TVG 6

234 9 0
                                    

CASS POV


Ngayon na ang araw na pinakahinihintay ko. Magkikita na muli kami. Hindi ko na alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Kinakabahan ako at natatakot dahil baka magalit sila. Hanggang ngayon kasi mahina pa rin ako. May part rin sa akin na masaya dahil sa tagal ng panahon magkikita ulit kami.

Kasama ko ngayon ni Kuya Migs. He insisted na samahan ako kahit na sabi ko na kaya ko naman. Hindi pa rin siya naniwala dahil alam niya na maaaring hindi ko kayanin at nagpapasalamat ako dahil do'n

"Hmm...kuya pwede bang pumunta muna tayo sa flower shop?" Tanong ko

" Ofcourse" nakangiti niyang sabi

Ilang oras ang lumipas bago kami makapunta sa flower shop.

Bumili ako ng isang dosenang puting rosas at isang dosenang tulips. Sana magustuhan nila ang dala ko

Bitbit ni kuya ang isa. Pagkatapos naming bumili umalis agad kami at pumunta na sa lugar na yon.

"Na'ndito na tayo" sabi ni kuya at ngumiti siya sa akin.

Ngumiti din ako ng pilit. Medyo na ngangatog pa ang tuhod ko pag baba ko ng sasakyan.

Sobrang tagal ng panahon na din pala simula ng makapunta ako dito

Naramdaman ko ka agad ang malamig na simoy ng hangin.

I miss them so much

Nang makarating kami sa puntod nila napansin ko na may bulaklak din na nakalagay. Malinis din ito.

Siguro may bumisita din sa kanila kung sino man siya. Salamat.

Hindi ko na pinag tuunan pa ng pansin ang bagay na 'yon. Nilapag na namin ni kuya ang mga dala naming mga bulaklak

"Ma, Kuya, Kamusta na ?" tanong ko sa kanila at umupo ako sa damuhan

Hinaplos ko ang lapida nilang dalawa

" Pagpasensyahan niyo na ako kung ngayon lang ako nakadalaw. Medyo busy kasi e ang daming kailangang gawin. Anyway nagustuhan niyo ba ang bulaklak na dala ko syempre mabango yan ako yung pumili e hahahaha" tumawa ako. Hindi ko alam kung na halata ba ni kuya na peke lang 'yon 

"Alam mo ma, kuya abogado na ako at oo nga pala nakalimutan kong ipakilala sa inyo si kuya Migs. Silang dalawa ni daddy ang kumopkop sa 'kin nung mga panahong alam niyo na... iniwan niyo 'ko"

Naramdaman kong tumabi sa 'kin si kuya Migs

" Hello sa inyo, Ako pala si Miguel ang gwapong kuya ni Cassandra AHHAHA anyway wag kayong mag-alala dito kay cass dahil matapang 'to! atsaka nandito lang naman kami para sa kanya. Ako na din bahala tita dito sa anak mong pasaway. Bro. alam mo ba wala pa ding boyfriend ito batang 'to bantay sarado kasi HAHAHAH kailangan tumandang dalaga daw sabi ni daddy"
tatawa tawang sabi ni kuya na para bang close na close sila
Kung ano ano pa pinag kwe-kwento.
Sira ulo talaga

Peyknews naman

Lumingon ako kay kuya at tinadyakan ko siya ng mahina.

Umiiling na tumatawa si kuya sabi ko na nga ba dapat di namin pinalaya to sa mental e.

Binalingan ko ulit ng tingin sila mama at kuya

"Narinig niyo 'yon ma at kuya kaya wag na kayo mag-alala sa 'kin at wag kayong magpapaniwala dyan kay kuya may topak yan e" tumigil muna ako sandali at inalala ko lahat ng alaala na magkakasama pa kami "Alam niyo miss na miss ko na kayong dalawa. Sorry ma, kuya kung hanggang ngayon wala pa din kayong hustisya. Sorry sa lahat, sorry kung wala akong nagawa noong namatay kayo."

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko at ilang oras lang ay humantong na sa pag hagulhol.

Miss na miss ko na sila... sobra

Gusto ko silang yakapin

"Sorry kung ang hina hina ko pa rin. Wala pa rin akong kwenta hanggang ngayon pero ipinapangako ko sa inyong dalawa na wala na ulit masasaktan at wala na ding mamamatay na walang nakukuhang hustisya. Aayosin ko 'to. Ipinapangako ko yan ma at kuya " At doon na ako mas humagulhol pa.

Sana mapatawad na nila ako.

Naramdaman ko ang pagyakap sa 'kin ni kuya.

" Wag mong sisihin ang sarili mo Cass wala kang kasalanan at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ni daddy, nandito lang kami para sa 'yo"

"Salamat kuya" pasinghot singhot kong sabi

"Nako! ang pangit mo umiyak"

"Ang sama mo. Isusumbong kita kila mama"

"ahhahahah ito naman hindi na mabiro. Ngumiti ka na kasi, by the way ayos ka na ba? kailangan na nating umalis"

Tumango na ako bilang sagot

Tinulungan niya akong tumayo.

"Pa'no ma, kuya alis na kami ni kuya migs. Babalik nalang ako sa birthday mo kuya"

"Sige po tita aalis na kami nitong anak mong iyakin"

Pinalo ko si kuya migs sa braso pero imbes na masaktan tinawanan pa ako ng loko.

Pinunasan ko na ka agad ang mga luhang tumatakas at patuloy pa ring pumapatak sa mga mata ko.

Hayst kailan ba 'to titigil

Bago kami umalis ng sementeryo. Tumingin ulit ako sa puntod nila ng nakangiti.

"Mahal na mahal ko kayo ma, kuya hanggang sa muli naging pagkikita" 

Alam ko naman na masaya na sila kung na saan man sila na roroon ngayon.

At sana... sana mapatawad ko na rin ang sarili ko.

The Voice GameWhere stories live. Discover now