Love Poems #5

4 0 0
                                    

'UMAASA'

Hindi pa rin natatauhan
Dahil sa bawat saglit sa isip ay ikaw at ikaw pa rin ay napapadaan
Ano pa bang aasahan?
Kung ni isang sulyap nga ay hindi pa mapagbigyan

Lagi nalang isnob na lang ang nararanasan
Dalawang taon na pero hindi pa rin kayang lingunin man lamang
Isang hi, mo lang naman.
Kuntento na sana ako diyan

Pero hindi, dahil takot ka nang masaktan
Ginagaya mo kasi ako dun sa una mong, iniwan ka lang
Kaya kahit nandito na nga ako sa mismo mong harapan
Ako'y tila hangin lang sa iyong pakiramdam

Ang sakit sakit na sa totoo lang
Pero nananatili ako bilang kaibigan
Umaasa pa rin na balang araw magagawa mong masdan
Ang mga mata kong lumuluha nang di mo alam
Nandito pa rin ako kahit panakip butas mo lang

Gustong kong isigaw na 'mahal kita'
Ngunit ayokong gawin dahil 'nakekeheya'
Ayoko lang naman mareject lalo na't sayo pa
Ang hapdi hapdi na pero kinakaya
Dahil ikaw naman yan,ikaw lang talaga

Na kahit anong kirot pa ang idulot mo
Mananatiling ikaw, kahit hindi ako
Aasa kahit hindi man maging tayo
Dahil mahal kita, yan ang paninindigan ko

Sabihin man nang ibang 'tanga' ako
Mahal naman talaga kita, yun ang totoo
Dahil kahit anong gawin kong paglimot sayo
Ikaw pa rin yung nagpapatibok nang puso ko

Aasa sa relasyong walang tayo
Mananatili sa sitwasyong 'walang label at komplikado'
Patuloy na susubaybayan ang pelikulang ang bida ay hindi 'ikaw at ako'
At maghihintay na baka dumating tayo sa puntong 'baka ako naman ang piliin mo'

PoetryWhere stories live. Discover now