Love Poems #2

5 0 0
                                    

'PANIGBUHO SA RELASYONG WALANG TAYO'

Hanggang kailan ba magpapakatanga?
Hanggang kailan ba kayang tiisin ang sakit na nadarama?
Hanggang ba, sa ikaw ay may karelasyon na?
O hanggang sa kaya ko pa?

bakit nararamdaman ko'y panigbuho?
Bakit kailangan kong maramdaman ito?
Nakakagago, 'wala namang tayo'
Higit sa lahat, 'ako lang to'

May halaga lang bilang kaibigan mo
Gusto kong magtampo
Ngunit hindi pwede dahil ako'y di naman susuyuin ng tulad mo
Oo, nagseselos ako! 'kahit pa sabihing, wala namang tayo'

Alam kong mali,
Maling maling ikaw ay husgahan ko
Maling mali na ako ay magdamdam nang ganito
Wala sa lugar dahil di ko naman hawak ang puso mo

Itatago nalang siguro ito
Mukhang wala ka namang pakialam sa feelings ko
Alam kong iyon lamang ay parte ng inyong 'proyekto'
Pero bakit ang sakit makitang ganun kayo?

PoetryWhere stories live. Discover now