CHAPTER 5:SUNTOK

1 0 0
                                    

TYRA'S POINT OF VIEW

Naghuhum ako habang naglalakad papunta sa school. Medyo malayo ang aking bahay sa school pero mas pinili kong maglakad para exercise na rin. Ang dami ko kasing kinain this week at hindi pa ako nag-e-exercise. Baka tumaba ako at baka hindi ako pansinin lalo ni Klin.

Si Klin ang isa sa mga campus hearthrob sa Phelton University at isa rin siyang guitarist ng bandang J6. Ang pinakasikat na banda dito.

Kinikilig talaga ako kapag naaalala ko ang nangyari kahapon.

FLASHBACK

Tapos na ang aming klase ngayong hapon kaya ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas. May ilang magbabar, shopping at may iba namang uuwi lang. Mga typical gimik ng mga teenagers. Ako? Eto nag-aayos pa lang ng gamit. Ganun talaga ang maganda hahahahaha.

"Hey Ty, una na ako ha? May family dinner kasi kami. Shit! Late na ako," nagmamadaling sabi ni Sam saka patakbong lumabas.

Dali-dali kong pinuntahan si Klare para magpasama sana sa mall kaso mukhang nagmamadali din siya.

"Sorry bes pero mag-uupdate ako ngayon eh. Next time na lang kita sasamahan," sabi ni Klare at kumaripas na ng takbo. No choice ako kundi ang umuwi na lang. Alangan namang mag-isa akong magmall diba? Sinukbit ko na ang bag ko atsaka lumabas ng room.

Pababa na sana ako ng hagdan ng tawagin ako ni Mr. Mallare.

"Ms. Martinez pwedeng pakidala ito sa music room?."

Kung minamalas ka nga naman oh. Nasa kabilang building pa naman ang music room. Pwedeng magback-out? At isa pa ang sakit na ng paa ko. Lechugas naman oh.

"Ah sige po," sabi ko at kinuha ang mga papeles na hindi ko alam kung ano. Ba't ang dami pa yata nito? Sana sa iba niya na lang pinakuha. Babae po ako at hindi lalaki.

Imbes na magreklamo ako ay lumakad na ako papuntang Music Room. May mangilan-ngilan akong nasalubong na mga lalaki pero tiningnan lang ako. Lenchak naman oh! Wala na talagang gentleman sa mundo.

Nakarating na ako sa Music Department kung saan nag-aaral ang mga estudyanteng mahilig sumayaw, kumanta at magpatugtog ng mga instruments. Everytime I heard the name dance, it always giving me goosebumps. Nagpasiya na akong pumasok sa loob. Shit! Nasa third floor pa ang music room at worst hagdan lang ang tanging daan. Kung ako ang magpapatayo ng school gagawan ko yan ng elevator o escalator. Ang mahal ng tuition namin tapos hagdan lang? Seriously? Ipapatulfo ko na yan.

Halos mangiyak-ngiyak na ako dahil ang sakit na ng paa ko. Bwisit naman oh! Malapit nang gumabi.

"Lenchak! Ba't ba kasi ako pa ang nakita ni Sir?," I keep on mumbling on myself habang umaakyat ng hagdan. Nasa first floor pa lang ako at may natitira pang dalawa.

"Uhmmm Miss anong ginagawa mo?," tanong ng isang baritonong boses. Hindi ko na lang siya pinansin dahil paniguradong walang kuwenta naman yan.

Bobo ba siya o tanga? Talagang tinanong niya pa ha!

"Hey Miss," muling kalabit niya sakin.

"ALAM MO KUNG WALA KANG IMPORTANTENG SASABIHIN PWEDE UMALIS KA NA? LINTIK NAMAN OH! ANG DAMI KO PANG GAGAWIN!," bulyaw ko dito. Ang daming pwedeng asarin at ako pa talaga ang napili. Badtrip!

Tumingin ako sa lalaking walang modo at ang gago ngumiti pa. Hilahin ko yang bibig niya eh.

"Chill lang Miss. I just want to help," he said, still smiling like an idiot. Hindi ko naaninag ang kaniyang mukha dahil he's wearing a cap. Pa mysterious effect ganern?

A Journalist Love StoryWhere stories live. Discover now