Prologue

151 6 0
                                    

Vote. Comment. Share
The Untamed Quieano
-ohmydash💕

*****
"A ayaw mo bang sumama sakin sa bayan?" tanong ni Kuya habang nakahiga sa tabi ko dito sa aking kama

"Wala naman akong gagawin sa labas eh dito na lang ako magbabasa" sagot ko habang tutok sa pagbabasa sa librong bagong labas lang sa national bookstore

"Hindi ka ba nabobored na araw-araw kang nagbabasa? Lumabas ka naman, tingnan mo nga yang kutis mo sobrang putla. Ni hindi ka man lang naaarawan. Bakit hindi mo subukang lumabas kasama ako ngayon. Fiesta sa bayan kaya madaming pwedeng bilhan nang mga bagay- bagay" medyo mahaba nitong paliwanag pagkatapos kunin sa kamay ko yung librong binabasa ko "A ngayon lang. Pagbigyan mo naman ako"

Hayy. "Okay pero ngayon lang kuya. Madami pa akong dapat basahin na libro para sa advance reading ko" napipilitan kong sagot bago ilahad sa kanya ang kamay ko para hingin pabalik ang libro nang history

"O sige..." wika nito bago bumangon sa kama ko para ilapag sa side table ko ang libro at humakbang patungo sa pintuan nang kwarto ko "...mag- ayos ka na at aalis na rin tayo ngayon para madami tayong oras na mamasyal sa mga tiyangge sa bayan. Magsuot ka nang preskong damit para mabawasan ang init tsaka para na rin maarawan yang mala-labanos mong puti"

Napatingin ako sa suot kong pajama at maluwang na tshirt pagkatapos nang sinabi nya. Maganda naman ang suot ko hindi naman OA. Hayy. Kailangan daw presko at dapat yung maarawan yung kutis ko. Bahala na nga!

After 30 minutes

"A nakapag-ayos ka na ba?" katok ni kuya sa pintuan ko

"Yes po Kuya" sagot ko habang sinisipat ang sarili sa malaking salamin dito sa walk-in closet ko. Cowboy boots, fitted jeans, sleeveless na kita ang likod (para maarawan sabi ni kuya) so meaning backless na sleeve sya at cowboy hat. Siguro naman okay na kay Kuya itong suot ko.

"Okay hintayin kita sa baba at ipapalabas ko pa kay Manong Selmo yung kabayong gagamitin natin papuntang bayan" usal nito bago kumatok nang isa na hudyat para sa kanyang pag-alis

I think kailangan kong maglagay nang lip tint sa labi ko medyo maputla nga ako. Kaya naman pagkatapos kong makuntento sa suot ko ay kinuha ko naman ang lip tint para maglagay nang kahit papano'y kolorete sa mukha ko. Hindi ko na kailangan pang maglagay nang blush on sa mukha ko dahil mapula na ang pisngi ko kahit hindi pa man ako naarawan.

Pagkatapos maglagay ay tuluyan na nga akong bumaba para maka-alis na kami ni Kuya "Let's go kuya" wika ko habang pababa pa lang ako sa hagdan

Nanatili naman sakin ang tingin nya habang tinitingnan ang bawat hakbang ko pababa papunta sa kanyang kinatatayuan "Did you put sunblock on your skin or should I say on your body?" tanong nya pagkadating ko sa harapan nya

"Nope. Eh dba nga magpapa-araw ako sabi mo" sagot ko habang diretsong nakatingin sa kanya

"Hayy.." buntong-hininga nya para sakin "...wait I'll just get the sunblock. Ako nang maglalagay sayo. Okay" wika nito bago tumakbo pataas nang hagdan

Ang labo naman ni Kuya kaya nga hindi ako naglagay nang sunblock dahil gusto nya maarawan ako tas ngayon sya pa maglalagay sakin "Kuya hindi na kailangan nyan. Hindi naman ako iitim eh" usal ko pagkalapit nya sa tabi ko

"Alam ko yan pero kailangan mo pa ring maglagay nito dahil baka masunburn ka A. Gusto mo bang mangyari ulit yung pamumula at pagbabalat nang kutis mo dahil hindi ka naglagay nang sunblock" sagot nito habang nilalagyan ang mga parte nang katawan kong hindi natatakpan nang suot ko ngayon

The Untamed Quieano (Ampalaya Series #1) Where stories live. Discover now