Chapter 1

4 1 0
                                    

Chapter 1: Eleanor Seah

" "The only way to have a friend is to be one."
By David Cook."

"Oh kita mo. Kung gusto mo magkaroon ng kaibigan kailangan maging isa ka. So friends na tayo."

Sabay sarado ng booklet na binasa niya.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha yang confidence niyang ipahayag na kaibigan ko na siya. Why the act?

"Tss. Sino nagsabing kaibigan kita"

Tinalikuran ko na siya at umalis ng classroom. Wala pa rin yung professor  namin sa huling klase. Ang sabi ng substitute niya nagkaroon ng emergency sa probinsya. Dalawang linggo na puro paper works o puro activity ang binigay ng substitute. Parang high school lang. Tsk.

"Wait a minute! Hintayin mo naman ako."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy akong naglakad pababa ng hagdan. Marami na rin ang umu-uwing katulad ko. Ayoko rin naman na mag-stay dito. Ano naman ang gagawin ko pa rito?

"Alam mo ang snob mo."

Sabi niya habang nakanguso. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko. Parang bata. Tss. Bakit ba sunod ng sunod ang isang to?

"I am Elea Seah but ignored by you. Oh my! Diz iz humiliation en I can't take it! But I'm not gonna give up on yah."

Sabay ngisi niya sa akin. Hindi ko alam kung may sira ba siya sa utak o talagang kulang lang siya sa bakuna. Naiinis ako dahil una hindi ko na nga siya pinapansin pero heto na naman siya nangungulit at pangalawa siya lang ata ang unang tao na gustong makipagkaibigan sa akin.
Sabagay, baguhan pa lang kaya hindi niya pa alam. O mas magandang isipin, nagpapanggap lang siya.

At hindi ako natutuwa sa kaartehan niya. Pati pananalita niya halatang napipilitan.  Rich kid and spoiled. Hmp.

"See yah tomorrow. Vabye!" She bounced as she waved goodbye. Tsk. Parang bata talaga..hayss.

Sumakay ako sa motor pagkaalis niya sa parking lot ng eskwelahan. Maraming de kotse na nag-aaral dito sa Cerojales Academy. Karamihan naman ay sumasakay ng tricycle o jeep sa labas ng school.

Madilim na nang makauwi ako. Pinagbuksan ako ni manung guard ng gate bago ko pinaandar papasok sa bahay.

"Haru, pinapasabi ni senyora dumiretso ka daw sa office niya." Sabi ni manang.

Bumaba ako sa motor at tumulak sa opisina ni mama. Umakyat ako sa hagdanan kasabay ni manang.

"Anong gusto mong ulam at nang mailuto ko, Haru?" Sabi niya.

"Kahit ano, manang." Sagot ko bago buksan ang pintuan ng opisina. Tumango siya sa akin bago pumanhik sa baba.

Nakita ko siyang nakaharap sa mga papel na hawak niya. My mother who's overworked and obsessed in managing our company. Gusto niya atang angkinin lahat ng negosyong maisipan niya.

"Sinundan mo na naman ba siya ha, Harumi?" May diin niyang sabi at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo at tinitigan na lamang siya. Why is she mad again? Ah, nalaman na naman niya sigurong sinundan ko sila. Tsk. Wala ba akong kalayaan sa gusto kong gawin?

" Tama ako noh? Why are you being so stubborn again? Sinabi ko naman sayong hayaan mo na sila. Pinili niya yun at dapat lang sa kanyang magdusa siya!"

Again. Paulit-ulit. Palaging yan na lang ang sinasabi niya. Naririndi na ako sa paulit-ulit niyang pagbabawal.

"Kung yan lang ang sasabihin mo ma, aalis na ako. I'm tired."

Sabay tayo at umambang aalis na.

"What?Hindi pa ako tapos dito, Harumi!"

