TVG 8

191 5 0
                                    

Plano kong pumunta sa office ngayon para turuan si Samuel kaso ng napatingin ako sa kalendaryo ng maaalala ko kung anong date ngayon.

Damn, It was 28th of May may kailangan pa pala akong gawin at hindi iyon pwedeng balewalain dahil ako ang malalagot.

At dahil importante nga iyon ay napag desisyonan kong pumunta nalang don kaysa sa office. Agad ko namang te-next si Vince para sabihin a-absent ako at siya na muna ang mag train kay Samuel.

Nakakahiya naman don sa tao nangako pa naman ako. Tsh

Agad na akong nagbihis at pagkatapos ay kinuha ko na ang kotse. I used my red ferrari. Ang paborito ko sa lahat ng sasakyan ko.

Wala na akong dapat sayangin na oras kaya mabilis ko itong pinaandar.

Sa kasamaang palad ay bigla akong napatigil sa gitna ng daan dahil sa may nakalimutan ako. Fuck! bakit sa lahat ng pwedeng maiwan ay yun pa?.

Yung mga papeles ko.

Nakakainis naman.

Hindi naman masyadong daanan ang lugar na ito kaya't maari akong tumigil ngunit kung mamalasin ka nga naman ay may bigla pang bumangga sa akin.

Kakasabi ko lang na pwede e. Tss!

Napamura nalang ako dahil sa lakas ng impact niyon at sigurado akong malaki din ang damage nito sa sasakyan ko.

Ang baby ko kawawa naman

"Hoy Tarantado ka ha! " sigaw ng nakabangga sakin habang nakalabas yung ulo sa may bintana ng sasakyan niya.

Wow ha! siya pa galit e siya na nga tong naka bangga. Ang laki kaya ng daan. Tapos ang bilis pa niya magpatakbo.

Kaso naalala ko na may kasalanan din naman pala talaga ako dahil sa pagtigil ko pero kahit na diba? pwede naman siyang tumabi o di kaya mag beep nalang.

Napatingin ako sa bintana ng may kumatok dito. Yung nakabangga sa akin.

Hindi ko namalayan na naka lapit na pala siya sa akin

" Hoy buksan mo ito " sigaw na naman ulit nito.

Hindi ko alam kung dapat ko nga bang sundin yung sinabi niya na buksan o hahayaan ko nalang.

Nakakatakot kasi yung lalaki.

" Tarantado ka ba't ka tumigil sa gitna ng daan?. Hindi ka ba marunong mag maneho? Ang yabang yabang mo pa baka di mo ako nakikilala ha! Ako lang naman si Heneral Miguel Juarez." sabi nito sabay kalabog ng malakas sa bintana. Napatalon naman ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

" Hindi ka talaga lalabas ha! " Nakita ko ang pagkainis sa mukha niya dahil sa hindi ko paglabas at kita ko rin mula sa loob na nilabas niya ang kanyang baril at tumutok iyon sa bintana ko.

Akala ko ay mananakot lang siya kaya naman nagulat talaga ako ng bigla niya iyong pinaputok.

Buti nalang at hindi ako natamaan.

Dahil sa nangyaring iyon parang bigla nalang umalis yung kaluluwa ko sa akin.

Nakakabingi yung tunog ng baril.

Feeling ko malalagutan ako ng hininga kanina.

Tangina...muntik na ako don

" Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo " galit pa rin na sabi nito

Bumalik na siya sa sasakyan niya at sinimulan ng paandarin ito.

Naiwan naman akong nakatulala na parang tanga doon.

Nakalimutan ko na may kailangan pa pala akong gawin.

Kaya naman kahit na nanginginig pa ang mga kamay ay humawak na ako sa manibela at mas minabuti kong paandarin na lang ito pabalik sa bahay para kunin yung mga papeles na naiwan.

Nang makarating ako sa bahay ay wala sa sariling kinuha ko ang mga ito.

Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari.

Nakamura nalang ako ng maalala ko na dahil dito sa hawak ko ay nag kanda leche-leche na ang araw ko.

Malas talaga.

Naiinis ako sa sarili dahil hinayaan ko lang siyang ganunin ako

Paanong ako pa ang naging mayabang ako ba yong nagmamalaki kung ano ako at nagpaputok pa ng baril. Gago pala siya e

Iniisip ko din na... paano kaya kung lumabas ako kanina tapos nagkainitan kami tapos pinutok niya ako.

Tangina edi deads na ako non.

The Voice GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant