Prologue

11 0 0
                                    


Prologue

12 years ago..

Yulimiara Marelaño POV

"Dad!" Kaagad kong sigaw nang muntikan nang madapa si Dad sa putikan. Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko nang makita iyon.

Nasa pilipinas kami ngayon at tag-ulan na. Maputik at medyo madulas ang kinaroroonan namin ngayon dahil nandito kami sa tahanan ni Mom.

Tutulungan ko na sana itong makatayo nang may makita. Lumiit ang mga mata ko nang may humawak kay Dad at inalalayan itong maglakad. Hindi naman ganon kadulas ang daan tuwing umuulan dito. Ang tangkad ng lalaking 'to, mas matanda pa yata 'to sakin.

"Princess, huwag mo ngang tawanan ang Daddy ko." Princess? Yeah, i look like a princess but my name is Yuli. And 'Daddy ko'? that's my Daddy, not his.

Nakakainis!

"Princess your face! Don't call me princess, i don't know you. And please, don't call my father your Daddy. That's my Daddy only." Napahinto si Dad at tumingin sakin kaya napatingin ako sakanya nang magsalita siya. Is he going to scold me? In front of this--- ano ba ang pangalan ng lalaking 'to?

"Yuli this is Oliver, your older brother and he's my son."

Ngumuso ako habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo ko. Ganon ba..

"As in kuya po?" Tumango-tango si Dad at naglahad ng kamay. May kuya pala ako, bakit ngayon ko lang alam?

Lumapit ako sakanila at hinawakan ang kamay ni Dad na inilahad niya sakin, baka madulas ako.. mahirap na.

"Sa loob na muna ako, maglaro na muna kayo dito." Napatingin ako kay Dad nang magsalita siya ng tagalog at may accent pa. Doon ay mahina akong natawa. Kahit naman ganon ay marunong na si Dad magtagalog.

Nakita ko pa ang Mommy na tinulungan si Dad makapasok sa bahay. Napanguso ako nang dahil don, masyado na bang matanda si Dad?

"Princess." Lumingon ako sa kuya ko daw kuno.

Pano ako nagkaroon ng kapatid? Paki-explain nga ang bawat detalye.

I'm still young and this guy in front of me is not--- iyon ang sa tingin ko.

Ang kinis ng mukha nito, sana all clear balat.

Mini version ni Dad yata 'to?

"Yeah?" Inilahad niya ang mga braso niya nang sa ganon ay yumakap ako sakanya.

Kahit may kaunting putik ako sa mukha at damit ay niyakap ko pa rin siya. Hindi naman siguro siya mandidiri diba? Atsaka komportable naman ako kaya don't care!

"Kamusta ka? Ngayon lang tayo nagkita dahil sa U.S. kayo nanirahan ni Dad." Kumawala ako at napatanong sa sarili ko. Older brother.. so pwede ko siyang tawaging kuya?

"Ayos naman ako atsaka teka lang ha.. paano tayo naging magkapatid?" Kunot-noong tanong ko sakanya.

"Magkapatid tayo sa tatay." Sa tatay lang? Ang alam ko pati din sa nanay ah?

Hindi ko nalang 'yon pinansin at tiningala siya.

"May sakit daw si Mommy?" Tinapik-tapik ko pa ang braso nitong ang tigas. Grabe, baka bigla akong suntukin nito pag nanggigil ako at mapisil ko ang braso niya ah.

"Yeah." Para na kaming matanda sa lagay na 'to nang mapag-usapan si Mom.

Gustong-gusto ko kasi talaga ang ganon, usap na seryoso.

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now