Chapter 6

2 0 0
                                    


CHAPTER 06

The Husband

Busy ako sa panonood ngayong martes. Tatlong araw na ang lumipas magmula noong may pinirmahan akong kontrata. Normal naman ang buhay ko at walang sumusulpot-sulpot kaya ito ako ngayon nakasandal sa couch at nanonood lang.

09:49 pa lang ng umaga at tulog pa si Saksi. Nag-bar daw sila ng mga katrabaho niya at umuwi ng alas-dos ng madaling araw. Nagising pa kami nina Vina dahil sa ingay niya. May kasama pa siyang isang lalaking hindi namin kilala na nakapagpagising kay Baks sa katotohanan.

Susuntukin pa sana niya yung lalaki na nakahawak sa bewang ni Saksi dahil nakayakap ang mga braso ng lalaki doon. Buti na lang talaga lumayo na si Saksi sa lalaki bago pa kami makalapit sakanila na nasa labas ng bahay kanina.

Hindi naman talaga masyadong naglalalasing si Saksi, 3 to 8 shots lang ginagawa niya pero kaninang umaga napasobra yata at nanggaling pa sa bar. Lintek.

"Hey.." Napaangat ako ng tingin sa hagdan at nakita na doon si Saksi.

"Good Morning." Kakamot-kamot ito ng ulo kahit bagong ligo pa lang siya.

"Anong oras ka nagising?"

"09:30 yata. Binilisan ko lang ang pagligo eh." Aniya na kinatango ko.

Ang agang umalis nina Vina at Baks, alas-singko ng umaga pa lang nakaalis na sila. Babalik daw sila saglit bago mag 10:30 ng umaga, baka maya-maya nandito na yun. Sesermunan daw kasi nila si Saksi.

Sana lang talaga may magandang paliwanag ang babaeng 'to. Lukot pa naman ang mukha ni Baks nang binuhat siya nito papunta sa kwarto namin kaninang umaga.

Maya-maya pa nang may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni Saksi at bumungad sina Vina at Baks.

"Anong balak mo sa buhay mo? Manlalalaki?" Syet.

Kumunot ang noo ni Saksi at umupo, "Pinagsasabi mo, Vina? Ano na namang nakain mo?"

"Nagising kami kaninang alas-dos sa kaingayan mo, Saksi. Lasing ka at may kasamang isang lalaki, bakit ka umabot ng ganong oras ha? Gawain mo ba yon?" Si Baks.

As much as possible talaga poprotekahan kami ng baklang yan. Lalo na si Vina, jusko matisod nga lang, mag-aalala na eh.

"Nasa bar lang naman ako tsaka huwag niyong pansinin yon. Okay lang ako." Sasabat pa sana si Baks nang may nag-door bell. May door bell kami pero hindi namin yun ginagamit, nasanay na kasi kami sa pagkatok.

Lumabas si Baks na kinasunod ni Vina. Gosh, kailan ba sila maghihiwalay?

Umiinom ako ng isang basong tubig nang biglang binato ako ng unan ni Saksi, "Sino yon?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Sino?"

Tinuro niya ang pintuang nakasara at inilapit ang tenga sa pintuan. Nilapit ko rin ang tenga ko sa pintuan dahil may kausap si Vina at Baks sa labas.

"Yesh? What can i do for you, fafi?" Ang landi naman ng boses nitong Baks na'to. Jusko ha.

"Anong kailangan niyo?" Sabat ni Vina.

"I need to fetch someone but i don't know her name." Mas inilapit ko pa ang tenga ko sa pamilyar na boses na yon. Saan ko ba narinig yon?

"Fafi, apat kasi kaming babae sa bahay na'to. Give me your name."

Hindi ko alam kung sino ang nagbukas ng pintuan mula sa labas kaya napatayo kami ng deretso ni Saksi.

"I'm Mavino Prantiz.."

Pumasok ang ulo ni Baks dito at tinaasan kami ng kilay. Tinuro ko ang sarili ko at nagsalita ng walang boses, "Pamilyar sakin."

"Mavino Prantiz? I know him." Si Saksi na patuloy pa ding nakikinig mula sa labas.

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now