"Good night, ma"

Binuksan ko ang pinto at lumabas na. Ayoko na ulit marinig ang mga bilin niya. Kabisado ko na nga eh sa paulit-ulit at iyon lang at iyon ang sinasabi niya tuwing nalalaman niya kung anong pinaggagawa ko.

Morning came and I'm bored. Wala masyadong ganap sa buhay ko. Tinatahak ang pathway papuntang building ng mahagip ng mata ko ang batang iyon. Tss. Parang bata talaga.

"Hello, Good morning. hihihi" she said while waving at my face. Pinagkunutan ko siya ng noo at dumiretso na sa building namin.

"Hindi mo na naman ako pinapansin".

She pouted habang sumasabay sa akin na maglakad. Hindi niya ba ma-gets na ayaw kong makipagkaibigan sa kanya? Consistent siya ah. Tignan natin kung hanggang kailan ang pagiging consistent mo.

"Hoy , Elea" tawag sa kanya ng kaklase namin.

Kaya natigil siya at hindi na sumunod pa sa akin. Umupo ako pagkarating sa room at sinaksak ang headset sa tainga ko. Dahil malapit ako sa bintana, natanaw ko ang mga katulad kong studyante na palakad lakad sa school ground. Mga magbabarkada ang kadalasang nagtitipon kung saan-saan. Yung iba, mag-isa habang nagbabasa o gumagawa ng projects o homeworks. Yung iba naman nagkakatuwaan o kwentuhan.

Inalis ko ang tingin sa kanila. Ayokong maramdaman ulit yun. Ayoko nang balikan pa ang mga panahong ... masaya, kuntento, at kumpleto pa.

"Huwag kang makipagkaibigan o lumapit sa kanya." Narinig kong sinabi ni Jelai. Sosyalerang chismosa.

"Huh?sinong tinutukoy niyo? At bakit naman?"

"Yang si Harumi. Basta huwag kang makipaglapit jan."

Nagbubulungan pero rinig na rinig ko naman kahit nakaheadset ako. Tss.

"Oist! Huwag kayong ganyan. Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo."

Sabay sulyap sa akin. Kita ko sa gilid ng mata ko. Ayokong pagtuonan sila ng pansin. Hindi sila nakakatulong sa akin.

Dumating naman ang professor. Nagsibalikan naman ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan.

"Settle down class. Dahil wala ako kahapon, binigyan kayo ng homework ni Miss Sanchez. But before checking, may ipapakilala akong transferee." Mr. Agoncillo said. Pumasok ang transferee.

Transferee na naman katulad ni Seah. Wala akong panahon makinig sa kanila. Binuklat ko na lang ang notebook ko kung nasaan ang homework namin. Studying is my priority right now. Kahit ganito ako, gusto ko rin namang makapagtapos. Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay. Hindi katulad noon. Ayan ka na naman sa past. Hayy...

Hindi ko namalayan tapos na ang klase. I scoop my things and walk to my next class. Walking past the corridor, ayan na naman ang mga matang CCTV nakasunod sa bawat hakbang ko. Sumusulyap bago bumulong sa katabi. I know people, ako pinag-uusapan niyo.

"Balita ko may gustong makipaglapit jan kay Calderon."

"Ah, yung bagong salta ba? Sino ba yun?"

"Si Eleanor Seah. Bagong transferee. Galing Singapore ata yun. Ang ganda nun, Meg. Nakita mo na ba yun?"

"Ako lang ang maganda, Abby. At pakialam ko dun duh." Hinawi niya ang buhok sabay talikod sa mga kasama niya. Agad namang sumunod ang mga alipores nìya sa kanya.

Ang barkadang sosyalerang chismosa. Marami sila pero tatlo lang sila ngayon. At wala akong pake sa kanila.

Mabuti naman at tinantanan ako ng batang pasaway na yun. Sabi ko na nga ba, hindi pa nag-iisang linggo suko na siya. Natutuwa ako sa lagay na yan. I smirk. But shit. I never thought siya pa ang makakatagal sa akin.

I'm doomed. The hell with that girl.

Loving SecretlyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant