Chapter 5

0 1 0
                                    

Chapter 5: Ang malas naman

"Character is what you are in the dark"

🍀🍀🍀🍀

"Manang Fely, san nga po pala ang probinsya ninyo?"

Tumigil naman siya sa kanyang ginagawang pagpunas sa mga figurines sa ibabaw ng kabinet katabi ng TV at sumulyap sa akin na nakaupo sa sofa.

"Sa Ilocos Sur yun iha.Limang oras ang biyahe kapag gabi o pitong oras naman kapag umaga ka bibiyahe galing dito sa Manila.  Bakit? Gusto mo bang mamasyal? Pwede rin. Sasamahan kita"

Nakangiting alok niya sa akin.

"Ah . May proyekto lang po. May farm naman po kayo, hindi po ba?"

"Ah ganun ba. Oo may maliit kaming sakahan doon. Namana ko sa itay at nakabili na rin ng ibang ektarya galing sa ilan taon kong serbisyo sa inyo noong nabubuhay pa ang Don Magno"

Matagal na rin pala siyang nagsisilbi sa aming. Hindi ko na naabutan ang lolo pero base sa kwento ni manang Fely at ilang kasambahay, mabait ang lolo pero napaka istrikto. Walang panama sa kanya ang mga kalaban sa negosyo.

"Ang panganay kong anak ang nagpapatakbo nun. Si Manuel. Kasama ang asawa ko. "

Apat ang anak ni manang Fely. Nakita ko na ang panganay na anak niya. May asawa na.  Sampung taon ang agwat namin ng pangalawa kung hindi ako nagkakamali. Ang pangatlo naman ay teenager pa lang. At ang bunsong babae naman ay nasa elementarya pa lang.

"May mga kasama ka ba sa proyektong iyan, Haru o  mag-isa ka lang? Kailan na iyon?"

"Kaklase. Next week na po"

"Nagpaalam ka na ba sa mama mo?"

Kailangan pa ba iyon? Parang hangin nga lang ako sa kanya eh. Nakikita niya lang naman ako kung may mali akong nagawa o kabulastugan. Halos wala nga rin siya dito sa malaking bahay na ito.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Yumoko ako. Ayokong makita iyon.

"S-sige. Ako na magsasabi."

Ipinagpasalamat ko naman iyon sa kanya. Hindi din naman ako nagpapaalam lalo na kung tungkol sa eskwelahan iyon. Halos si manang Fely na rin ang nagpalaki sa akin. Mas naramdaman ko ang pagiging tunay na ina sa kanya kaysa sa totoo kong ina. Simula ng nangyaring trahedya, ang pagkamatay ni lolo, ang pagkawasak ng pamilya namin, nagbago na ang lahat. Nagbago na rin si mama. Nagbago na rin ako.

Masyadong masalimuot ang pangyayaring iyon sa buhay namin. Masyadong masakit para alalahanin ang nakaraan.

Naging mabagal ang takbo ng oras sa paaralan. Pumasok sa paaralan. Uuwi galing sa paaralan. Matutulog sa bahay. At kinabukasan ganoon din at sa mga susunod na araw. Paulit-ulit na ganoon ang takbo ng buhay kolehiyo ko.

"Hi. Good morning, Harumi!" Bati ni Eleanor Seah isang umaga ng Huwebes.

Tinapunan ko siya ng tingin at tumuloy sa paglalakad papuntang classroom.

Naabutan namin ang iilang kaklaseng nagkalat sa room. May nagkukwentuhan, nag-aasaran, nagkukulay ng mukha at ilan natutulog sa mesa. Magulo at maingay. Akala mo nasa grade school.

Naupo ako sa dating pwesto kasunod ng batang pasaway na ito. Sinulyapan ko siya ng naupo sa tabi ko pero nakita kong nakanganga siya sa kung sino. I trace where she's looking at. Natigil rin ang kanina'y magulong studyante.

Kumunot ang noo ko sa bagong dating na ... guro? O practice teacher?

Maganda at balingkinitan ang katawan. Mas matangkad siguro kay Eleanor.

Loving SecretlyWhere stories live. Discover now