Love Poems #7

2 0 0
                                    

                      'HABUL-HABULAN'

Sakit.
Sakit na tila walang kasing hapdi
Napapatanong lagi sa sarili
Kung bakit hanggang ngayon nandito parin, nananatili?
Kung bakit pa nagtitiis sa sitwastong hindi ako ang pinili

Sa pagsapit nang malamig na gabi
Hindi ko mapigilang ang paghikbi
Bakit pa kasi ang ang puso ko'y nagawang mong mapatili?
Gayong ang pagmamahal ko'y tila walang sukli?

Wala namang patutunguhan
Dahil para lang tayong mga batang naghahabulan
Pilit na inaabot ang yung kinaroonan
Ngunit ikaw tong di magawang huminto kahit isang saglit lang.

Hinahabol kita kahit kinakapos na nang paghinga
Ngunit parang mas lalo atang lumalayo ka
Natatakot kang baka maabutan kita
Dahil sa pagkakataong yun, alam mong ikaw naman ang taya

Ikaw naman yung maghahabol sating dalawa
Mapapagod, pero hindi magpapahinga
Ngunit kapag pinagpawisan na
Alam kong susuko ka na't magrereklamo pa

Yun ang gagawin mo diba?
Dahil ayaw mo nang maglaro pa
Ayaw mo nang pagurin ang sarili na ako'y habulin pa
Pagkatapos nun,uuwi kana tama?

Sasabihing, 'Pagod na ko't di ko na kaya'
Diba parang ang daya?
Dahil ginawa kong lahat nang makakaya
Para lamang mahabol ka

Kahit ang layo nang iyong distansya
Kinaya kong ang pagtakbo ay bilisan pa
Maabot ka lang kahit pawis na pawis na
Nang mga panahong ako pa ang taya

Hindi ko na kailangang alamin pa ang dahilan
Alam kong takot ka na muli na namang masaktan
Dahil hindi biro ang iyong pinagdaanan
Nang ika'y minsang binago nang iyung nakaraan

Nang taong akala mo mamahalin ka nang lubusan
Ngunit ang di mo inaasahan
Sa isang iglap ay magagawa kang iwanan
Sa kadahilanang, hindi nakontento sa pagmamahal na binigay mo dahil parang kulang

PoetryWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu