Love Poems #1

5 0 0
                                    

'NAKAKAPAGOD NANG MANATILI'

Sawa nang sumugal
Pagod na sa paghihintay nang napakatagal
Bibitawan na dahil mukha nang hangal
Tapos nang magpantasya sa relasyong ang daming umaangal

Nakakaya ko nang balewalain ka
Natitiis na ang sariling ika'y wag nag isipin  pa
Nakokontrol na ang kamay na wag imessage ka
At nagagawa nang iparamdam na sakin ay wala na ka ng halaga

Ginagawa ay para sa sarili na
Nakakapagod na kasing manatili pa
Nakakainis nang tingnan ang sarili na nagmumukhang tanga
At nakakaawa nang manlimos sa atensiyon niya

Lagi nalang ganito
Babanat kahit di sigurado
Hanggang 'kaibigan' yun lang naman ang punto
Nakakayamot, nakakagago

Bakit kailangang ganituhin ako?
Alam niyang sa kanya'y ako ay may gusto
Pinagmumukhang tanga lang pala ang isang tulad ko
Kaya ngayon, matututo na ako

Matututo nang ang sarili naman ang unahin
Itatatak na sa utak na siya'y hindi na sambahin
Gagawin ang lahat upang siya na'y limutin
At ang sakit sa pusong dulot niya'y akin nang palalayain

PoetryWhere stories live. Discover now