Love Poems #9

2 0 0
                                    

'HULING MENSAHE'

Ika-11 nang Pebrero
Dalawang araw bago sumapit ang araw nang mga puso
Araw na ramdam mong may nagmamahal sayo
Araw na para sa lahat nang tao

Ngunit tila ang araw na ito'y nakakapanibago
Muli ko na namang naramdaman ang sakit na nagmumula sayo
Ramdam na ramdam ko ang lamig nang ating convo
Lamig na tila kasinglamig nang yelo

Wala na yung dating samahan
Nabuwag na nang distansyang namamagitan
Dinala na nang hangin ang dating kasiyahan
At ang luha ay kusa nalang pinunasan

Ito ang huling mensahe ko sayo
Bibitaw na ako
Hindi dahil nakahanap na ako nang bago
Hindi dahil tapos na akong magpakatanga sa isang tulad mo
Kundi dahil natuto na ako

Natuto na akong mag-isa
Natuto na akong wag nang isipin ka
Natauhan na ako na dapat ang sarili ang dapat na inuuna
At tanggap ko nang wala na tayong pag asa

Gustong ko pa sanang hintayin ka
Dahil  baka balang araw maging ako na
Gusto ko pa sanang mahalin ka
Pero mahal, ngayon isusuko na kita

Pagod na ako, oo matagal na
Pero pinili kong manatili kasi nga mahal ka
Pero hindi pa pala sapat ang aking nagawa
Naging panakip butas mo na nga wala pa ring halaga

Kaya tama na at ayoko na
Bibitaw ako hindi dahil nakakita na ako ng iba
Naisip ko lang, 'sobra na ang aking pagpapantasya'
Aalis na bilang iyong tagahanga

Nakakapagod nang umasa sa relasyong 'walang tayo'
Nakakasawa nang manatili sa sitwasyong 'walang label at komplikado'
Nakakainis nang subaybayan ang pelikulang ang bida ay hindi 'ikaw at ako?
At nakakayamot nang maghintay na baka dumating  sa puntong 'baka ako naman ang piliin mo'

Pero wag kang mag alala
Magiging okay rin ako pagsapit nang umaga
Itutulog ko lang to, bukas ang lungkot wala na
Ayoko nang ang sarili ay ipagpilitan pa

Kakayanin ko nalang ang sakit gaya nung una
Hiling ko lang sana'y maging masaya ka
Hindi man naging ako, ako'y kuntento na
Pinaramdam mo naman sakin minsan ang saya

Yun palang ang swerte ko na
Ito nang huling beses na iiyakan kita
Ito nang huling araw nang paghahabol sa wala
At sana pag nahanap mo na siya

Hindi na kita muling makitang lumuluha
Bibitawan lang kita dahil ang sakit sakit na
Mahalaga ka pa rin sakin may makatagpo man akong iba
Di ko na kasi talaga kayang kumapit pa

Dalawang taon na akong nagpakatanga
Siguro naman ngayon, sarili ko naman ang iisipin ko diba?
Alam kong hindi madali ang kalimutan ka
Dahil hindi biro ang dalawang taon na ikaw ang pantasya

PoetryWhere stories live. Discover now