Chapter 4

3 0 0
                                    


Chapter 3

Bench

Pagpasok na pagpasok ko ng bahay, ito agad ang bumungad sakin.

"Sistah?"

Si Baks na nasa kitchen, future chef yata 'tong baklang 'to. Ewan ko kung ano na naman ang mga naisipan niya ngayon, noong mga nakaraang-araw kasi ay nagtinda siya. Kakanin yata iyon? Well, masarap naman kaso may mga lalaki pa ding nang-gulo.

Nagtatrabaho ng maayos ang kaibigan ko, sila ang nang-gulo pero 'yung sabihan na nila ng masasama ang kaibigan ko dahil gender ito.. doon na sila nawalan ng respeto.

"Yuli, ikaw ba 'yan?"

Umupo ako couch at binuksan ang t.v.. Kagagaling ko lang sa mall dahil wala lang, wala naman akong ginawa dito sa bahay--- pati na din sa mall kanina. Ewan ko ba sa sarili ko.

"Yeah?"

Wala pa akong alam kung magbabakasyon ba silang tatlo dahil summer naman na pero wala, trabaho ang iniisip nila.

"Saan ka galing ha?"

Lumabas si Baks sa kitchen habang hawak ang isang ladle kaya napa-kunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo hawak 'yan? Magluluto ka?"

Oh, di ba tama ako. Iba-iba ang ginagawa niya sa mga nakalipas  araw pati na din ngayon.

"Ito bang ladle? May susubukan lang ako."

Nagpunta siya sa gilid ng pintuan at tumingin sakin, "Look at me."

Sinundan ko lang siya ng tingin nang magpabalik-balik ito ng lakad mula sa pintuan ng bahay hanggang sa hagdan papunta sa ikalawang palapag. Nakataas ang kamay habang hawak ang ladle, minsan niya pang winawagayway ito. Anong ginagawa niya?

"How was it?"

"What?"

Nakita ko pang umikot ang mga mata nito at naglakad ulit ng pabalik-balik habang nagsasalita.

"Itong pag-rampa ko. Sa tingin mo, approve ba 'to?"

"Kanino?"

"Sa mga manonood." Katulad ko?

Hindi ako nagsalita at napatingin lang sa kanya. Hindi ko maintindihan sinasabi niya at ginagawa niya, para saan ba yon? Sagala? Sasali siya?

"Bagay ba akong maging isang modelo?"

Ah.. kaya pala naka-suot ng magarbo, modelo pala. Anong imo-model niya? Ladle?

"May kasamang ganyang ladle? Ano ka diyan? Yung ladle?"

"Tangek ka ba? Panong magiging ako itong ladle? Nagsasalita ba 'to? Si Gaz ba siya?"

Nagkibit-balikat ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Gaga talaga 'to.

"Girl, nawalan ka ba ng trabaho kaya ka magmo-modelo?"

"Hindi 'no!"

Napailing ako dito, boring na boring, 'te? Kung ano-anong pinaggagawa.

"Nevermind. Saan ka galing?" Tanong niya pagkahinto niya sa paglalakad.

"Sa mall lang."

Tumango-tango ito at nagpaalam saglit na may kukunin lang sa kwarto niya kaya nanood na lang muna ako.

Mag-aalas-dos na yata at nakakain na kami ni Baks kaninang alas-dose bago ako umalis.

Tatanggalin ko na sana ang sapatos ko para makahiga na sa couch nang lumabas na sa kwarto niya si Baks.

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now