TVG 10

175 2 0
                                    

"Ready?" tanong ng babaeng naka itim at may mask na pula

"Ready!!" sabay sabay nilang sigaw

Sisimulan na namin ang laro.
Nagsimula na rin mag ring ang telepono gaya ng kadalasang ginagawa namin.

"Hello?" iritadong sagot ng kabilang linya

"Good day sir nasa game show po kayo mayroon lang kaming mga konti'ng katanungan"

"Hindi ako interesado" at agad na binabaan niya kami ng tawag.

" Tawagan mo ng isa pa " utos ko sa isang tauhan dito.

" Ano ba...tigilan niyo na nga ako. Sinabing hindi ako interesado sa walang kwenta niyong palaro" Galit na sabi ng kabilang linya sabay baba ulit ang tawag.

Tsk. Nagsisimula na akong mainis.

Hindi ko inaakala na magiging mahirap to.

"PLAN B" sigaw ko sa mga tauhan ko.
Kung di kayang madaan sa pakiusapan. Dadaanin natin sa dahas.

Di ko na mapigilan ang nararamdaman. Labis na akong na nanabik. Ang bilis na ng tibok ng puso ko hindi na ako makapaghintay na makita ang gagong lalaking yon.

I can't stop the feeling anymore


THIRD PERSON POV


Sa kabilang banda pagkatapos ibaba ng lalaki ang tawag ay ilang minuto ang lumipas bago magsi-pagdatingan ang mga nakaitim na lalaki.

Mabilis ang mga galaw nito... para bang sumasabay ito sa hangin... ni hindi niya man lang nakuha ang kanyang baril dahil bigla nalang siyang nawalan ng malay

Nagising ang lalaki dahil sa tindi ng liwanag na nakatutok sa kanya.
Hindi niya mawari kung na saan siya basta ang alam niya lang ay nasa isang kulungan siya.

Nagpaikot ikot ang lalaki para sana humanap ng daan upang makaalis sa lugar na yun.

Nang bigla niyang mapansin ang mga baril na nakatutok sa kanya, na kahit saan man siya pumunta siguradong matatamaan pa rin siya nito. Meron ding isang puting lalagyanan na may mga sukat at katabi nito ang iba't ibang uri ng patalim.

" Tulungan niyo ako" nag- mamakaawang sigaw nito

" Napagandang tinig " sarkastikong sabi ng isang babae na nagtatago sa may dilim.

Agad namang hinanap ng lalaki kung saan nanggagaling ang boses ng nagsalita.

"S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin?"

"Maligayang pagdating sa aming palaro General Miguel Juarez "

"PANO MO KO NAKILALA. SINO KA BA TALAGA. IKAW BA MAY PAKANA NITO?" galit na sigaw nito habang nagpapaikot ikot dahil hinahanap niya kung nasaan ang tao

"Ako lang naman ang papatay sayo HAHAHAHA" at tumawa ang babae na parang sinasapian.

"Tangina mo baliw kana ano bang kailangan mo sakin"

"Wala naman natutuwa lang ako sayo"
sabi nito sabay hagikhik.

" Kapag ako nakalabas dito. Magtago kana " nakatiim bagang na sabi nito.

" Ang tanong kung makakalabas ka pa ba ng buhay?" Sabay ngisi

Kung titingnan mong mabuti ay parang nababaliw na yong babae dahil tumatawa ito kahit wala namang dahilan at para bang mas natutuwa pa ito sa nangyayari.

"Kung gusto mong makaalis sa lugar na ito kailangan mong mapuno ang lalagyang 'yon" turo ng babae sa may lalagyanang puti na kasing laki ng balde " Bibigyan kita ng Dalawang oras kapag hindi mo nagawa magpaalam kana sa mundo."

"Gamit ang ano?" Nagtatakang tanong nito

" Dugo, balat at buto mo" maikli tugon nito sabay ngiti ng matamis kahit na hindi naman ito nakikita ng lalaki.

Hindi makapaniwala ang lalaki sa sinabi ng kanyang kausap.

" C'mon Mr. Juarez time is running. Kapag hindi mo nagawa say Bye earth" Pang-aasar na sabi ng babae

Labis na takot ang nararamdaman ng Heneral at mas lalong nakadagdag sa kaba niya ay ang tunog ng orasan na nag sisilbing oras ng buhay niya.

Walang nagawa ang Heneral kundi amg gawin ang sinasabi ng babae. Kinuha niya ang isang maliit pero nakapa tulis na kutsilyo.

Napasigaw na lamang siya ng sinimulan niya ng hiwain ang kanyang balat sa kamay. Pinapatulo niya ang kanyang dugo habang binabalatan ang sarili.

Nanghihina na ang heneral dahil sa ginagawa niya. Pagod, sakit, takot at kung ano ano pang maaring naramdaman niya nung mga oras na iyon.

Halos maubos na niya ang balat at dugo ng isa niyang kamay ngunit hindi pa rin iyon sapat para mapuno ang dapat mapuno.

"Time is clicking" pagpapaalala ng babae

Kaya dahil sa labis na pagkatakot ay pinutol niya ang kanyang braso. Ang nasa isip niya lang ay " Ayoko pang mamatay" Rinig sa buong silid ang sigaw ng heneral. Ramdam ang bawat sakit na parang mas pipiliin mo nalang takpan ng tenga mo para wag marinig.

Malapit na niyang ma putol ng biglang

" 5...4...3...2...1 "

BANG!

"Wala magandang maidudulot ang pagiging mayabang at mapagmataas. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat ginagamit ang kapangyarihan lalo na sa pang-aapi sa mga mabababa" sabi ng babae bago tinatakan ang folder na hawak nito.

CASE CLOSED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Voice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon