PROLOGUE

394 61 2
                                    

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is my first story kaya maraming wrong grammars and typos. Still not Edited.

IF YOU ARE A PERFECTIONIST PLEASE DON'T READ THIS dahil inaamin ko hindi ako kagalingan sa pagsusulat.

-----------------------------------------------------------

Nasa klase ako noon ng biglang may pumasok na isang lalaki sa room namin at may ibinalitang labis na nakapag pa wasak ng puso ko.

Napag-alaman ko na minasaker ang pamilya ko. Ang mahal kong ina at kapatid. Nang makarating ako sa aming tahanan nakita ko ang itsura nila, tila bang kalunos lunos ang nangyari. Labis na pagpapahirap ang ginawa sa kanila, wala silang awang pinagsasaksak at ang hindi ko kinayang makita ay ang pareho nilang nakabigting mga katawan.

Hindi ko alam ang gagawin gusto kong umiiyak, magalit, sisihin ang lahat at kung ano ano pa, halo- halo na ang nararamdaman ko. Noong mga araw na 'yon parang gusto ko na lang magpakamatay, gusto ko na lang ring sumunod sa kanila dahil nawalan na ng saysay ang buhay ko.

Ang dahilan kung ba't ako lumalaban at nagpapakatatag ay nawala nalang sa isang iglap. Ang dalawang taong natitira sa buhay ko dahil bata palang ako ng mamatay na ang aking ama dahil sa hindi malamang dahilan.

Ang sabi ng mga pulis nagpakamatay daw silang dalawa ng nanay pero kitang-kita naman sa kahit anong anggulo na pinatay sila.

Naniniwala akong hindi nila magagawang magpakamatay dahil mahal na mahal nila ako.

Ngunit ang malaking katanungan sa isipan ko

Bakit sila pinatay?

Bakit nila ako iniwan?

Bakit nila hinayaang saktan sila ng mga taong gumawa nito sa kanila?

Galit na galit ako sa mundo, hindi ko matanggap na namatay ang pamilya ko ng walang hustisya.

Pinilit kong buksan ang kaso ngunit hindi kami pinayagan sapagkat wala kaming makitang ebidensya...na para bang nawala na lang na parang bula.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang nangyari, porket ba'y mahirap lang kami at walang kalaban-laban ay pwede na nila kaming apak-apakan?

Bakit napaka unfair ng mundo? Pag wala kang pera ay talo ka. Hindi ko na maimagine ang sarili ko na wala sila.

Isa lang ang nasa isip ko na kahit anong mangyari gagawa ako ng paraan para makamit ko ang hustisya.

Buhay kapalit sa buhay

Pagkatapos mailibing ang pamilya ko napagdesisyunan kong humanap ng paraan para makalipad ako nang ibang bansa at doon ako mag-aaral at magsisikap. Hindi ko magagawa Ang plano kung mananatili ako rito.

Ito ang ipinapangako ko sa sarili ko... wala ng ulit taong magdaranas nang naranasan ko.

The Voice GameWhere stories live. Discover now