CHAPTER 8: A LUCKY DAY

1 0 0
                                    

KLARE'S POV

          PAGKATUNOG ng alarm clock ko ay bumangon agad ako. 6 pa lang ng umaga at 8:00 am pa ang klase ko. Masyado pang maaga pero hindi ko ito inalintana. Nalulungkot lang ako pag nandito ako sa bahay.

Pagkatapos kong mag-ayos ang lumabas agad ako ng kuwarto. Saktong paglabas ko ay lumabas din si Kuya ng kuwarto. Magkaharap lang kami ng kuwarto pero soundproof kaya kahit magwala ako ay oks na oks.

Pagkakita niya sakin ay agad siyang ngumiti. I smiled back to him. He's already wearing his business attire pero ang necktie niya ay hindi pa naaayos. Graduate na si Kuya Shane at siya na ang namamahala sa iba naming hotels. At the age of 24 ay wala pa rin itong girlfriend. NO GIRLFRIEND SINCE COLLEGE haha.

Isa pa lang ang naging girlfriend niya at yun ay si Ate Chloe pero matagal na yun. Nung highschool pa sila. Nagtagal din ng 2  years ang relationship nila but sad to say ay nagbreak sila. I don't know kung ano ang dahilan. Pagkabreak nila ay wala na siyang naging girlfriend.


"Goodmorning lil' sis," bati ni Kuya saka ginulo ang buhok ko. Agad kong tinampal ang kamay niya na ikinatawa niya.

Kahit kailan talaga ang galing niyang mang-asar. And take note, sa akin lang siya ganiyan. Kapag sa iba ay ang sungit niya. Palibhasa ilag sa mga babae.


"Not so goodmorning Kuya. Kakasuklay ko lang eh," pagmamaktol ko.

Sabay kaming bumaba ni Kuya at agad na tumungo sa dining area. Pagkadating namin ay napanganga kaming dalawa ni Kuya.

What the! Sinong nagluto nito? Mayroong basag na itlog, tadtad na meat, at sunog na bacon. Who the hell did this? Is this even a food? It's more like a poison.



"Lil' sis, did you smell what I smell?," tanong ni Kuya sa akin. Suminghot-singhot ako at parang may nasusunog.

"Smells like burning."

Pagkasabi ko nun ay agad na nanlaki ang ang mga mata namin. Kumaripas agad kami ng takbo papuntang kitchen.

Laglag panga kaming napatingin kay Mom na may suot na pink na apron at sunog na omelet? What the hell!

Mom is cooking? May himala ba? Nakakain ba siya ng limang supot ng magic sarap? O lumunok ng isang boteng datu puti?

Nagkatinginan kami ni Kuya saka ngumiwi habang nakatingin sa sunog na omelet.

"Goodmorning everyone. What the!"

Napatawa kaming dalawa ni Kuya sa reaction ni Dad. Ganyang-ganyan din ang reaction namin kanina. Ang ngiti niya kanina ay napalitan ng ngiwi at pagtataka.

"Wifey, ano to?" turo ni Dad sa sunog na omelet.

"Saka ba't ka nagluluto?," pagpapatuloy ni Dad. Pinatay ni Mom ang stove saka lumapit sa amin ng nakangiti.



"Gusto ko lang naman kayong ipagluto. This past months kasi ay wala na akong time sa inyo kaya bumabawi lang ako," pagpapaliwanag ni Mom.

Nagkatinginan kaming tatlo ni Dad at Kuya at sabay na nagkibit-balikat.

Tahimik lang akong kumakain at nakangiwi dahil sa sama ng lasa. Hindi ko naman to pwedeng iluwa because I saw how Mom give an effort to make this foods. Aray ko namang sirain ang araw niya. Good mood na good mood eh. Tinititigan niya lang kami habang kumakain. Hindi kasi si Mom nagbebreakfast tuwing umaga. Tinapay lang at coffee ang kinakain niya. Daig pa ang nagdidiet eh.


"Princess may sasabihin pala ang Mom mo sayo"

Napatingin ako kay Mom with a questioning look on my face. I'm getting curious.


"About doon sa orientation. I know I'm being rude to you last time. I'm sorry about that. Iniisip ko lang naman kasi ang safety mo eh," paninimula ni Mom.



"It's okay Mom. Alam ko namang hindi niyo ako papayagan eh. It's alright," nakangiting saad ko dito.


"No, it's not Klare. I've made my decision. Alam kong pangarap mo uto so, I give you my permission," aniya.

Nagliwanag ang mukha ko sa narinig ko kay Mom. Parang nabuhayan ulit ako ng loob.

"Is this for real? Pakikurot nga ako," aniko.

Napasigaw ako nang kinurot ako ni Kuya. Parang di naman to majoke. Bwisit!


"Aray! Ano ba Kuya," galit na sabi ko dito at ang bugok ay inismiran lang ako. Tengenern!



"Sabi mo kurutin ka eh so, wish granted," nakakalokong sabi niya.

Psh! Whatever! Basta masaya ako ngayon. Finally! Punayag din si Mom. I can't believe this is happening. Sa tuwa ko ay tumakbo ako kay Mommy at binigyan siya ng halik.


"Thank you Mom. I really can't believe na pumayag kayo," I said with a genuine smile forming on my lips. I'm very lucky today

----------------------------------------------------------------------

"Goodmorning everyone!," pasigaw na bati ko sa aking mga kaklase. Napansin kong natigilan sila sa kanilang ginagawa.

Masyado bang malakas ang pagkakasabi ko?



"Goodmorning Klare," sabay na bati nila sa akin. Tinanguan ko sila saka umupo sa aking upuan. Hayss this is life! So good. Sinuksok ko ang earphone sa aking tenga saka nagpatugtog.


Hago sipeun maldeuli neomu manhaseo
Hanassig jeogda boni gasaga doeeosseo
Heeojimboda de apeun geuliumeulo
Neol saenggaghamyeo swibge sseuyeojin nolae

Nakapikit ako at dinadama ang bawat lyrics nang may kumulbit sa braso ko. Napakunot noo ako nang makita ang aking classmate na si Gail sa aking harapan. Ngumuso siya sa may pintuan.

Huh?

Sinundan ko ito ng tingin pero wala namang iba doon. Ako ba ang pinagloloko nito?




"Huh?," I said pointing at the door. She rolled her eyes saka nagsalita.




"May naghahanap sayo sa labas," simpleng sagot niya.

Akmang tatalikod siya nang magsalita ako.


"Sino?"

"Know it yourself," nakangising sabi niya at naglakad patungo sa upuan niya.

Ako pa talaga ang mag-aadjust? Great! Just great!


Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tumungo sa labas ng classroom. Pagkalabas ko ay inilibot ko ang paningin ko at may nakitang pamilyar na bulto ng isang tao.

Hindi ko siya nakilala dahil nakatalikod siya sakin. Damn! Why is my heart beating so fast?

Isa lang naman ang nakakagawa sakin to. Unti-unti siyang humarap sa akin and I was right.

It was him.

It was Chester.

A Journalist Love StoryWhere stories live. Discover now