tumatakbo pabalik ng Education building.

“Rinig mo ba na may dalawang bagong estudyante, tol? Magkaiba nga lang ng course, and they both graduating student,” dinig kong sambit ng lalaking may kausap sa may gutter.

Parehas silang napatingin sa gawi ko when I revive the engine. Dalawang beses akong bumusina. Nang paandarin ko ang motor, napadako ang paningin ko sa mga matang kanina pa ako pinagmamasdan.

Talagang sinusundan ako hanggang dito? I automatically smirk.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan pauwi, knowing someone is following me, kaso mas mautak ako kaya naiwala ko sila agad.

Pagkapasok kong bahay, saktong pababa si Dabo ng hagdan, he motioned me to follow him. Nang makapasok ako sa office niya, malakas siyang napatikhim. Umupo ako sa harap ng table niya.

“How’s your mission at School?” pagbaling niyang tingin sa akin.

“Still on track, I don’t seen him acting weird.”

Napatango lang ito. Ilang segundo pa nang may inilahad ito sa akin na folder na may lamang papeles, there’s a written words in front na agad kinakunot ng noo ko.

“The case of Doctor Grace Amyrra Arquita and...”

My jaw clenched. Napahawak ako nang mahigpit sa folder while turning my gaze to Dabo. Bahagya itong nakangisi.

“Surprise?”

Pabagsak kong inilapag ang folder sa mesa at walang pakundangang sinakmal siya sa leeg even there’s a table between us. I heard his insulting laugh.

“C-chill. Let me go.”

“What do you want?” matigas na tanong ko, hindi alintana ang paghahabol niyang hininga. “I told you before not to interfere to this matter! What do you want?!” pag-uulit kong tanong.

Imbes na sagutin niya ako, isinenyas niya ang kamay kong nakasakmal sa leeg niya. I throw him a death glare bago inalis ’yon. Naubo pa siya na may halong pang-aasar bago ibaling ang paningin sa akin. And now his awra became dead serious.

“Can you hear me first? Calm down, woman.”

I heave a deep breath to calm the raging inside of me.

I heard his sigh before reaching the folder na kanina ay hawak ko. “I added some important profile that connected to those suspects,” pagsalubong niya sa paningin ko. Pagkabuklat niya ng folder, inilahad niya sa akin ang ilang pahina non, hinigit ko ’yon sa kanya.

“That first two page, check it first.”

My eyebrows creased. “Adrian Matti, 22 years old, the son of Evan Matti.”

Napataas ang paningin ko kay Dabo.

“What’s this? Anong gagawin ko sa isang ’to?”

“Anak ni Evan Matti. You need to be closer to him to get some information about his Father whereabouts,” sambit nito. And why is that? Is that even easy to be close to a stranger? “He transferred to your School together with her little sister. Evan Matti treasure those kid.”

Treasure, huh. Let’s see.

Inilipat ko sa pangalawang page. But I just saw a shadow of a woman... and some words.

Moonlight TouchWhere stories live. Discover now