Chapter 17

1 0 0
                                    


CHAPTER 17

Ring

Nagpapanggap lang akong tulog habang bumabyahe kami pabalik ng Valenzuela. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o kung anong mararamdaman ko kapag naaalala ang halik na pinagsaluhan namin ni Mav noong nakaraang araw. Pero normal lang naman iyon, hindi ba? Mag-asawa naman kami.

Alas-nuebe na ng umaga at medyo nakalayo-layo na kami sa laguna dahil kanina pa kami bumabyahe.

Noong nakaraang araw nang nakabalik ang ibang umalis noong gabing yon ay halos ang pool at ang kwartong may videoke lang ang pinupuwestuhan namin. Kagabi naman ay tahimik na naman dahil sa pagod at may byahe pa.

Ngayon ay nakasandal lang ako sa upuang katabi ni Mav. Katulad noong ilang araw na ang nakalipas ay ganoon pa din ang pwesto ng lahat.

Hindi ko naman kailangang magpanggap na tulog. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan.

"Ay!"

"Takte!"

"Aray!"

Napadilat ako at napahawak sa kanang bahagi ng uluhan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang alam ko lang ngayon ay nauntog ako at huminto ang sasakyan.

"What's wrong, Lev?"

Tumingin na din ako kay Levero sapo-sapo ang noo, "May mga bato pala sa gilid, hindi ko napansin."

"Magpahinga ka na lang at ako na ang magda-drive." Si Nivon na nakipagpalit ng pwesto kay Levero.

Nang umusad ulit ang sasakyan ay sakin bumaling ang tingin ni Mav, "Ayos ka lang?"

Nararamdaman ko ang daliri nitong humahaplos sa bahaging na nauntog ako. Halos nakaharap na siya sakin habang ginagawa iyon. Nakalimutan kong nagpapanggap pala akong tulog na dapat ay hindi ko ginagawa.

"H-Huh? Ah, oo ano ayos lang."

"Sumandal ka na lang sakin para makatulog ka ulit."

Huh? Teka lang naman, nagpapanggap lang ako kanina. Hindi ako inaantok.

Papalag pa sana ako nang hilahin na ako nito papalapit sa kanya. Eh? Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Dito lang ako."

Napapikit ako. Takte, ano ba 'tong pinaggagawa ko? Hinding-hindi ako makakatulog nito. Paano na?

Buong byahe ay hindi naman talaga ako nakatulog. Dinadama ko lang talaga yung puso ko kung titibok ba ulit.

"Mister?" Mahina kong tawag sa kanya.

"Hmm?" Patuloy pa din ang pagsuklay nito sakin gamit ang kamay niya.

"Hindi naman talaga ako natutulog eh.."

"I know."

Napaayos ako ng upo at napatingin sa kanya. Hanep, alam niya naman pala tapos hinayaan niya lang ako sa ganoong situwasyon?

"Paano mo nalaman?"

"I just know."

Napa-ismid ako at napatingin sa labas. Umaambon at nasa Valenzuela na kami. Mabuti kung ganon.

"Misis, wala ka bang natatandaan last week?"

Hindi tumitinging sumagot ako, "Ano naman ang matatandaan ko?"

"Like celebrations?"

Kumunot ang noo ko at inalala kung meron nga, "Anong klaseng selebrasyon naman?"

"Okay, you don't even remember rouotsrmnhay.." Humina ang boses niya nang sabihin ang panghuli.

Lumingon ako at nakitang seryoso ang mukha nito, "Ano ba 'yon?"

Strangers Got MarriedOn viuen les histories. Descobreix ara