Chapter 2

2 0 0
                                    


Chapter 2

Welcome

"Flight attendants, prepare for landing please." ani captain.

Kinuha ko ang ear pods na nasa bulsa ko at inilagay sa tenga ko. Sumandal at pinanood ang mga flight attendants kung paano nila gawing komportable ang mga passengers at ang safety nito.

Tumingin na lang muna ako sa bintana at ipinikit ang mga mata. Nakakaantok. At hindi ko na namalayan na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ko nang huminto ito ng ilang saglit pa habang nakatitig ako sa bintana kaya makakababa na kami ng maayos.

10:33 am

Inayos ko muna ang gamit ko bago ako tumayo at lumabas. Hay.. this is it.

Ilang minuto pa 'kong nagpasikot-sikot dito nang marating ko na rin ang exit. Pagkalabas na pagkalabas ko, ang simoy ng hangin kaagad ang yumakap sakin pero may nakapapasong init din. Summer na dito.

Puwede bang maglakad na lang at hindi na sumakay? Maghahanap lang naman ako ng matitirhan at makakainan. Grabe, parang hindi ako tumira dito nang ilang taon nung bata ako, kaunti nalang yata ang alam kong pasikot-sikot dito sa Metro Manila.

Last na punta ko dito ay noong 14 years old pa ako, hindi naman kami nagtagal dito noon, may ginawa lang si Dad kasama ang business partner niya kaya sinama niya na din ako. Dito lang kami sa Manila non at hindi kami pumunta sa province nila. Ewan, 5 days lang kasi kami dito noon.

"Bakit kasi sa Cebu pa ang bahay ni Lola? Edi sana doon na lang ako makikitutuloy." Bulong ko dito at nag-aantay ng masasakyan. Medyo maraming tao ang nandito at sumasakay na sa kani-kanilang sasakyan para makauwi.

Hindi ko alam kung naibenta na ba ni Dad yung bahay namin dito. Wala na din kasi akong nababalitaan tungkol doon kasi kung dati may nakaka-usap pa ako na kasambahay doon, ngayon wala na. Wala na kaming komunikasyon, si Dad baka meron.

Mabuti nalang talaga ang madalas kong gamiting wika ay tagalog, hindi na kailangan ang mag-ingles.

Itinaas ko ang kamay at nang huminto ang sasakyang nakita ko ay sumakay agad ako.

"Forsza Restau." Isa sa mga alam kong resto dito. Okay lang kaya yun ang sabihin ko? Wala talaga akong alam dito.

Kinuha ko ang phone kong nagvibrate at tinanggal ang ear pods ko.

From: Sleella Heaxita

Girl, where are you?

Sa condo nalang kaya niya ko makitira? Pero baka wala pa din siya dito ngayon. Pero yes naman, miss na naman ako nito panigurado.

To: Sleella Heaxita

Why? In a taxi? Miss me?

Wala pang limang segundo ay nagreply kaagad siya.

From: Sleella Heaxita

What i mean is, where exact location are you?

Wala sigurong magawa kaya ang bilis magreply. Naks, i feel like i'm so special.

To: Sleella Heaxita

Woah, anong ginagawa mo? Infairness, ang bilis mag-reply ha. You make me feel special~

Lumingon ako sa labas at tinignan kung nasaan na ako. Malapit-lapit na yata ang pupuntahan ko. Medyo malamig ang loob ng taxi pero hanggang kamay ko lang yata ang lamig, ang init sa pilipinas.

To: Sleella Heaxita

Anyway, i'm on my way to Forsza Resto. Where are you?

Nangati ang mata ko nang mapadaan kami sa isang park na napapalibutan ng mga dahon pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang mga bench nila na nakita ko din sa social media noong nakaraang araw. Saan ngang lugar ulit 'to?

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now