CHAPTER 10:TAKOT AT KILIG

3 0 0
                                    

Klare's POV

Pupungay-pungay pa ang mata ko habang papunta kami sa airport. Si Kuya ang nagdrive para sa akin dahil day off ngayob ni Manong. Langya kasi sila Tyra eh.

Anong ginawa nila?

Tinadtad lang naman nila ako ng text kagabi. Mga walanghiyang yun. Di nila ako tinantanan ng pang-aasar nila. Kung katabi ko lang siguro sila, matagal ko na silang sinapatos. Ang sarap hambalusin isa-isa. Tinigilan lang nila ako nang malapit ng maghating-gabi. Tell me, sinong matinong tao ang gagawa nun? Si Tyra at Sam lang. Mga walang magawa sa buhay. I was about to sleep nang pumasok na naman si Chester sa isipan ko. Pinipilit kong itiklop ang mga mata ko pero bumabalik parin sakin ang ginawa ni Chester. Those sweet gestures that captured my heart. Shit! Nagiging corny na ako.



"Hey lil' sis, hindi ka ba nakatulog kagabi? Ganun ka ba kaexcited para hindi makatulog ng buong gabi? Langya, nakakatakot ka pala pag naeexcite" biglang sabi ni Kuya na siyang dahilan para mabalik ako sa katinuan ko. Hindi ko namalayang malapit na pala akonh makatulog. 7:30 am ang flight namin papuntang Palawan kaya dapat maaga akong gigising. Actually, 4 am pa lang ay nag-ayos na ako ng sarili ko.

Inismiran ko muna si Kuya bago ibinaling ang tingin ko sa labas.

"Hindi talaga ako nakatulog kaya tumahimik ka diyan kung ayaw mong mabugbog kita Kuya" bagot na bagot na sagot ko.

Imbes na matakot si Kuya sa sinabi ko sa halip ay tumawa pa siya ng pagkalakas-lakas. Hinampas-hampas niya pa ang manobela sa sobrang tuwa.

Mahigpit akong napahawak sa seatbelt ko nang magpagewang-gewang ang kotse namin. Malakas akong napasigaw nang malapit ng mabunggo ang sinasakyan namin sa isang nakaparadang truck. Mabuti na lang at nakaiwas agad si Kuya.



Shit! I thought I'm gonna die.



Taas-baba ang dibdib ko sa sobrang at nanlalamig din ang buo kong katawan. Nang naging maayos na ang pakiramdam ko ay agad-agad na dumao ang kamao ko sa braso ni Kuya. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Lord, ayoko pang mamatay.



"Ano ba Kuya! Kung gusto mong mamatay pwes mauna ka. Huwag mo naman akong idamay sa pagpapakamatay mo. Marami pa akong pangarap. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Gusto ko pang magkaboyfriend, magpakasal, makapag-asawa at magkaanak kaya umayos ka sa pagmamaneho mo. Geez. I thought that's the end of my life" pangangaral ko kay Kuya.






Hinawakan ko ang dibdib ko at ang lakas pa din ng tibok nito. May aftershock pa yata. Nakita ko sa pheripheral vision ko na nagtaas-baba ang balikat niya.

Inis na hinarap ko siya at binigyan ng nakakamatay na tingin.


Lokong to ah!






Nasa bingit na kami ng kamatayan kanina tapos nagawa niya pang tumawa. Imbis na pagalitan ko siya ay pinili ko na lang na manahimik hanggang sa makarating sa airport. Inalis ko muna ang seatbelt ko bago humarap sa kaniya.







"Oh, ano pang hinihintay mo? Lumayas ka na dito. Napasarap pa yata ang sakay mo sa kotse ko" pagpapalayas niya sa akin.






I give him a death glare at ang magaling kong Kuya ay ginulo lang ang buhok ko.




Anubayan!

Wala ba siyang buhok at ang sakin ang pinagdidiskitan niya?

Inayos ko muna ang nagulo kong buhok bago siya pangaralan for the second time.







Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 03, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

A Journalist Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora