Love Poems #3

5 0 0
                                    

 'UNANG TAGPO'

May nilaang bulaklak para sayo
Bulaklak na laan ko sana noong kaarawan mo
Ngunit hindi naibigay sa petsa na eksakto
Pero ok lang kasi nga diba magkikita naman tayo

Heto na nga ika'y nasa harap na
Ang hirap magpigil nang kilig, tengene
Mukha ko'y hindi manlang nakapag pulbos kanina
At ang mga kama'y ko ay nanginginig pa

Inaabot ang bulaklak sa mismo mong harapan
Hindi ko nga halos mamalayan
Marami na pa lang tao ang nagchichismisan
Bakit daw ganun ang tagpo nang ating usapan?

Sino ba namang hindi maiilang?
Ngayo lang kaya kita nakausap nang masinsinan
Ngunit baliktad ata ang nangyari kani-kanina lang?
Pansin ko ang yung kaba, akala ko ako lang?

Ang hinhin pa nang pananalita mo, kingina barbie lang?
Grabe pa makatitig sa mukha kong haggard naman
Hindi ba dapat ako ang mas mailang?
Dahil ako tong may crush sayo alam mo yan

Mga ngiti mo'y muli ko namang nasilayan
Dagundong sa puso'y muli ko namang naramdaman
Mga dagang tila naghahabulan saking tiyan
At ang pagtigil nang aking mundo nang ikaw na ay nasulyapan

Nagawa mo pa talaga akong bigyan
Isang tsokolateng hindi ko inaasahan
Pero wait, parang may kulang?
Yung binigay mo bakit ganun lang.

Hahaha tinaggal mo siguro? ang unfair naman
Nacurious tuloy ako dahil alam ko ang dahilan
Siguraduhin mo lang na hindi to galing sa mga lumalandi sayo dyan
Ibabalik ko nalang din sayo to kung ganun lang naman

Salamat sa pagbuo nang araw ko
Hindi ko malilimutan ang pag uusap kahit tumagal lang nang ilang minuto
Okay lang, yun palang kuntento na ako
Ito yata yung pinakamasayang araw sa lahat nang araw ko

Ang araw na to ay magiging memorable para sa akin
Atleast nakausap kita kahit ang oras ay di para sa atin
Okay lang hindi na kita pipiliting ako pa'y mahalin
Napapasaya mo naman ako kahit hindi ka akin

PoetryWhere stories live. Discover now