CHAPTER 4:FELT BAD

1 0 0
                                    

KLARE'S POINT OF VIEW

ISANG oras na akong nagmumukmok dito at hinihintay ang reply niya pero waley. Even a single word wala. Haist. Tiningnan ko ang oras at 4:46 am na. Gosh! I can't believe na hindi ako nakatulog buong gabi. I take a look into his account at hindi na siya online.

Pafall ka talaga Chester! In-off ko na ang laptop ko at nagpunta sa kusina. I decided to cook for Mom, Dad at Kuya. The last time I cooked for them ay nung nakaraang buwan pa. Masyado kasi akong busy sa school at sa school publication.

"Goodmorning Nak," bati sakin ni Yaya Linda, my favorite yaya. Siya na ang aking personal yaya eversince I was a kid. Aside from Mom, siya na ang tinuturing kong pangalawang magulang.

"Goodmorning din Nay. Ba't gising na po kayo? Ang aga-aga pa ah."

I'm very proud of her because she sacrificed a lot in order to sustain the of her family. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay mamamatay na ako sa pagkamiss sa family ko.

"Ganun naman talaga ang gawain ko Nak. Ikaw? Ang aga mo yatang nagising"
I smiled bitterly to her. Hays kung alam mo lang Nay ang nararamdaman ko ngayon. I fell rejected. At kay Chetser pa. Langya.

"Hindi po kasi ako makatulog atsaka ang tagal na nung ipinagluto ko sina Dad," pagpapaliwanag ko kay Nay while I stirred the egg.

"Napakabait mo talaga Nak. I'm sure na proud na proud sayo ang Mommy mo."
I wish na ganun nga.

"Syempre naman Nay. Ay teka, kailan ulit bibisita dito si Nicole?."

Si Nicole ang bunsong anak ni Nanay Linda. Dalawang taon lang ang pagitan naming dalawa. Nung nakaraang buwan kasi ay nagbakasyon siya dito. I hope na bibisita siya ulit ngayon.

"Hindi ko lang alam Nak. Busy kasi siya eh," sabi ni Nay.

"Auh ok," ani ko at saka inilagay ang nalutong itlog sa pinggan.

Nang matapos ako sa pagluluto ay saktong kagigising lang din nila Dad. I immediately greeted them a goodmorning.

"Goodmorning Princess, ang aga mo yata ngayon?," bati ni Dad and ofcourse wearing his smile.

"Goodmorning too Dad. Hindi po kasi ako nakatulog ng maayos," pag-amin ko habang inaayos ang hapag-kainan. When I faced Dad, he's suspiciously looking at me .

Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Even Kuya.

"Hindi nakatulog o busy ka lang sa school publication mo," asik ni Mom sabay tingin sa akin. Napahinto ako sa pagkain and I smiled at her. A fake one.

"Hon," saway ni Dad kay Mom dahil sa tensyon sa pagitan namin ni Mom. Kahit si Kuya na sobrang madaldal ay nakatingin na rin sa amin.

"No Mom. Natapos na rin kasi namin ang school paper. Maybe it will be launch this week."

"Good. Para naman mafocusan mo ang pag-aaral mo at wala naman yang kuwenta," saad ni Mom. Napatingala ako dahil anytime ay maluluha na ako. Huminga ako ng malalim atsaka tumingin sa kaniya.

"Atleast masaya ako doon. I'm so sick of this Mom. Sana this time ay pagbigyan niyo na ako," madamdaming sabi ko at tumayo na. Hindi pa ako tuluyang nakaalis nang humarap ulit ako kay Mom.

"Enjoy your meal na NILUTO ko," I said emphasizing the word niluto.

"Hey Klare bumalik ka dito!," sigaw ni Mom ngunit dumiresto na ako sa aking kuwarto at nilock ito.

Why is life so unfair? Tell me, masama ba ako kaya ganito ang nararanasan ko ngayon?

Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok. Hindi pa ba siya tapos sermonan ako? Gusto niya may round two pa?

"LEAVE ME ALONE," sigaw ko at humikbi ng mahina. Pagod na ako sa ganitong set-up. Oo nga mayaman kami pero kulang kami sa pagmamahal. Mas pipiliin ko pang mahirap kami kaysa sa marangya naming buhay. Atleast kahit mahirap kami ay sama-sama pa rin kami. Yung masaya ka. Pero yung buhay namin ngayon? Mas cold pa sa antarctica.

"Anak si Nanay to"

Tumayo ako at ini-unlock ang pintuan nang marinig ko ang boses ni Nay Linda. Pagkakita ko sa kaniya ay agad ko siyang niyakap at humagulhol.

"Nay ba't ganun si Mommy? Ang sakit-sakit na Nay," tanong ko kay Nanay at hinimas-himas niya ang likod ko as a sign of comfort. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nawala si Nanay.

"Shhhh anak. Tahan na. Kaya lang naman niya yun ginagawa para sa kapakanan mo. Para sa ikabubuti mo. Hangad lang naman naming mga Ina na maging maayos ang future niyo. Intindihin mo na lang mommy mo," pagpapaliwanag sa akin ni Nanay. Alam ko naman yun eh. Pero sana naman hayaan niya akong magdesisyon para sa sarili ko. Hindi naman sa sinusuway ko siya pero buhay ko to eh.

"Okay Nay." I smiled at Nanay saka kumalas sa pagkakayakap. I'm lucky to have her as my second parent.

"Oh siya tama na ang drama at maligo ka na. May klase ka pa," pagpapaalala ni Nay. Pinunasan niya ang luha ko atsaka lumabas na ng aking kuwarto.

Dumiretso na ako sa banyo atsaka naligo. Pagkalipas ng 30 minutes ay lumabas na ako at nagbihis ng uniform. Hindi naman ako matagal maligo.

White fitted blouse na may necktie na black, black and white stripe skirt na below the knee, black knee sock at saka black school shoes ang uniform namin. Korean lang ang peg ng principal namin.

    Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay without saying goodbye. Para saan pa? Para sermonan ako? No thanks na lang.

Chin up Klare! Don't let your Mom ruin your day. Chin up!

I keep mumbling on myself whike walking along the street. Malapit lang naman ang bahay namin sa school. 15 minutes will do. Marami din akong nakasabay na estudyante from different schools.

Pagkadating ko sa school ay marami agad ang bumati sa akin so, I greeted them back. I don't know kung bakit nila ito ginagawa but I'm grateful dahil kahit papaano ay nararamdaman kong welcome ako dito. Pagkatapos ko silang i-entertain ay tumungo na ako sa classroom. Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa aking upuan at inilapag ang aking bag. Masyado yata akong maaga dahil ako pa lang ang nandito. While I'm waiting for the others to come, isinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk. Inaantok na talaga ako. Tsk.


A/N:

Nakagawa na ako ng book cover but i doubt kung magugustuhan niyo. But atleast I tried my best. Ang ganda ng mv ng twice na more more. Mas mahaba ang chapter 5. Goodmorning!!!

A Journalist Love StoryWhere stories live. Discover now