CHAPTER 9: LEVEL UP

1 0 0
                                    

KLARE'S POV

NAKANGITING lumapit siya sakin while his hand is on his back.

May tinatago ba siya?

Malalim ang hininga ko nang tumigil siya sa harapan ko. Were 5 inches away from each other.

God gracious! Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Goodmorning Klare," nakangiting bati niya.

Shit! Don't smile like that. Kaya lalo akong nahuhulog sayo eh.

"Goodmorning too, Chester," nauutal na bati ko.

Patong malagkit.

"Ba't ka pala nandito?," tanong ko dito.

"May itatanong lang kasi ako sayo," sagot niya. Umiwas ako ng tingin nang nagkatitigan kami. I can't take this anymore.

Pwede bang sumigaw? Kinikilig na talaga ako.

Chester, anong ginawa mo sa akin?

"Ano yun?," nakayukong tanong ko.

"Sasama ka ba sa orientation?"

CHESTER'S POV

"Sasama ka ba sa orientation?," I asked her looking straight into her eyes.

Nag-angat siya ng tingin kaya nagkatitigan kami. Her chocolate eyes meet my hazel brown eyes. Ilang minuto na kami sa ganoong posisyon and no one dares to move. It was a magical moment for the both of us.

She faked a cough dahilan para mabalik ako sa ulirat ko. What just happened?

"Uhmmm a-ano uhmmm oo sasama ako. Ikaw?," sagot niya sa tanong ko kanina. Nagtagpo ang mga tingin namin.

Don't tell me na may part two pa? Una akong umiwas ng tingin saka tumikhim.

"Ah okay. Nga pala ito oh," sabi ko sabay abot sa kaniya ng isang bouquet ng bulaklak at isang box ng chocolate.

I really don't know kung ano ang pumasok sa isipan ko at binilhan ko siya ng flowers at chocolate. I must be insane.

Nagulat siya sa inakto ko at kumurap-kurap pa. I can't blame her. Daig ko pa ang manliligaw eh.

KLARE'S POV

What the freaking heck!

Did he just bought me a flower and a chocolate? Pwede na ba akong mamatay? I don't know what to say.

Tatanggapin ko ba? Hindi naman sa dirst time kong makatanggap ng ganito pero si Chester to eh. Si Chester Lapaz na matagal ko ng gusto. Pabalik-balik ang tingin ko kay Chester at sa flower and chocolate.

"Ayaw mo ba? Sorry akala ko kasi----------

"No-no that's not what I meant" natatarantang sabi ko nang akmang ibaba niya na ito.

"Ano uhmmm ba't ka nga pala bumili nito? Hindi ko pa naman birthday ah" pagpapatuloy ko. Nilahad niya sakin ang flowers and chocolate. Nahihiyang kinuha ko ito saka nagpasalamat. I didn't expect him to give me this. Ano kayang nakain niya?


"Ewan ko sa sarili ko. Dinala na lang ako ng mga paa ko sa flower shop" pagpapaliwanag niya at kinamot ang batok niya. He looks so cute when he does that. Lahat na lang yata sakanya cute eh. All in one, he's perfect.

Tiningnan ko siya pero napansin kong namumula siya. May sakit ba siya? Pati ang tenga niya ay namumula rin. Sinalat ko ang noo niya pero hindi naman ito mainit. Napaigtad siya sa ginawa ko dahilan para umatras siya ng konti. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. Shit! Nakakahiya ang ginawa ko. Napayuko ako at tiningnan ang semento na parang pinakaimportanteng bagay ito. Ayokong umangat ng tingin dahil nahihiya ako sa ginawa ko.




A Journalist Love Storyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें