Chapter 4

0 1 0
                                    

Chapter 4: Even my greatest fear

"The most important single ingredient in the formula of success is knowing how to get along with people.__David Cook"
🍀🍀🍀🍀
.
.

Half day kami ngayon dahil wala ang professor namin sa hapon. Isang subject lang iyon at alas tres ng hapon pa.

"Tara sa bulletin" hinatak ako palabas ng room ng nakitang sinuot ko ang bag.


"Bakit ka ba nanghahatak! Bitawan mo nga ako"

Sinamaan ko siya ng tingin pero pinagpatuloy niya lang ang paghatak sa akin. Ang kulit naman niya! Sabing 'wag ako hatakin eh. Isa sa kinaiinisan ko ang hinahatak ako. I rolled my eyes as I watch her back. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

As if , nakakamangha ang panghahatak sa akin ng babaeng to. Argh! Hindi ba siya natatakot sa akin? Lahat ng estudyante dito ay iniilagan ako. Hindi ko maintindihan kung makapal lang talaga ang mukha niya o talagang hindi siya natatakot sa akin.

"Ano ka ba! Hindi ka ba nakinig kay ma'am kanina. May tititignan tayo sa bulletin." Saad niya.

Mabuti na lang at wala kaming nabunggo sa kakatakbo niya...namin...kasi naman hinahatak niya pa rin ako...tsk. Bakit ba siya nagmamadali? Para naman tatakbo ang bulletin board na yan sa pagmamadali niya. Pwede naman maglakad, bakit kailangang tumakbo?

Hatak-hatak niya pa rin ako. Muntikan pa siya matalisod pababa ng hagdan. Shunga. Mabuti na lang at matatag ang binti ko kaya habang hawak niya ang palapulsuhan ko nahatak ko siya pabalik. Sino ba kasing engot ang tatakbo pababa? Tss... Sino pa ba? Eh di si Seah.


"Thanks! Hahaha" at nagpatuloy siyang hatakin ako ng nakababa na kami sa hagdanan at papunta na sa harap ng building.


"Seah! Tumigil ka nga sa kahahatak sa akin" reklamo ko sa kanya.


"Just call me Eli, Harumi." Tumaas ang isang kilay ko sa pagtatama niya sa kung paano ko siya tawagin. I will you call you what I want, Seah.

Tsaka lang niya ako binitawan ng nasa harap na kami ng bulletin board. Hinihingal kami parehas. Sino bang hindi? Sa layo ba naman ng room sa taas pababa sa harap ng building, sinong hindi mapapagod doon. Humilig ako sa poste ng bulletin para makapagpahinga.

Marami ring tumitingin sa nakapaskil na groupings. Hinayaan ko naman ni Seah ang maghanap ng pangalan namin at ang magiging kagrupo namin. May ibang kaklase din akong nakita sa harap at iyong iba naman ay higher year. Ipinagsiksikan niya ang kanyang sarili sa dami ng tumitingin sa bulletin. Nakipagtalo pa siya sa mga nagrereklamo sa kanyang ginawa. Napailing na lang ako sa kinatatayuan. Wala talaga siyang kinakatakutan. Kinagat ko ang labi para itago ang ngiting pilit kumakawala. Damn. You amazed me more ,Seah.

Nakita ko siyang tumingin sa banda ko at muli niyang ipinagsiksikan ang sarili palabas sa kumpol ng estudyante. Nakanguso pa siya nang makalapit sa akin.

"Nakakabwisit! Nakalmutan pa ata ako sa braso."
Nakangusong saad niya habang tinitingnan ang braso kung may sugat ba siya. Mabuti naman at wala namang sugat sa braso niya. Kawawa ang sinumang nilalang na may kagagawan nun sa kanya.

Loving SecretlyWhere stories live. Discover now