TVG 1

366 58 0
                                    

CASS POV

" Atty. Cass ipapaalala ko lang ho sa 'yo na may hearing tayo mamayang 1 pm" sabi ng aking sekretarya na si Bea

" Okay, by the way may nakuha ka na bang enough evidence na maaaring makatulong sa kasong 'to?"

" Yun na nga ang problema attorney. Wala pa po kaming makuha, masyado po kasing mapera ang kalaban natin"

" Ano naman ngayon kung ma pera?"

" Eh attorney ang sabi ni Ben maaaring binayaran daw nito ang nakakita ng pangyayari at sinunog ang mga ebidensya"

What the heck

" Haay...sige na makakaalis kana, salamat sa pag papaalala, ako na ang bahalang humanap ng solusyon"

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng aking sekretarya. Agad kong inayos ang mga gamit ko para puntahan si Mang Andres ang kliyente ko. Siya iyong pinag-uusapan namin kanina, hanggang ngayon kasi ay wala pa din kaming matibay na edidensya para makalaya na ang anak niyang napagbintangan lang.

Hindi ko na sila siningil ng malaking pera dahil halatang kapos sila at saka hindi naman pera ang pakay ko kaya ako naging abogada.

Ayon sa source ko. Ang anak ni Mang Andres ay nagtatrabaho bilang isang hardeniro sa isang mansyon ng mga Enriquez.
It was around 2 pm ng hinuli siya ng mga pulis at ang balita ay si Mrs. Enriquez ang nagsuplong. May nakita daw na droga sa loob ng kwarto nito.

Noong kinausap ko naman ang anak niya ay ang sabi nakita niya na ang gumagamit daw si Mrs. Enriquez ng droga at ng mga oras na yon ay nalaman ni Mrs. Enriquez na may nakaalam ng sikreto niya. Kaya ayon na nga plinantahan siya ng droga para maibaliktad.

Napag desisyonan ko na magbihis na din ako ng damit para makakilos ako ng maayos hindi kasi ako sanay na mag e-interview ng naka palda. Hindi naman laging required na naka office attire ka at saka kung sakaling may mangyari at least laging ready. Sabi nga nila okay lang na mag disguise pa minsan minsan.
Magbabakasakali  na rin ako na baka may makita o makuha pa akong importanteng impormasyon.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag-uusap ni Mang Andres ng biglang may magsidatingang mga pulis.

"Yan, yang mga yan hulihin niyo sila. Mga adik din yan" sigaw ng isang babae

Bigla nalang akong napakunot ng noo. Ano ba'ng ipinagsasabi ng babaeng 'to?

Hmm

I think this is Mrs. Enriquez? Hindi ko pa siya na m-meet before pero base na din sa suot at arte...siya nga. Walang duda

Laging alipores niya lang kasi ang nakikita ko tuwing hiring.

Ewan ko nga kung bakit pinayagan ng korte yon eh.

May na aamoy talaga akong mabaho. Tsk

Nagsilapitan naman sa amin ang mga pulis at agad na pinusasan kaming dalawa ni Mang Andres.

What the? Pinapatawa ba nila ako

"Maawa na po kayo, wala po kaming ginagawang kasalanan"
pagmamakaawa ni mang andres sa mga pulis

" Excuse me? Alam niyo ba kung ano ang ginagawa niyo?" tanong ko

" Miss sa presinto nalang kayo magpaliwanag" matapang na sabi ng pulis

Hihilahin na nila sana kami ng bigla akong mag pumiglas.

" Maaari ko kayong kasuhan sa ginagawa niyo" balik na sabi ko

" HAHAHA Ang tapang mo naman ikaw na nga itong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot"

" Excuse me! Wala kayong katunayan at wala kayong warrant of arrest "

The Voice GameWhere stories live. Discover now