TVG 2

330 54 1
                                    

CASS POV

Natapos na rin sa wakas ang hearing para sa anak ni Mang Andres at napawalang sala na din siya dahil sa malakas na ebidensyang hawak ko.

Hindi na sila maaaring makalusot pa kahit sino pa ang kakampi ng babaeng yon.

Pinagmulta at ikukulong na rin ang baliw na babaeng 'yon dahil sa gulo at pamimintang na ginawa niya.

Patong patong na din ang kasong kakaharapin ng babaeng 'yon dahil marami na pala siyang kagagahang ginawa at na pag-alaman ko din na may sakit pala sa utak 'yong babaeng 'yon. Kaya ayon nasa mental na ngayon

Kaya nabawasan ang kasong dapat na isasampa sa kanya.

Tsk nagsasayang ng pera para lang manira ng kapwa. Dapat pinanggagamot niya nalang sa sarili niya.

Kaya ngayon nandito ako sa office para asikasuhin ang bago kong hawak na kaso.
Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok

"Pasok" sigaw ko

" Atty. Cass magsisimula na ho ang interview para sa mga intern ng law firm natin"
Sabi ni Bea ng makapasok siya sa office

"Hindi ako makakasama, may kailangan akong puntahan"

" Pero Atty kailangan na'ndon ka, 'yon ang sabi ni attorney Vince"

" Bea mas importante pa 'tong pupuntahan ko kaysa dyan. Ako na ang bahalang kumausap kay Vince"

"Sige ho attorney" at lumabas na siya sa office ko

Gaya nga ng sabi ko may kailangan akong puntahan kaya inayos ko na ang mga gamit ko pero bago ako umalis nagtext muna ako kay Vince para ipaalam na hindi ako makakasama sa interview na yan

Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil ayaw pa naman ng taong 'yon ang late sa usapang oras

Nang makarating ako. Agad naman akong binati ng mga katulong.

At nakita ko na agad ang taong kakausapin ko. Nakaupo ito sa sala habang nag kakape

"Your 5 seconds late Cassandra"
Seryoso niyang sabi

" Dad 5 seconds lang yun " parang nanghihina kong sabi

"You know me Cassandra. Alam mo na rin kung ano ang dapat mong gawin"

"Dad nakapalda ako" pagmamaktol ko

Hindi na niya ako pinansin. Binaba niya lang ang baso sa mesa at lumakad na siya papunta sa office niya.

Napa bugtong hininga na lamang ako wala na akong nagawa kundi gawin nalang iyong gusto niya. Agad kung hinubad ang palda ko, kaya ang nangyari naka cycling nalang ako .

Dumapa na ako sa sahig at sinimulan ng mag push up, 50 pa naman ang kailangan kong gawin. Nakabase lahat ng push up mo kung ilang segundo, minuto o oras ka na late at kahit saan pa yan.

Naalala ko pa nga noon na late ako ng limang oras kaya ayon naka 500 na push up ako tapos 'yong worse part pa nasa party kami. Like Duh? Hindi man lang ako pinagbigyan. Kaya ayon nag mukha akong tanga na nag pupush up sa tabi habang naka suot ng gown pero at least kahit papaano ay nabawasan ang push up ko kasi nga nasa party.

Ang tagal kasing dumating ng mga kaibigan ko no'n.

Awang awa at hiyang hiya na nga si kuya no'n sa 'kin pero wala naman siyang magawa dahil takot din naman kay daddy pero kahit na ganun siya naiintindihan ko siya dahil alam ko naman na deni desiplina niya lang kami o magandang sabihin ako, well mas madami kasi akong late kaysa kay kuya.

Mahal ko yan, silang dalawa ni kuya at malaki din ang pasasalamat ko sa kanila dahil simula nang mapadpad ako sa ibang bansa si dad na ang kumupkop sa 'kin at gaya ng sabi ko kanina meron siyang isang anak na lalaki at 'yon ay si kuya Migs dabest na kuya 'yon.

Yung tipong papangarapin siya ng lahat para lang maging kapatid lang siya. Inggit na inggit nga sila sa 'kin. Hmm pwera nalang sa pagiging babaero niya HAHAHA.
Namatay na rin ang mama ni kuya Migs dahil sa panganganak sa kanya.

Masaya ako dahil never nilang ipinaramdam sa 'kin na hindi ako kasama sa pamilya nila.

Tumatagaktak na yung pawis ko nang matapos ako. Sinuot ko na ulit ang palda ko at inayos ko muna ang sarili ko bago umakyat na sa office ni dad.

Kumatok muna ako bago pumasok

"Dad ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko ng nakaupo ako sa sofa

"Tumigil kana sa pag-aabogado" seryoso at deritsahang sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niya para bang ang tagal bago mag proseso sa utak ko lahat ng sinabi niya, para akong nabibingi

"D-dad? P-pakiulit nga"

"Tumigil kana sa pag-aabogado at e take over mo na ang companya natin"

"P-pero dad alam niyo naman ang dahilan ko diba? Alam niyo kung bakit gusto kong maging abogado?. Bakit hindi nalang si kuya?"

"Alam kong kahit hindi kana abogado kaya mo pa rin makakuha ng hustisya at alam mo rin na gulo lang ang gagawin ng isang 'yon. Wala kang maaasahan sa taong 'yon" seryoso nitong sabi

Kun' sabagay may point si dad

" Pero dad may kaso akong hinahawakan ngayon"

"Then taposin mo na yan and I will give you only 1 month. Makakaalis kana" Sabi niya at nagsimula na siyang magbasa ng mga papeles niya.

Isa lang ang ibig sabihin non na kahit ano pang sabihin mo hindi na siya makikinig sayo.

Imbes na tumagal pa do'n sa office, lumabas nalang ako

Nanghihina akong naglalakad para bang bigla nalang gumuho ang mundo ko.

"Miss Cassandra? Ayos lang ho ba kayo?"
Tanong ng katulong namin na si Bet. Matagal na siyang naging katulong namin pero mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya

"Oo, pasensya na pagod lang ako sa trabaho"

"Ganun ho ba, magpahinga na po kayo. Gusto niyo ho bang kumain? ipaghahanda ko po kayo."

"Nako wag na Bet. Aalis na din naman ako, magpahinga ka na alam kung pagod ka rin. Siya nga pala ikaw na ang bahala kay dad at kuya"

"Salamat miss. Oho kami na pong bahala sa kanila. Mag- iingat po kayo sa byahe" Sabi niya sabay ngiti

Tumalikod na ako pero bigla akong napaharap ng bigla akong may ma-alala

"Bet"

"Po?"

"Pakitext pala ako 'pag dumating si kuya at wag kana rin pala mag po at opo, nagmumukha tuloy akong sobrang matanda Hahaahha"

"Ahh hehe sige po - este miss. Ingat kayo sa byahe" napapakamot sa noo niyang sabi
Napangiti na lang ako.
Ang cute niya talaga

Kaya imbes na mag mukmok at mag drama pa sa bahay napag desisyonan ko nalang na pumuntang office para tapusin ang mga dapat kong gawin.

The Voice GameOnde histórias criam vida. Descubra agora